Chapter 8: True Color

4K 118 34
                                    

Chapter 8: True Color

Race's POV

Yana was my first love. Bata pa lang kami gusto ko na siya. Magbebest friend kami. Lagi kaming magkakasama. Close kami. Kaming tatlo. Pero nawala yung closeness namin ng malaman kong may gusto rin si Kuya Senpai Migs sa kanya. Kaya inamin ko na din yung nararamdaman ko. Hindi niya alam ang gagawin nun. Gulat na gulat siya. Pero tinapat niya kami.

"Migs, Race. Ang totoo niyan pareho ko kayong gusto. Mas close ako sayo, Migs. Kasi super kwela mo. Lagi mo akong napapangiti. Pero si Race. Kahit snob siya. Kahit wala siyang ginagawa para sakin basta nandiyan siya masaya na ko. Sorry Migs, pero si Race ang gusto ko." Yan ang sinabi niya. Tandang-tanda ko pa yun.

Nasaktan ng sobra si Migs. Pero hindi siya nagalit sakin. Nung una syempre nagpapanggap lang siyang masaya pero simula nung araw na umalis si Yana nakita ko sa kanya na nakamove-on na siya. Nagkausap na kami tungkol dun. Ibinibigay na daw niya sakin si Yana basta wag na wag ko lang daw sasaktan. Syempre, hinding-hindi. Pero ewan ko lang ngayon.

Nung saturday kasi kumain kami sa labas na tatlo. Get together namin. Hindi ko alam kung bakit pero wala na yung spark na nararamdaman ko sa kanya dati. Nagbago rin siya. Ganun pa din yung ugali niya pero parang may mali sa kanya eh. Kaya parang nawawala na yung nararamdaman ko sa kanya.

Scarlett's POV

Monday na naman ngayon. Nandito na naman ako sa boring kong klase. Dakdak ng dakdak yung teacher namin. Parang wala ngang nakikinig eh. Pano naman kase Filipino. Ang lalalim ng mga words. Kaya ang hirap intindihin. Saka last subject namin bago maglunch time.

"That's all for today class. Goodbye." Mabuti naman.

"Goodbye, Teacher Allen. Thank you for teaching us." Sabi namin pero mukhang yung iba di na nag-abalang magpaalam. Baba na agad sa canteen para kumain. Over time rin kasi si Sir eh.

"Hay, sa wakas."

"Oo nga eh. Kaboring kaya."

"Ui, penge ngang polbo."

"Maglulunch ba tayo?"

"Diet ako eh."

"Sandwich na lang bilin natin."

Kanyang kanyang dakdak ng mga kaklase ko. Puro ganyan lang maririnig mo. Ano kaya nangyari sa date nila kahapon? Haaay. Yaan na nga yon. Kailangan ko ng magmove-on. Half day nga lang pala kami ngayon. May meeting daw mga teachers eh. 1 o'clock kami papalabasin.

Andito na kami sa canteen at kumakain. Naikwento ko na kay Tam yung tungkol kay Tyler. Dapat updated best friend ko ah.

"Weh? Pogi? Ba't di mo kinuha yung keychain? Sayang din yun ah." Sinamaan ko siya ng tingin. Kapapaliwanag ko lang na para sa kapatid niya yun eh.

"Gusto ko nga sana kaya lang para daw sa kapatid niya yun eh. Ayoko namang agawin yun."

"Nakoo, Scarlett. Teka, pogi ba?" Paulit ulit naman to sa pogi. Di ko naman type eh.

My Prince of TennisWhere stories live. Discover now