Chapter 18: Are you a rival or not?

3.2K 89 24
                                    

Chapter 18: Are you a rival or not?

 

Scarlett's POV

*sigh* Nakakapagod ang araw na ito. Yupert. So senpai ko siya.

"Tadaima!" Nakauwi na kaya silang lahat? Asan kaya sila? Wala namang tao sa kwarto? Asan ung mga yun?

"Hahahahahahaha!" May mga nagtatawanan. Asan ba yun? Sa kusina? Pumunta ako sa kusina at nakita ko sila Mama,Papa at Ate. Masayang nagtatawanan. Nalulungkot ako hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa napansin ako ni Mama.

"Anak anjan ka na pala. Halika dito. May good news kami sayo." Lumapit ako sa kanila.

"Ano yon Ma?"

"Diba malapit na ung Election sa school niyo? May kumukuha kasi sa Ate mo para maging Sweetheart nila. Kaya ayun tinatanong kami ng Ate mo kung payag kami.---"

"Eh di syempre naman diba? Susuportahan natin siya." Singit ni Papa. "Pero sa tingin mo ba mananalo Ate mo?"

"Ha? Ah. Depende yon Pa. Kung malakas ung kalaban baka hindi pero pwede din syempre. Maganda naman si Ate eh."

"Oo nga. Tama ka jan Scarlett! Tiyak na mananalo si Midori dahil nagmana sakin yan eh. Hahaha."-Mama

"Eh hindi naman kayo ung tunay niyang nanay eh." Nawala ung ngiti sa mukha nila nung sinabi ko yun. Aish. Bakit ko ba kasi sinabi yun? Nakakainis naman. Yun naman kasi ung totoo eh. "Pero dati yon. Ngayon ikaw na! Hahaha." Dugtong ko. Ang awkward lang eh.

"Oo nga Ma. Ikaw na tinuturing kong Mama ngayon!" Sabi ni Ate Midori.

"Tama tama. Isa tayong buong pamilya ngayon! Group huuuuuuuuug!" Si Papa talaga. Then nag-group hug kami pero andun pa din ung konting awkward moment. Hayaan na nga. Nangyari na eh. Hayst. Ano bang nangyayari sakin?

"Bakit nga pala kayo nagtatawanan kanina Papa?" Tanong ko.

"Yang kasing Papa mo nagpapatawa. Hahaha. Corny naman."-Mama

"Ah. Hahahaha."

Ate Midori. Are you a rival or not?

Pinaakyat na ako ni Mama para magbihis.

Wait. Hindi ko pala natanong kung sino ung consort niya.

"Ate!"

"Oh?" Papasok na siya nun sa kwarto niya.

"Sino pala ung consort mo? Saka anong party ka? Ano ano mga names ng party?" Andami ko atang tanong?

"Sa Blue Bunny Party ako. Ung name ng dalawa pang party eh Cream Bell Party at Double Rainbow Party."

"Anong color ng shirt niyo? Blue?" Scarlett obvious naman eh. Tsk.

"Oo. Sayang nga hindi ako sa green eh. Hahaha."

"Eh saan ba ung green?"

"Sa Cream Bell. Pink naman sa Double Rainbow."

"Ahh." Teka. Hindi niya sinagot ung tanong ko kanina. "Sino nga pala consort mo?"

My Prince of TennisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon