☪Chapter 56☪ (Naliligaw)

17.5K 698 60
                                    

Heaven Red Turner POV:

Nagsipasok na kami sa kanya kanyang tent pwede naman daw na dalawa o tatlo sa tent pero dapat ka gender mo.

Sinara ko naman yung zipper ng tent ko at at humiga na saka ko pinikit ang mata.

Maya maya napaupo ako dahil may nagbukas ng tent ko at naamoy ko ang pabango nya sigurado akong sya to.

"Cloud anong ginagawa mo dito?" Medyo nataranta ako ng sinara na nya ang tent ko.

"Bawal ka dito." sabi ko.

Pero di nya ako pinansin hinawakan nya lang ako sa kanan kong balikat saka kami sabay napahiga ng natangay ako sa paghawak nya sa balikad ko.

"Shhh just sleep I'm too tired." pagod na sabi nya at niyakap ako medyo nailang ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Napapikit na lang ako dahil di ko kayang magsalita sa harap nya.

Bago ako lamunin ng dilim ay hinalikan ako sa noo at may sinabi pa sya sa akin pero di ko masyadong narinig.

"I love you."

~

Pagkagising ko di ko na sya nakita maaga sya sigurong nagising at lumipat sa tent nya, yun ang tingin ko.

Nagsuot na lang ako ng Green Dress na isa mga pinamili naming damit nina Emily.

Nagmumukha tuloy akong diwata ng gubat dahil sa suot ko hahaahah.

"Wow nag mukhang tao ka na ah." sabi ni lian sa akin ng pagkalabas ko.

"Complement ba yan o nang aasar ka lang?" Kunot kong tanong sa kanya na tinawanan nya lang.

"Ok, three days lang tayo dito at ang natitirang araw ay bababa tayo para malibot nyo ang buong Baguio." si cloud na yung nag aannounce lagi, syempre dahil sya ang HM at ang may ari ng Hell Academy.

"Dahil ito ang unang araw natin ay kailangan nyong makakuha ng isang flag sa gubat wag kayong mag alala dahil bilang namin kayo kaya dapat ang isa sa inyo ay meron. Pang exercise nyo na din ito ngayon umaga at pagbalik nyo pwede na kayong mag umagahan." paliwanag ni cloud, kaya pala ang aga nyang nagising dahil gumawa sila ng activity.

Nag usap usap naman yung iba para may makasama sila.

Napatingin naman ako kay cloud nagulat naman ako dahil nakatingin din sya sa akin at bigla syang ngumite kaya di na kita yung mata nya.

"Muling ibalik ang tamis ng pag ibig🎶🎶🎶" napaiwas ako dahil kumanta si Kenneth at si Christoph at nagsitawanan pa sila mga baliw talaga toh.

"Ahm ano tara na?" nailang kong sabi sa kanila.

"Bakit namumula ka?" Emily.

"Huh?" Tanong ko at hinawakan ang mukha ko.

"Hahaha biro lang tara." aya ni Emily sa amin kaya sumunod kami sa kanya parang follow the leader lang hehehe.

"Heaven may tanong ako." sabi ni lian at lumapit sa akin.

"Ano yun?" Tanong ko. Bigla naman syang tumingin sa akin.

"Bakit ang gwapo ko?" Tanong nya kaya tinulak ko sya.

"Hahaha baliw ka para kang si Christoph mahangin din." sabi ko. May ganitong side pala sya akala ko bad boy sya pero hindi pala.

"Hoy hoy sa amin lang si heaven." singit sa amin ni Christoph bakit ba kapag nag uusap kami ni lian lagi silang sumisingit sa gitna.

"Whoa whoa nag uusap lang kami pre." lian. Oo nga naman.

"Eh, bakit mo sya pinapatawa?" Christoph. Napakamot na ako ng noo dahil sa ginagawa nya.

"Hoy! Christoph halika nga dito." Emily at hinila nya ito sa tainga.

"Aray! Aray!", Daing ni Christoph kaya napatawa kami ni lian.

"Ayon!! May Flag" sigaw ni lian kaya pinuntahan nila napahuli naman ako.

Kahit sa umaga malamok pala dito napakamot ako sa leeg ng wala akong makapa na kwentas kaya tumalikod ako at hinanap yung kwentas ko.

Kailangan kong mahanap yun mahalaga yun sa akin di dapat mawala yun.

Hanap ako ng hanap pero wala akong makita, magpapatulong na lang ako kaila lian.

"Guy! Na-" teka nasaan na sila?

"Emily!!"

"Xei!"

"Mark!"

Nasaan na sila iniwan na nila ako huhuhu napalayo ata ako or sila ang napalayo sa akin. Nawawala na nga yung kwentas ko pati na din ako nawawala na din.

"Lian na saan na kayo?!" Sigaw ko pero wala man lang sumasagot sa akin.

Napahinto naman ako ng may nakita akong bulaklak whaa ang Ganda. May nakita naman akong isang flag kaya kinuha ko na ito.

Babalik na lang ako sa camp site namin baka bumalik na din sila.

Di man lang ba nila napansin na wawala ako pero ok lang naman.

Nakita ko naman yung camp site namin kaya tumakbo ako ng nakangite ng makarating na ako.

Napahinto ako dahil lahat ng tao na nakatingin sa akin at nakatulala.

Te-teka?....

Ngayon ko lang narealize na hindi ito ang camp site namin kung ganon nasaan ako?.

"Sino ka?"

I was Controlled by a Mafia Lord [UNDER REVISING AND EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon