"Stop it ate! Ang mahalaga nandito kana." Lukot ang mukhang sabi niya sa akin bago ulit isaksak ang earphone sa kanyang tainga.

Laglag ang pangang bumaling ako kay mom na nagkibit balikat. Napailing nalang ako bago sumandal sa upuan.

"Gising mo nalang ako mom kapag nakarating na tayo."

Hindi ko na narinig ang tugon ni mom pero alam ko namang narinig niya ako.

I have a jet lag. Plus mayroon pang welcome party kaya kailangan kong dumalo. But I'm really tired.

Ang planong pag-idlip ko ay naging tulog. When I woke up, I already in my room. Kinusot ko ang aking mata bago umupo sa kama.

Hindi parin nagbabago ang damit ko. Ang mga bagahe ko naman ay nandito na. Tumingin ako sa orasan nasa bed side table. It's already 7:30. Dumating ako dito mga 3 pm.

Gosh!

Pinaghintay ko ba sila?

Malamang kanina pa sila nakauwi.

Mabilis akong tumayo at pumuntang banyo para mag half bath. Nang matapos akong maligo ay simpleng red off shoulder at red skirt ang sinuot ko na pinaresan ko ng sandals.

Hinayaan ko nalang na ilugay ang hanggang leeg kong buhok bago bumaba papunta sa pool area kung saan may naririnig pa akong ingay.

"Insan!"

I was about to enter the pool are the I heard a voice. Mabilis akong lumingon sa kaliwa kung saan nakita ko si Shery. Ang isa sa pinsan ko.

"Oh my god!"

Mahigpit ko siyang sinalubong ng yakap. Nang kumalas kami ay may nakaplaster ng napakalaking ngiti sa kanyang labi.

"Tagal nating hindi nagkita! Mas lalo ka yatang gumanda."

Tinawanan ko lang ang huli niyang sinabi.

"Gaga! Nagkita pa tayo sa Amerika! Kung tutuusin mas maganda ka pa nga sa akin."

Si Shery ay isa sa mga pinsan na pinaka close ko. Actually halos lahat naman sila. Mabait at approachable sa akin.

"Glowing skin ah? Nadiligan ka ba sa Amerika?"

Nawala ang ngiti ko habang nag-iinit ang pisngi. Mahina ko siyang sinabunutan kahit nagbibiro lang naman siya.

But still!

"Ang gaga mo parin talaga kahit kailan. Samahan mo na nga lang ako!"

Hindi ko na siya hinintay na makapag protesta at hinila ko na siya papasok sa pool area.

Kakaunting tao nalang ang naabutan ko at halos karamihan ay mga pinsan at kamag-anak ko nalang.

Few of my father's business colleague is leaving. Ganun ba talaga ako katagal natulog at nagsiuwian na sila?

:(

"I know that face. Naiintindihan naman nila kung bakit ngayon ka lang. Matagal ang biyahe mo at alam naming lahat na may jet lag ka. Umuwi ka naman ditong tulog ka?"

"Kahit na. Nakakahiya parin sa kanila." Nakangusong ani ko bago lumapit sa mga pinsan kong nagkukumpulan sa pabilog na sofa.

"Welcome back Insan!"

Naging malawak ang ngiti ko sa init ng pagtanggap nila sa akin. Isa-isa nila akong niyakap ng mahigpit bago umupo sa kani-kanilang pwesto.

"Salamat mga Insan. Sorry kung ngayon lang ako. Naging mahimbing kasi ang tulog ko."

"It's okay Insan." Saad ni Brayhanna. Isa sa pinsan ko. "We understand naman."

"Did you know kung sino ang bumuhat sayo patungo sa kwarto mo?" Singit naman ng isa kong pinsan na isa sa pinaka chismosa. Si Quinie.

Alanganin na tumango ako. "Si daddy?"

Halos sabay silang natawa sa sinabi ko. Napangiwi naman ako sa kahihiyan na naramdaman. Sa bagay, matanda na si Daddy kaya I'm sure hindi na niya ako kayang buhatin.

"Hindi mo ba naisip na matanda na si Tito?" Nakahawak pa sa tiyan si Shery habang tumatawa.

Lumingon ako sa pinaggalingan ni Daddy. Nakanguso siya na parang bata. I think narinig niya ang sinabi ni Shery.

"Sino ba kasi yun?" Nakanguso kong tanong bago kumuha ng wine sa table.

"Kyaa! Si Austine Guillermo!"

Naibuga ko ang iniinom kong wine bago sunod-sunod na napaubo. Todo hagod naman si Shery sa likod ko dahil katabi ko siya.

Shit! Shit! Shit!

Hindi naman ako bingi at kahit kailan hindi pa ako nagkamali sa narinig.

Umubo-ubo pa ako bago tumingin kay Quinie na nakangiwi.

"A-Ano nga ulit ang sinabi mo? Si Austine Guillermo?" I just want to make sure.

Sunod-sunod siyang tumango. "Yes. The sizzling hot and handsome Austine Guillermo. Ka business colleague siya ni Tito that's why he's here. Pero kanina pa siya nakauwi. He said may kailangan pa siyang asikasuhin. But duh? Ang sabihin niya pupuntahan niya ang kanyang babae."

Wala sa sariling napainom ako ng wine sa sinabi ni Quinie. Oh god! Ano yung pinagsasasabi kong hindi kami magkikita ulit?

I'm thankful na kanina pa siya nakauwi. I don't know how to approach him.

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo nang magsimula na namang bumalik sa isipan ko ang nangyari ilang taon na ang nakakaraan.

And really? Business colleague siya ni Dad? It means magkikita ulit kami.

Napabuntong hininga ako bago tumayo. "Pupunta muna ako sa kusina. Maiwan ko muna kayo dito."

Tinalikuran ko na sila bago naglakad papasok sa kusina. Narinig ko pang tinawag ako si Dad pero hindi ako lumingon sa kanila.

Kumuha ako ng pistel sa ref na may malamig na tubig bago nagsalin sa bago. Muntik ko pa itong maibuga nang makita ko si Shery pagharap ko.

"Ano ba yan. Bakit sumusulpot kana lang bigla? Pinaglihi ka ba ni Tita sa kabute?"

Pinunasan ko ang baba ko dahil may tubig ito. Naupo si Shery sa stool at nanatiling nakatitig sa akin.

"I don't want to pry your business. Pero sa tingin ko may kinalaman ito kay Austin."

Natahimik ako sa kanyang sinabi. Umupo nalang ako sa stool na nasa tabi niya.

Shery is like a sister to me. Ganun kami ka close hindi kagaya ng iba kong pinsan.

Well maliban kay Analyn. Nagsasabi na din ako sa kanya ng sekreto.

"I don't want to remember it again Shery." Basag ko sa katahimikan na namagitan sa amin.

"But you know you can't run away from it."

Naging tipid ang ngiti na sumilay sa aking labi. Tama siya. Hindi ko naman pwedeng habambuhay ay tatakasan ko nalang ang nangyari ilang taon ang nakakaraan.

It was just a one night fucking stand. Gaya ng sabi ni Quinie. He's a womanizer. Ibig sabihin hindi na bago sa kanya ang nangyari sa amin.

Tumikhim ako nang may bumarang kung ano sa aking lalamunan. Nakangiting hinarap ko siya bago nagsalita.

"I know. Let's see if I can face him again. For more than years."




RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

08-23-20

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now