☪Chapter 69☪ (Acquaintance Ball)

17.8K 631 37
                                    

Emily POV:

Naghahanda na kami para sa party mamaya.

Sa Gabi kasi gaganapin kaya ok lang na maglibang libang muna. Nandito kasi kami sa kwarto namin ni xei dalawa kami dito sa kwarto to dito sa mansion.

Yes. May kwarto kami dito. Halata naman na malaki ang mansion ni alastair pero mas pinili naman ni xei na maghati sa isang kwarto.

Kaming dalawa lang talaga ang babae sa grupo wala ng iba. At kami ang pinadala ni alastair na bantayan si Heaven.

Alam naman ni alastair kung ano ang mangyayari kaya pinauwi nya kami sa aming bahay para akalain ni Heaven na hindi kami kilala nila Christoph at para mabantayan namin si Heaven na parang bodyguard nya.

Ako yung nagsabi kay alastair noong unang pasok palang ni heaven na nandoon sya sa kanyang sariling academy.

Oo nag lihim kami ni xei kay Heaven pero sasabihin naman talaga namin yun sa kanya nagkataon lang na narinig nya noong nag usap kami nila Christoph.

"Darating kaya si Heaven?" tanong ni xei habang nag mamake up na dahil tatlong oras na lang mag uumpisa na yung party.

"Di ko alam, di naman kasi sya pumasok ng halos isang linggo. Magiging masaya ang party kung nandoon sya dahil sigurado akong sya ang Queen of the Night hahaha." sabi ko sa kanya habang sinuksuklayan ang buhok nya, ako kasi yung mag aayos ng buhok nya.

"Tama ka dyan dahil sa gandang nya yun,walang tatalo hahahaha." pagsang ayon naman sa akin ni xei.

"Oh tama na yan ako naman. Aayusan kita." sabi sa akin ni xei at pinaupo ako sa harap ng salamin.

"Alam mo namimiss ko na yung pagka childish ni heaven." sabi ko sa kanya kahit weird sya dahil sa dala nyang laruan.

"Oo nga namiss ko na din yung pagsleep over natin." sabi nya at nilagyan nya ako ng blush on. Light make up lang ang ginawa nya para di mukhang clown.

"Ayan! tapos na, Ok na yung buhok mo curl naman eh." sabi nya sa akin at tumatango naman ako.

Kinuha naman namin yung binili naming gown kulay red. Simple lang sya walang decoration.

Sabay kaming nagbihis ni xei parehas naman kaming babae eh. Pagkatapos namin ay nakatingin kami at natawa.

"Hahaha para tayong kambal." sabi ko.

"Tara baba na tayo." aya sa akin kaya tumango ako at sabay kaming lumabas.

"Kapag nakita ka ni Christoph mapapatulala yun sayo." sabi sa akin ni xei kaya namula ako.

"Kung di ka lang nakablush on aakalain kong namumula ka." sabi nya habang nakatingin sa mukha ko.

Bumaba kami ng hagdan at nakita naming naghihintay sila. Kung naghihintay nga sila sa amin kasi di naman gentleman ang mga yan eh.

"Oh, ayan na pala sila." sabi ni Lawrence kaya napalingon sa amin sila Kenneth at Christopher

Nakatingin sila sa amin at nag mukhang tao sila hahaha ngayon nakatitig sila amin.

"Hahaha yung bibig mo Christoph baka mapasukan ng langaw." sabi ko at inangat ang baba nya.

Napaiwas naman sya sa akin ng tingin at nag pekeng ubo.

"Ahem! Ahem! Nag mukha kang tao di tulad ng kaninang umaga mukha kang sabog na unggoy hahaha." pang aasar nya naman sa akin.

Sinuntok ko naman sa kanyang balikad kaya napadaing sya. Ang sama talaga ng ugali nito.

"G*go!" Mura ko sa kanya.

"Let's go we don't have a time for your childishness" Napalingon kami kay alastair.

I was Controlled by a Mafia Lord [UNDER REVISING AND EDITING]Where stories live. Discover now