Chapter 10: Jealousy Kills: The Jealous Race

4.1K 103 29
                                    

 Chapter 10: Jealousy Kills: The Jealous Race

Scarlett's POV

2nd day ngayon at last night na din kasi di na kami matutulog dito. Uuwi na kami bukas ng hapon. Todo practice yung mga senpai ngayon kasi malapit na. Nakita daw kasi nila Senpai Erick yung mga Hyotei kahapon. And ayun, nilait lang sila kaya desperado silang manalo.

Yun nga palang bakante sa room namin ay kay Yana. Oo. Si Yana. Ang bestfriend ni Race. Ngayon lang kasi pinayagan kaya ngayon lang nakarating. Kung mamalasin ka nga naman diba? Bakit kailangang magkaroom pa kami?

Ayun siya ngayon malapit kay Race. Inaasikaso. Pinupunasan ng pawis. Para namang girlfriend siya. Bestfriend lang naman. Kainis lang. Kung umasta eh. Nakakapagselos kahit papaano.

"Oi oi! Tama na yan baka matunaw!" Panira talaga 'tong best friend ko.

"Eh paano naman kasi kung umasta kala mo kung sino."

"Hahaha. Pabayaan mo na. Best friend eh." Oo na. Best friend eh.

"Yun na nga eh. Bestfriend lang siya. Eh bakit si Kuya Senpai Migs di niya ginaganon?" Halatang-halatang ang unfair niya.

"Gumaganyan ka na ah! Hahaha. Wag mo na lang tignan. Sasabog ka na mamaya sa selos eh. Maganda naman yung nangyari kagabi ah. Ayiiee!!" Pinaalala na naman niya. Kinikilig tuloy ako! Ang lapit sakin ni Race. Ano ba yan, masyado akong nangingiti.

"Sige na nga." Na may kasamang ngiti sa labi ko.

"Asus."

Bumalik na kami sa room namin tutal wala naman kaming ginagawa eh. Pagdating namin sa room walang tao. Siguro yung mga ka-roommates namin nanunuod ng practice. Yung isa naman nagfefeeling na girlfriend eh bestfriend lang naman siya. *sigh* Masyado akong effected. Di naman ako gaganito kung maganda ugali niya eh. Wag ko na ngang isipin yun.

"Boo!" ASDFGHJKL! Naman! Ano ba yon?

"Wag ka ngang nanggugulat Tyler!" Naunahan pa akong magreact ni Tam.

"Oo nga! Saka, ano bang ginagawa mo dito sa room namin?" Nagulat ako ah.

"Hahaha." Tuwa pa siya. "Wala lang. Gusto ko lang sana kayong ayain mamasyal. Aalis na tayo bukas diba?" I nod. "Eh di bonding tayo ngayon kasi bukas puro practice na lang eh. Ano sama kayo?"

"Scarlett, kayo na lang ni Tyler. Pagod ako eh. Di ko nga pala nakikita sila Sean ah."

"Ayiiee! Namimiss mo siya noh?" Boto ako sa kanila! Sila ang magpapatunay na, the more you hate, the more you love.

"Hindi ah."

"Denial ka pa best friend ah!" Ayaw pa kasing umamin sakin, best friend naman kami!

"Hindi kaya!" Pero hindi siya makatingin ng diretso sakin ah. Lumalablayp ang bestpren ko.

"Ang alam ko, sila nagtetrain sa mga senpai niyo kaya busy din sila eh. Nasa court ata sila ngayon."

"Ah." Pa-'ah'-'ah' pa!

"Puntahan mo na!" Sabay tulak ko ng mahina sa kanya.

"Ha? B-bakit ko naman yun pupuntahan?" Alam ko namang miss na niya pang-aasar ni Sean eh!

"Bahala ka. Sige aalis na kami." Ayaw niyang magpapilit eh.

My Prince of TennisWhere stories live. Discover now