"Kasa—"

"Austin? Dude? Anong ginagawa mo dito?"

My words came out mid way when someone interrupt me. A handsome man habang naka akbay sa kaibigan ko.

I bet this is his husband. In fairness. Ang gwapo.

"Unexpectedly, but yes. Hinatid ko lang si Cristel."

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Louise. Analyn's husband. Nang sumagi muli sa utak ko ang tanong kanina ni Analyn ay sumagot ako. Pero sa kasamaang palad, sumingit na naman si Louise.

"Wait, wait. Is she your girlfriend? Akala ko ba yung sikat na model ang kasintahan mo? Tsk. Tsk. Ikaw talaga. Babaero ka parin—"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Louise at nagsalita na ako. For unknown reason, I feel like I want to beat someone. Or maybe drink until I can't no more.

"Correction, I'm not his girlfriend. At wala akong pakealam sa sinasabi mo kaya wag mo akong ipahiya sa kaibigan ko."

Matapos kong magsalita ay hinila ko na si Analyn na nagtataka. Hindi ko naman kabisado ang kanilang bahay pero nakarating kami sa kanilang kusina.

Binitawan ko na siya saka ako lumapit sa kanilang ref at kumuha ng malamig na tubig.

Pagharap ko ay napataas ako ng kilay nang makitang may sinusupil na ngiti sa labi ni Analyn.

Pabiro ko siyang inirapan. "Wag mo akong tingnan ng ganyan. Alam ko yan." Saad ko bago lumagok ng tubig.

Napahagikhik siya sa aking sinabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi man lang natinag at umupo sa stool. Sa harapan ko.

"Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko? Parang alam na alam mo ah?"

Naumida ng dila ko sa kanyang tanong. Napa-tsk lang ako na kanyang ikinatawa.

Ilang segundo ang lumilipas at bumuka ang ibig ko upang magtanong sa kanya nang may sumagi sa isip ko.

Kanina ko pa sana ito itatanong pero dahil sa inis na naramdaman ko kanina sa hindi malamang dahilan ay hindi ko nalang itinuloy.

"Bakit magkakilala si Austin at yung asawa mo?"

Napaangat siya ng tingin sa akin bago ibalik ang tingin sa ginagawa niya. Nag-aayos kasi siya ng plato sa lamesa.

Mukhang plano niyang kainin na ang pasalubong ko para sa kanila.

"Ah, yun ba? Matagal ng magkaibigan ang dalawang yun. Magka business partner din sila kay malamang, magkakilala sila."

Tanging 'ah' nalang ang nasagot ko sa kanya sa kawalan ng salita. Tsk. Tsk. Kahit liit talaga ng mundo.

Akalain mo nga naman. Sa hindi inaasahang sitwasyon, nagkita ulit kami at kilala niya ang asawa ng kaibigan ko.

"Matanong ko nga. Bakit pala magkasama kayo?" Tanong niya nang lumipas ang mahabang katahimikan.

Isang masamang tingin ang iginawad ko sa kanya na ikinatawa lang niya. I scoffed and rolled my eyes when I remembered the scene a while ago.

"He offer me a free ride. Na flat kasi ang gulong ng sasakyan ko kaya tinanggap ko nalang ang offer niya." Kibit balikat kong tanong para maliwanagan siya na hindi kami magkasintahan.

And of course I'll never be his girlfriend. Ang babaerong katulad niya ay hindi ako deserve.

Yes he's the one who took my virginity but that doesn't mean that he's the one whom I settle with.

At bakit mo naman naisip yun aber?

I silently curse my mind. Walang namang masama na maisip ko yun. Isa pa, he has a girlfriend. A model. And I bet hindi na niya iyon pakakawalan.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now