☪Chapter 27☪(Blood)

23.5K 867 27
                                    

Heaven Red Turner POV:

Pagkadating pagkadating namin sa likod ng school  may sumalubong agad sa amin.

Aww!

Pinagbabato kami ni xie ng itlog at kamatis na hindi namin na maiwasan. Humarang ako kay xie para ako matamaan ng mga pinagbabato nila na dapat para sa kanya.

It's my fault kung bakit sya nadamay dito.

"Red ano ba ang ginagawa mo?" Tanong nya pero ngumite lang ako sa kanya nakaharap kasi ako sa kanya.

Bigla akong napayuko ng may matigas na bagay na tumama sa ulo mula sa likod.

"Red." nakahawak ako sa likod ng ulo at ng tiningnan ko ang kamay ko may dugo, napapikit ako ng mariin.

"T*ng *na! sino ang nag bato sa kanya ng bato wala ito sa usapan."

Humarap ako sa kanila nakita kung nakakalat ang gamit ko at si xyxy ay marumi na. Naglakad ako kahit medyo nahihilo ako.

Kinuha ko lahat ng mga gamit ko at pinasok ko sa bag saka kinuha si xyxy. Di ko na kaya subra na sila pati gamit ko sinisira na nila, ang sama ng ugali nilang lahat.

Naramdaman kong nakatingin silang lahat sa akin. Tumayo ako at humarap ako sa kanya.

"Hahaha yan lang ba ang kaya nyo." tawang sabi ko, nakita ko naman silang nagulat tsk.

"Alam nyo kung sino ang talunan sa atin.. KAYO LANG NAMAN!. Alam nyo kung bakit? DAHIL WALA KAYONG KWENTA LAHAT, LAHAT KAYO!! SINASAYANG NYO ANG MAGANDANG BUHAY NYO SA WALANG KWENTANG BAGAY. ANG SASAMA NG UGALI NYO KAYA WALANG MAY GUSTO SA INYO DAHIL SA UGALI NYONG YAN.  Ang pinakaiingatan kong bagay at ang unang bigay sa akin ng daddy ko ay nasira dahil sa inyo." Nakita kong napanganga sila dahil sa sinabi ko.

"Nagulat kayo sa sinabi ko? Totoo naman eh. Wag kayong mag alala dahil simula bukas di na ako papasok dito babalik na ako sa school ko." Nanghihina kong sabi at Tumalikod sa kanila.

"Mukhang nagkakatuwaan tayo dito ah." Napatingin kaming lahat sa bagong dating, Hindi sila nag aaral dito pero sigurado akong naghahanap sila ng away.

"Pano ka makapasok dito Nilo?" Lian.

"Malamang sa pinto." nakangising sabi nya kaya nag sitawanan ang kasamahan nya.

"Red halika na baka masangkot kapa sa gulo." xie at hinihila ako.

"Hep hep saan kayo pupunta?" Tanong nung nilo at tumingin sa akin

"Ow may bago pala kayong kasama." sabi nya at tiningnan ako ulo hanggang paa.

" Nilo! Wag mo syang isama sa gulo natin dahil exchange student lang sya." lian at tumingin ng masama kay Nilo.

Nakita namin na may bumulong sa kanya ang isa nyang kasama at tumingin sa akin ng nakangise.

"Kung sinuswerte ka nga naman oh nandito pala ang reyna ng Mafia Lord." kumunot ako ng tingin sa kanya. Anong mafia? Sino ang tinutukoy nya?.

"Oh di mo alam yun? Wala pa pala syang sinabi sayo hahaha kakaiba syang pumili ng babae." Nilo.

"Anong pinagsasabi mo Nilo?" Lian pero tinawanan lang sya ni Nilo.

Biglang sinablot ni xei ang kamay ko at inusog ang kwelyo ng blazer ko nasa bandang pulsuhan ko at nakita doon ang tattoo ko sa pulsuhan.

"Ngayon alam nyo na. kunin ang queen!" Nilo.

Pero bago sila makalapit sa akin ay sumugod naman sila lian sa kanila kaya nag kagulo na.

Napa upo ako sa damuhan ng bigla akong nahilo, nakita kong tumulo ang dugo mula sa ulo ko sa damuhan. Pumikit ako ng mariin dahil nanlalabo ang mata ko wag muna ngayon.

Boggsh*
Paaaak*
Blaaaag*

Napatingin ako sa kanila na hanggang ngayon nakikipaglaban parin sila.

Nakita ko naman si Nilo na my kinuha sa bulsa nya nasilaw pa ako ng unti ng tingin ko ulit ito nakita ko ang isang maliit na knife at nakatingin sya kay lian.

Dahan dahan ako tumayo at mabagal na tumakbo sa direction ni lian. Kailangan kong pigilan si nilo sa balak nya.

Bago pa masaksak ng patalikod si lian ay humarang ako.

"Ackk." daing ko at hinawakan ang tagiliran ko ng isa kong kamay at isa ko pang kamay ay pinangtulak ko kay nilo kaya napaupo sya.

Nagmamadali syang tumayo.

"Tara na sibat na tayo!" Rinig kong sigaw nya.

Umalis naman ako ng palihim doon at lumabas ng gate saktong dumating naman sila Lawrence dala ang kotse nila.

Bago pa sila lumabas ay pumasok na ako sa loob.

"What the fuck!! Anong nangyari sayo?!" Christoph.

"Ano to bakit may dugo ka?" natatarantang tanong ni Lawrence.

"P*ta lagot tayo nito kay alastair. Bilisan mo mark, dahil natin sya sa hospital" rinig kong sabi ni Kenneth. Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko at nang tagiliran ko.

"Heaven wag ka munang matulog." ang huli kong narinig kay mark. Bago ako lamunin ng dilim.

Lian POV:
"Nasaan na sya?" Tanong ng kasamahan ko ng paglingon namin sa likuran ko. Iniligtas nya ako pero bakit?

"Tama nga siguro ang sinabi ni red na isa kayong talunan kahit may ginawa kayo sa kanya ay nagawa nya pang iligtas kayo." sabi ni xei at tumalikod sa amin at umalis.

"Pano kapag namatay sya?" tanong sa akin ng kaibigan ko.

"Hindi sya mamamatay sasak lang yun." sabi ng isa ko pang kaibigan.

"Baliw ka ba! May nagbato sa kanya ng bato wala sa usapan natin yun at sigurado akong dumugo yun kanina."

"Tama na yan bukas na lang natin hanapin kung sino ang gumawa noon kailangan na nating umuwi." pigil ko sa kanila kaya nagsiuwian kami.

Kanina ko pa iniisip ang lahat ng sinabi at bakit nya pa ako iniligtas kung galit naman sya sa akin/ sa amin.

May kunting guilty akong nararamdaman sa sarili ko. Siguro kailangan na naming magbago.

I was Controlled by a Mafia Lord [UNDER REVISING AND EDITING]Where stories live. Discover now