Chapter 3: The Freshman Three

5.2K 144 42
                                    

Chapter 3: The Freshman Three

Scarlett's POV

Nandito kami ngaun sa tennis court ng Seigaku. Seigaku stands for Seishun Gakuen. Second week na namin dito sa school. Sila Kenn, Kelly at Sean ay dito din pala nag-aral ng elementary kaya kilala na nila ang mga regulars dito. Hindi ko kabisado ung mga pangalan nila eh. Pero ang nag-assist sa amin kanina tungkol sa mga kailangan naming gawin ay si Senpai Sander. Siya ang vice captain ng Seigaku Tennis Club.

Naikwento din sa'min ni Sean at Kelly na sobra daw ung paghanga ni Kenn kay Senpai Sander. Sa lahat daw ng mga regulars eh si Senpai Sander talaga ang pinakagusto niya at hinahangaan. Gusto daw ni Kenn na maging katulad ni Senpai Sander pag naging regular siya balang araw.

Ang mga gagawin daw eh katulad ng ginagawa namin ngaun. Nagpupulot ng mga bola na nakakalat. Yun kasi ang trabaho namin dito kung gusto naming maging regular. Ganun ang mga gawain ng first years. May kanya kanya ding jackets ang mga regular para maipahayag na regular sila at taga-Seigaku. Di kalayuan dito ay makikita namin ang mga regulars na nagpapractice at.....si Race. Nagpapractice siya kasama ng mga Senpai namin at may suot siyang Seigaku Tennis Club jacket. Ibig bang sabihin nito? Isa siya sa mga regulars? Nakakapagtaka naman ata yun. Paano mangyayari yun eh hindi naman pwedeng maging regular ang first year? O hiram lang niya? Eh?

"Scarlett? Okay ka lang ba? Sino ba tinitignan mo?" Napansin pala ako ni Tam.

"Ah, Tam? Si Race ba yun?" Sabay turo ko kay Race. Tumingin naman siya sa tinuro ko.

"Oo, bakit?"

"Diba hindi naman pwedeng maging regular yung first year pa lang? Eh bakit nakajacket siya ng pangregular?"

"Hmm. Oo nga noh? Baka hiniram lang niya~!" Pareho talaga kaming mag-isip ng best friend ko!

"Pwede ba yon?"

"Siguro? Hehe. Hindi ko alam eh. Baka nga regular talaga siya?" Ang galing naman niya kung ganun nga.

"Eh, hindi pwede yun diba?" Sige, Scarlett. Ipagpilitan mo pa.

"Ano bang pinagtatalunan niyo? Tumulong kaya kayo sa pagpupulot ng mga bola." Ayan, napansin na pala kami nila Sean.

"Ahm. Sean pwede bang maging regular ang isang first year student?" Naunahan ako ni Tam na magtanong.

"Hindi. Pero pwede din kung matatalo mo yung isang regular."

"Ibig sabihin regular talaga si Race at nakatalo siya ng regular?" Hindi ko makapaniwalang tanong sabay sulyap kay Race. Ang galing naman niya!

"Oo." Sabay lapit samin ni Kelly.

"Sinong natalo niya? Ang galing pala niya." Okay. Masyado ko siyang pinupuri.

"Si Senpai Migs saka si Senpai Ian pero nung naglaro sila may pilay si Kuya Senpai Migs."

"Wow! Ang galing niya!" Pang-ilan sabi ko na ba na ang galing niya? Hayst.

Para talaga siyang si Ryoma. Ang galing pagdating sa tennis. Feeling ko crush ko na siya! Feeling ko lang ah! Di pa ko sure! Nakikita ko lang sa kanya si Ryoma kaya parang nagiging crush ko siya. First year pa lang si Race pero regular na siya. Ang cool niya~. Pero masama pa din ang ugali niya. Di siya gentleman. Parang si Ryoma lang. Pero hinde! Kahit na noh! Wala pa rin siyang panama kay Ryoma.

My Prince of TennisWhere stories live. Discover now