Chapter 9: Race's Feelings

4K 119 66
                                    

Chapter 9: Race's Feelings

Migs' POV

Nandito kami ngayon sa court at nagpapractice para sa susunod naming laban. Kalaban namin ang St. Rudolph. Isa sa mga ace nila dun ay kapatid ni Sonny. Si Yves Frank. Signature move niya ang rising shot at tinitira niya ang mga left handed kaya mukhang si Race ang tatargetin niya samin. Hindi ko alam kung bakit lumipat ng school yun eh dito naman daw yun nag-aaral yun dati. Pero sigurado namang kayang-kaya ni Race yun. Si Race pa.

Kaya lang mukhang may problema siya ngayon. Kinausap kasi siya ni Yana kahapon. Tumawag sa kanya at umiiyak. Ang sabi ni Yana si Scarlett daw may gawa nun pero hindi naman ako makapaniwala na magagawa yun ni Scarlett. Kilala ko siya at alam kong mabait yun. Kung sakali mang nasampal nga ni Scarlett si Yana eh panigurado namang may dahilan diba?

Kitang-kita ko sa mukha ni Race habang nagpapractice siya ngayon na naguguluhan siya. Hindi rin siguro siya makapaniwala.

"Oh." Inabutan ko siya ng maiinom dahil pagod na pagod na siya. Best friend pa rin naman niya ako.

"Salamat." Inabot niya at ininom ito.

"Anong gagawin mo ngayon?"

"Anong gagawin?"

"Yung tungkol kay Yana at Scarlett. Tss." Ang complicated ng mga babae.

"Ewan."

"Sino ba pinaniniwalaan mo?"

"Hindi ko alam."

"Grabe ka naman. Ang tipid tipid mong magsalita. Pero sino nga? Yung totoo?" Nauubos na naman laway ko sa kanya.

"Wala. Ge. Salamat sa inumin. Alis na ako." Ha? Ganun na lang yon?

Umalis na nga siya. Iniwan ako.

Race's POV

Sino nga bang papaniwalaan ko? Ang hirap naman neto oh. Marami pa silang dapat na matutunan. (Mada mada dane)

Scarlett's POV

Wala kaming klase ngayon kase namumulot kami ng bolang ginagamit ng mga regulars. May laban kasi sila. Pero ok na din na namumulot lang kami atleast walang klase. Pinagpahinga na kami. Break na.

"Tam, bili na tayo."

"Sige."

Pumunta kami sa canteen at bumili ng pagkain. Nagsandwich lang kaming dalawa at juice saka chichiria.

Teka? May nagcucutting? Meron kasing girl na umaakyat papasok dito sa loob eh. Pero hindi siya nakauniform.

"Tam, tignan mo yun oh. Cutting?" Tumingin naman siya sa tinuro.

"Cutting? Eh hindi naman ata natin yan schoolmate di nakauniform oh."

"Eh sino yun? Magnanakaw?" Magnanakaw na girl? Pwede rin naman.

"Ewan. Tara tignan natin." Lumapit kami dun sa girl.

My Prince of TennisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon