☪Chapter 51☪ (Player)

17.2K 648 11
                                    

Heaven Red Turner POV:

Pagpasok ko ay agad akong ay agad akong pumunta sa may closet at doon ako nagtago.

Umupo ako at pinagdikit ko ang binti ko para yakapin saka nilagay ang mukha ko sa may tuhod.

Kaya ba sya naging cold sa akin dahil may gusto na syang iba? Lahat ba ng pinapakita nya sa akin ay di totoo?

Siguro nga tama si tatang na wag magtiwala sa mga tao.

Kung....Kung...Kung kailan ko na sya nagugustuhan.

Sana nandito si Xyril o di kaya si AC dahil di nila ako sasaktan.

"Heaven"

"Heaven"

"Pula"

May tumatawag sa akin alam ko naman si Lawrence yun kaya di ko pinansin.

Maya maya biglang bumukas ang closet kung nasaan ako.

"Nandito ka lang pala pula. Ok ka lang ba?" tanong nya sa akin. Di ko sya tiningnan pero sumagot naman ako.

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong Hindi." sabi ko sa kanya. Basa na yung paa ko dahil sa pag iyak ko nasasaktan na ako.

"Alam ko kung bakit umiiyak ka nasasaktan dahil mahal mo na si alastair." sabi nya.

Parang di sya si Lawrence dahil sa pananalita nya. Napaangat naman ako ng ulo at tumingin sa kanya.

"B-bakit huk* may kasama syang babae huk*?" Tanong ko na may kasamang hikbi.

Umiwas naman sya ng tingin sa akin at sumagot.

"D-di ko alam." sagot nya. Wala syang alam?

"Diba gagawa tayo ng assignment, Tara." aya nya sa akin at pinatayo nya ako.

"Magpalit ka muna." sabi nya kaya matamlay akong sumunod sa kanya pagkatapos ko lumabas agad ako.

"May dinala akong pagkain alam ko naman kasi na ayaw mong bumaba kaya nagdala na lang ako dito." Nakangiting sabi nya sa akin.

Nang unang pagpunta ko dito sya ang naging una kong kaibigan dahil naging mabait sya sa akin.

"Wala akong Gana." sabi ko sa kanya.

"Dyan lang ang pagkain mo para kapag nagutom makakain mo yan." sabi nya pa.

Umupo kaming dalawa sa sahig at ipinatong ang gamit sa lamesa na maliit kung saan ko laging ginagawa ang mga project or assignment.

"Pakopya nga." natatawang sabi niya hinawakan ko naman yung mukha nya para harangan.

"Doon ka nga alam mo naman ang sagot eh." sabi ko at tinulak ang mukha nya na dahilan ikapout nya.

"Bad ka." sabi nya kaya natawa ako sa kanya kahit sya natawa din pero napahinto kami ng bumukas ang pinto.

"You need to move your room because my Girlfriend will stay here." cold na sabi ni cloud habang na nakatingin sa akin.

Yes, si cloud at diana ang bumukas ng pinto.

"Pero alastair dito sy-" naputol ng ang sasabihin ni Lawrence ng...

"Do it what I said!!" inis nyang sabi.

"Babe wag mo silang pagalitan. Pwede naman ako sa kwarto mo eh." sabi ni Diana at humawak pa sa dibdib ni cloud.

"Plastic." rinig kong bulong ni Lawrence.

"No,this is your room. My room is a private." sabi nya.

"Ok." nakangiting sabi nya na medyo napahiya.

Niligpit ko yung gamit ko lahat ng gamit sa school at tumayo kinuha ko na din yung uniform ko at si xyxy kasama na yung paper bag na sa may gilid lang na binili kong damit.

"Tulungan na kita pula....Di mo na ba kukunin ang ibang damit mo?" Tanong nya sa akin at tinuro ang closet, umiling naman ako.

"I can buy with my own." mahinang sabi ko sa kanya. Humarap naman ako kaila cloud pero di ko sila tiningnan at dumaan na lang.

"Kung sa kwarto ko na lang kaya ikaw mag stay." sabi ni Lawrence kaya napatingin ako sa kanya.

"Seriously?" Tanong ko.

"Haha joke lang doon na lang sa may guessroom kaysa naman sa kwarto ng mga maid." sabi nya pa at binulong ang huli.

"Salamat." sabi ko ng pagkahatid nya sa akin.

"Welcome." sabi nya at umalis. Tumingin naman ako sa buo kong kwarto ok naman sya.

Matutulog na lang ako ayaw kong kumain wala na akong gana dahil sa nakita ko.

Kinaumagahan...

"Good morning heaven." bati nila sa akin.

"Alam mo ba umalis na yung plastic na babae kaninang umaga lang at umiiyak sya hahaha." sabi sa akin ni Lawrence kaya napatingin ako sa kanya na may halong tuwa sa loob looban ko.

"Kaso...may babae na namang dumating na kinulang sa tela, Ewan ko lang ah pero ayaw ko ng babae kinulang sa tela kadiri eh hahaha." dugtong ni Christoph sa sinabi ni Lawrence kaya napayuko ako.

"Si cloud ba?..." pag uumpisa ko.

"Si cloud ba ay pinaglalaruan nya lang ba ang damdamin ng mga babae?" Tanong ko sa kanila pero tahimik lang sila.

"Kung Oo. Bakit dinamay nya pa ako!?." Nakatayong sabi ko.

"Heaven di sa ganon k-"

"Sa ganon yun eh.! Di ako tanga! para di ko alam ang lahat  nangyayari!-" napahinto ako ng narealize ko ang ginagawa ko.

"I'm sorry mauuna na ako sa inyo." sabi ko at hinablot ko ang bag saka ang si xyxy.

"Teka! Di ka pa kumakain." pigil sa akin ni Kenneth pero di ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.

Palabas na ako ng mansion ng may nagsalita sa likod.

"Saan ka pupunta?" Nilingon ako at tama nga ang sinabi nila Christoph may bagong babae syang kasama.

"Sa kotse." peke kong ngite at tumalikod sa kanila pero tinanong nya ulit ako.

"Have you done eating?" Tanong nya sa akin. Bakit sya ganyan? Di ko na sya naiintindihan.

"Wala akong Gana." sagot ko ng nakatalikod at tuluyang lumabas ng mansion saka sumakay sa likod ng kotse.

I was Controlled by a Mafia Lord [UNDER REVISING AND EDITING]Where stories live. Discover now