Chapter 28: Inside the Haunted House

2.3K 57 24
                                    

Chapter 28: Inside the Haunted House

Scarlett's POV

Kami ni Race magkasama, ngayon.

Kaming dalawa lang.

Magkadikit kami habang naglalakad.

Ang lapit ko sa kanya.

Waaaaaahhh!~ Kanina pa ako ganito. Ano bang nangyayari sakin? Act normal, Scarlett. Wag kang papahalatang crush mo siya. Waaaaahhh~ Pero kasi naman, Race and I are alone here inside the haunted house. Andito nga ung iba pero sang part ng HH na'to? Maloloka na ko.

"Ayos ka lang ba?" Nagulat naman ako. Bigla bigla nagsasalita. Napansin siguro niyang di ako mapakali. Kung ikaw ba naman kasi kasama mo ung crush mo sa loob ng HH tas kayong dalawa lang? Madilim pa tas umuulan. Tinignan ko lang siya. "Don't worry, makikita din natin sila. Makakaalis din tayo dito." *sniff* I trust you Race!! "Anong part na ba ng bahay to?" Tanong niya sa sarili niya. Natotouch naman ako masyado sa kanya. Hinahanap niya talaga ung pinto para makalabas kame! Haha.

Syempre gusto niya din lumabas. Ayan niyang makasama ka.

Nakakainis naman si konsensiya! Pero tama siya, siguro ganun nga. Assuming kasi ako kahet kelan eh.

"Dala mo ba ung phone mo?" Kanina pa niya ko kinakausap. Hihi.

"Oo, kaya lang walang signal kaya wala ding kwenta.."

"Mag-ikot ikot na lang, baka sakaling makita natin sila. Tara!" Hinatak niya ko tas tumakbo kami. Nakatingin lang ako sa kamay namin. Magkahawak. Ehhhhh~! Kinikilig ako. Buti na lang madilim, di niya nakikitang namumula ko.

Nakarating kami sa kusina, ata. May lamesa kasi tas may ref pa. May pagkain kaya dito?

"Race, baka may pagkain dito. Kain tayo. Medyo gutom ako eh."

"Sige, tignan mo kung meron." Yey! Sana meron. *crossed fingers* Open sesame. Tada!! Meron nga. Puro prutas. May mangga! Waaaahhh~ May sawsawan kaya dito? Kaya lang parang ayoko ng mangga ngayon. Kailangan pang balatan eh. Apple na lang.

"Meron apple, orange, grapes, mango dito. Anong gusto mo?"

"Penge na lang akong apple." Apple? Pareho pa kaming choice! Wahaha. "Tara na." Sumunod na ako sa kanya. Ang lakas ng ulan. *brrrrr* (sound of thunder)

"Waaaaaaaahhhhhh!"

"Scarlett! Scarlett! Kulog lang yon." Nagulat ako. Muntik na tuloy akong magwala. Wa poise kay Race.

"Sorry, n-natatakot na kasi ako eh." Hindi naman kasi ako sanay mag-isa lalo na kung ganito kadilim. Nasanay na akong lagi kong kasama si Tam kahit saan eh. Pinat niya ko. Malapit na akong maluha. "Hanapin na natin sila. Okay lang ako."

"Basta, I'm always here. Wag ka ng matakot." Pinapa-fall mo ba ko Race? Assuming na naman ang peg ko.

Naglakad lakad kami. Sana makasalubong namin sila. Sana. Pero napapagod na ko wala pa din sila. Ano bang meron sa bahay nato? Parang nililigaw kami eh.

*meow* "Waaaaahhh!"

"Pusa lang yan." Lang?! Eh nanggugulat ung pusa eh!! Aist.

Pag nagtagal kami dito, matagal ko pa siyang makakasama.

Pero pag nagtagal pa kami dito, baka wala na kong buhay mamaya. Sa gulat.

My Prince of TennisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon