Chapter 33: Her Birthday

2.2K 46 15
                                    

Chapter 33: Her Birthday

Scarlett's POV

May galit ba sakin si Ate? Oo, alam ko birthday niya ngayon pero tama bang ako ung pabilin niya?! Huhuhu. O oa lang talaga ako? Nakalimutan kasi ni Mama na bumili ng cheese kaya ako na lang pinabili ni Ate. Pero okay na din pala kasi di naman mabigat ung cheese!

"Paabot po ng bayad." Nasa jeep na kasi ako ngayon. Pagod na ako kaya hindi ako naglakad.

"Sukli daw po." Syempre kasama sila Race dun sa celebration ni Ate. Invited sila. Hihi. Kinikilig pa din ako pag naaalala ko ung date namin. Waaaaaahhhhh~ Sabi niya date daw yun eh. Hoho!

"Para po." Buti may bumaba na. Medyo masikip kasi eh.

"Ingat ka po ah?" Kanina pa yang mga lalaki na yan eh. Tatlo sila. Pero ung isa tahimik lang. Nakikiride lang. Mga walang magawa sa buhay kaya lahat ng bumababa eh kinakausap nila. Hindi naman sila pinapansin. Hahaha! Malapit na pala ako.

"Tabi na lang po." Alam niyo na kung anong mangyayari pagbaba ko noh?

"Ingat ka Miss. Bye." Hindi naman siya creepy. Weird lang? Ewan. Makangiti kasi wagas eh. Nginitian ko na lang din siya. Napansin kong parang napatingin pa ung tahimik na lalaki. Oh well.

Hayst. Nakakapagod naman.

"Ma! Eto na po ung cheese~!"

"Ilagay mo na lang jan sa lamesa!" Nasa likod pala si Mama. Napapagod ako. Mamaya na lang ako tutulong sa paghahanda. Pupunta muna akong kwarto.

Lagi akong nangingiti pag nakikita ko tong kwarto ko. Nakikita ko kasi ung bigay ni Race eh. Si Ran.

Kinwento ko na kay Ate saka kay Tam yun. Syempre kilig na kilig. Ako din naman eh. Nagngingitian lang kami ni Race pero ang awkward talaga!

"Ran." Lagi kong kinakausap to eh. "Minsan ang sungit talaga ng nagbigay sayo sakin noh?" Mukha na naman akong tanga dito! Makababa na nga para tumulong magluto.

"Ma, ano po bang maitutulong ko? Si Ate po?" Napansin ko kasing wala siya eh.

"Hiwain mo to." Tas binigyan niyan ako ng carrots. "Tinawagan ng Ate mo ung mga kaklase niya para sabihan kung anong oras pupunta dito." Ohh.

"Eh ung mga kaibigan ko po anong oras ko papapuntahin?"

"Mamayang hapon na sila para ung tayo tayo na lang." Ache~

"Ma, sa birthday ko po gusto ko din pong maghanda ah?"

"Syempre naman!" Lakas ko talaga kay Mama. Pinagpatuloy ko na lang ung paghihiwa ng carrots. Ang cute ng kulay ng carrots. Orange. "Oh, kamusta?"

"Maaga po silang pupunta tas maaga din pong uuwi. Mga 5:30 mo papuntahin ung classmates mo, Scarlett."

"Sige Ate!" Hininto ko muna ung paghihiwa ko saka tinawagan sila Tammy. Pati ung Seigaku Regulars. Kaya lang ung iba di makakapunta. After ko silang tawagan eh bumalik na ako ulit sa kusina. Hindi naghihiwa si Ate. Nagbebake kasi siya. Nagpapaturo nga ako sa kanya eh. "Ouch!"

"Ayos ka lang ba?" Nahiwa ko kasi ung daliri ko. Dumugo tuloy. "Dumudugo! Teka lang ha?" Tinitignan ko lang ung daliri ko habang nagdudugo. Hindi naman masakit pero kumikirot.

My Prince of TennisWhere stories live. Discover now