Chapter 19: Seigaku Band and The Girl in Bed

3.4K 89 36
                                    

Chapter 19: Seigaku Band and The Girl in Bed

Migs' POV

Napakatorpe naman kasi ni Race. Manu kasing magtapat na. Mamaya maunahan pa siya ng iba jan eh. Tss. Kung ayaw niya ako na lang gagawa ng paraan. *evil smirk* May Band ang Seigaku at kasali siya dun. Buti na nga lang napilit ko si Kale eh. Kung ayaw niyang sabihin eh di daanin na lang sa kanta. Haha. Ang galing ko talaga. Kailan kaya ako magugustuhan ni Yana? *sigh* Si Race muna dapat.

Okay na ang pianist. Si Senpai Sander. Drummer si Kale. Guitarist si Senpai Ian at Senpai Erick. At si Race ang vocalist. Sana naman makaamin na si Race pagkatapos ng kakantahin nila. Hindi ako kasali kasi ako ang manager. Haha. Hindi pa nga pala alam ni Race na ngayon na yon. Papayag naman siguro yun kasi para sa kanya naman 'to eh.

Asan ba si Race? *lingon lingon* Ayun! Nandun na naman yun sa may ilalim ng puno. Haay. Gustong gusto niya ung tambayan.

"Race!" Tawag ko.

"Hmm?" Tsk. Natutulog na naman 'to.

"Oi gising. May sasabihin ako sayo." Inalis niya ung cap niya sa mukha niya at naghikab sa harap ko.

"*yawn* Ano ba yon?"

"Ung about sa banda. Ano plano mo?"

"Banda? Anong banda?" Bilis makalimot.

"Ung banda. Ano kakantahin niyo? Saka ung about sayo."

"Tsk. Oo na. Sige. Bahala na."

"Hindi pwedeng bahala na. Ako manager niyo eh. Dapat maganda ah? Haha."

"Oo na. Sige na." Kahit kailan talaga napakawalang kwentang kausap nito. Pero ano kaya kakantahin nun? Malapit na din pala birthday ko. July 23. Maalala kaya nila? Haha.

Sander's POV

Ano kaya magandang kantahin? Ba't kasi torpe si Race? Bata pa kasi eh. Pero okay lang yan. Atleast saksi kami. Best couple of the year.

"Kale! Ian! Erick! Tawagin niyo na si Race para makapagpractice na!"

"Ako na lang tatawag!" Prisinta ni Erick.

"Sige. Bilisan mo ah?"

"Sure ball!" Napakahyper talaga ni Erick. Ba't kaya ng hina ng stamina niya?

*5 minutes later*

"Eto na!"

"Oh go na! Race ano ba kakantahin natin?" Tanong ko kay Race.

"Basta."

"Hindi pwedeng basta. Haha. Pano nug chords baka hindi namin alam."

"Sige. Ako ng bahala." Tss. May iba sa ngiti nito ah. Ngiting kinakabahan. Kinakabahan din pala 'to.

"Okay! Rehearse na tayo!" Parang sasali lang kaming contest eh. Haha. Sana maganda kalabasan nito. Sana lang.

Scarlett's POV

Gusto kong matutong maggitara! Ewan ko ba. May nakita kasi ako kaninag gitarang pink eh! Gusto ko ngang bilin eh kaya lang di naman ako marunong! Mag-aral daw muna ako para kapag marunong na ako saka na lang ako bibilan! Hayst. Para akong ewan. Nakita ko lang na pink eh gusto ko na. Gusto ko din sa lalaki ung marunong maggitara! Ba't napunta dun? Kanino kaya ako magpapaturo? Di din naman marunong si Bestfriend. Wala din namang gitara yun.

My Prince of TennisKde žijí příběhy. Začni objevovat