☪Chapter 59☪ (They lied on me)

18.9K 698 33
                                    

Heaven Red Turner POV:

Mamaya maya bababa na kami ng bundok. Wala naman kaming ginawang masyado ano lang....ahm naglaro lang kami ng activities nagkukwentuhan.

Di naman ako sumali sa palaro tulad ni Emily tinatamad kami dahil ang boring ng pinapalaro nila.

Nagliligpit kami ng aming gamit para makababa na. Pagkatapos ko lumapit ako kay cloud para pasalamatan sya sa ginagawa nya kahapon. Nakalimutan ko kasing magpasalamat sa kanya.

Lumapit ako sa kanya kahit kasama nya yung babae.

Napahinto naman sila tapos tumingin sa akin.

"Thank you pala sa kwentas dahil nahanap mo." sabi ko with bow pa sabay alis baka kasi nakaisturbo lang ako sa kanila.

Simula kahapon di ko na nakita si lian ewan ko kung nagtatago ba or ano hahaha.

"Manika tapos ka na ba?" Tanong sa akin nila Emily napatango naman ako at hinarap sa kanila yung bag ko na nakasabit na sa likod ko.

"Ok, Tara." aya naman sa amin ni Lawrence.

"Mas mabilis lang tayong makapunta sa baba dahil pababa na ito." mark.

"Share mo lang?" Christoph kaya napatawa ako.

"Kinakausap?" Sabat naman ni mark sa kanya.

"Oyy Kenneth ok ka lang ang tahimik mo eh?" Tanong ni xei at hinawakan sa balikad si Kenneth.

"Whoaa" napabitaw naman si Xei dahil parang napaatras si Kenneth ng hinawakan sya ni xei.

"Oh, bakit?" Takang tanong naman ni xei kahit kami nagtaka din.

"Kidlat ba yun? O tayo lang nag spark." sabi ni Kenneth.

"Boo!" Yung tatlo yan haha.

"Ang corny mo. T*ng *na." xei at naunang naglakad sa amin.

"Sus kunwari pa kinilig naman." rinig kong bulong ni Kenneth. Ang kukulit talaga nila.

Kung hindi pa siguro ako nakakulong sa dati kong kwarto siguro di ko sila nakilala.

Pagbaba namin ay pumasok muna kami sa bus para ilagay ang gamit namin para di mabigat kung maglilibot kami.

Iniwan ko lang si xyxy sa bag ko di ko muna sya dadalhin.

Sabay sabay naman kaming umalis nila mark.

"Whoaa doon muna tayo sa mga strawberry." excite na aya ni Lawrence sa amin kaya tumakbo naman ako papapunta doon.

"Wow!! Ang dami." komento ko naman ang ganda sa paningin hehehe.

"Oyy Lawrence bawal kang kumuha dyan baka pagalitan tayo." saway ni Kenneth sa kanya.

Kaya napatingin kami kay Lawrence na kumuha ng isang strawberry.

"Isa lang naman eh." nakapout nyang sabi.

"Ijo!" Nagulat si Lawrence ng may nagsalita sa likod nya kaya napatingin sya at kami.

"Whaaa manong farmer sorry po isa lang naman yung kinuha ko eh." nakaluhod na sabi ni Lawrence.

"Hahaha nako ijo ok lang. Di nyo ba nabasa sa karatola?" Tanong nya sa amin at tinuro ang isang karatola na malapit lang sa amin.

"Free pick for visitors." Sabay naming basa.

"Diba sabi ko sa inyo eh libreng kumuha eh." Lawrence. Wala naman syang sinabi na ganon ah.

"Wala ka ngang sinabi." Christoph. Oh diba.

I was Controlled by a Mafia Lord [UNDER REVISING AND EDITING]Where stories live. Discover now