☪Chapter 54☪ (Baguio)

18.3K 655 84
                                    

Heaven Red Turner POV:

Pagkatapos ng gabing yun di na kami nagpapansin ni cloud. Pero pinaglulutuan ko naman sila, I mean mag babake ako ng cookies pero sila Lawrence lang ang nakakaubos hahaha.

Lumipas ang isang linggo at camping na namin ngayon.

Knock*
Knock*

"Heaven tapos ka na ba?" Rinig kong tanong ni Kenneth sa labas.

Hinahanda ko na kasi yung gamit ko pang camping at base sa research ko malamig daw sa Baguio.

Exciting!!

"Wait lang! patapos na ako." sabi ko at sinara ang zipper ng malaking bag ko tsaka binitbit si xyxy syempre di sya mawawala.

Lumabas ako at nakita ko silang naghihintay sa akin.

"Si alastair na sa school na nauna sya sa atinm" sabi naman ni Christoph.

Kinunutan ko na lang sya ng noo.

"Di ko naman sya hinahanap eh pero thanks sa pagsabi." nakangiting sabi ko, nakita ko naman silang nagkatinginan sa isa isa.

Problema ba sila?

"Kahit anong mangyari di mo kami iiwan right? Lalo na si alastair?" Tanong sa akin ni mark kaya napatawa ako.

Di naman ako mamamatay para iwan sila haha.

"Hahaha bat ko naman gagawin yun?" Ako naman ang nagtanong sa kanila.

"Ha ha ha Oo nga naman pre di yung gagawin ni heaven." Christoph.

"Pula! Mga hyung! Tara na baka maiwan tayo yan sa school." sabi Naman ni Lawrence.

Kaya sumakay kami sa kotse at dumiretsyo sa school. May mga bus na naghihintay sa labas ng Academya sigurado ito ang sasakyan namin.

"Manika!! Ang tagal nyo naman kanina pa kami naghihintay sayo eh." paglapit sa akin ni Emily.

Pagdating ko lagi dito sa academy yung boses nya talaga ang una kong naririnig.

"Nakalunok ka ba ng megaphone?" Singit ni Christoph sa amin.

"Gusto mo break tayo." angas na  sabi ni Emily sa kanya. Napakunot naman ako sa sinabi nya.

"Anong break?" Taka kong tanong sa kanya.

"Ha ha ha ano...balian ng bones." sagot ni Emily sa akin at tumatango naman ni Christoph.

Napa "ahh" nalang ako.

"Tara heaven tabi tayo nila Emily huh?" sabi sa akin ni xei at kinaladkad ako pero nabigla ako ng may humawak isa kong braso na kung saan hawak ko si xyxy, napabitaw naman ako kay xei.

Napatingin ako sa isang humawak sa akin at nakita ko na naman ang isang masungit nato.

"Lian?" Patanong kong tawag sa pangalan nya.

"Sumama ka sa akin." sabi nya at hinila ako.

"Hoy! hoy! hoy! Saan mo dadalhin si pula?" Lawrence.

"Ano ang kailangan mo sa kanya?" Mark.

"Bitawan mo nga sya may nalalaman ka pang hawak hawak sa braso nya." Kenneth.

"Oo nga di mo ba alam na may asawa na sya huh?" Christoph.

Grabe naman itong apat masyadong OA.

Nilapit ni lian ang ulo nga sa akin at bumulong.

"Ngayong camping dapat lagi kang nasa tabi ko at ako ang magiging master mo. Kapalit ito sa pagtulong ko sayo last week." bulong nya at lumayo sa akin.

I was Controlled by a Mafia Lord [UNDER REVISING AND EDITING]Where stories live. Discover now