I didn't heard her respond. Kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain na mukhang hindi ko na kayang ubusin. I lost my appetite. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Natapos nalang kaming kumain pero wala paring umimik sa aming dalawa. I thought mom was mad or something but I'm wrong when she speak.

"You like him."

Gulat ang bakas ng mukhang napatingin ako sa kanya. The words she said was not a question. It was a statement.

"Mom.."

"Anak kita. I'm a woman too. Hindi mahirap sa akin na basahin ang emosyon mo. The first time you saw him, it was different. Kaya I assume na magkasintahan kayo or what."

Napaiwas ako ng tingin at mapait na ngumiti. Siguro oo? Siguro hindi? Hindi ko alam. Sabi ko nga, something changed. Alam ko kung ano yun pero dinedeny ko lang.

"But he have a girlfriend mom." Was all I said.

"The last time I know, hindi ka nagpapatalo. The last time I remember, wala kang inaatrasan. Why now my daughter?"

"Because something have changed. Siguro nuong umalis ako papuntang amerika, maraming nagbago. Hindi ko lang alam kung ano. Basta marami." Mahina akong natawa sa sinabi ko.

Kahit nga ako mismo, hindi alam kung anong nagbago. Maybe because hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang paligid ko.

Fucos lang ako noon sa trabaho ko at walang ibang iniisip.

"Hindi ko man alam kung ano ang nasa isip mo anak, pero alam kung alam mo kung ano ang nagbago sayo. Hindi mo lang kayang aminin dahil takot kang masaktan. Takot kang sumugal."

Napaatras ang dila ko sa huling sinabi ni mom. Nanatiling nakatatak sa utak ko ang sinabi niya habang papauwi kami ng bahay.

My birthday party will be held at exactly 6:30 pm. Kaya alas tres palang ay nakauwi na kami ni mom sa bahay galing sa mall.

Busy ang lahat ng tao sa bahay. Maraming mga waiters at kasambahay na busy sa pag me-maintain ng hall.

Malaki ang space ng living room ng bahay. Kailangan lang kunin ang mga sofa duon para ma organize ang paligid.

Dahil sa sobrang pagod ko sa mall ay humilata ako deretso sa aking kama nang makaakyat ako sa kwarto. I just want to take a nap but it came out as a sleep.

Nagising nalang ako sa lakas ng boses ng aking kaibigan.

"Jusko Cristel! Gumising kanang bruhilda ka! Wala ka bang planong magpakita sa kanila?! Kanina ka pa hinihintay ni Austin sa ibaba!"

Awtomatikong napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang kanyang pangalan.

Naningkit ang mata ng maganda kong kaibigan at pabiro akong sinabunutan.

"Masyadong kang halata aking mahal na kaibigan. Pangalan lang naman pala niya ang makapagpagising sayo. Gawin mo nalang kayang alarm clock ang boses niya?"

Binato ko siya ng unan na nakuha ko bago tumayo. "Gaga. Nagising ako sa ingay mo."

Narinig ko pa siyang nagreklamo bago ako dumeretso sa banyo. Nag half bath lang ako bago lumabas ng banyo.

May nakalatag ng maraming damit sa kama. Mukhang si Analyn ang may gawa nito dahil wala na din siya sa kwarto.

Nakapameywang na hinarap ko ang mga damit na nakalatag sa kama. Simpleng dress lang ito lahat. Pero ileganteng tingnan.

Napatingin ako sa relo sa bedside table ko at mahinang napamura. May thirty minutes nalang ako para mag-ayos.

Pinili ko nalang ang spaghetti red dress ko na hapit na hapit sa aking katawan. Mababa ang neck line nito cause me to reveal my clevage.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now