Chapter Seventeen

134 19 1
                                    

Chapter Seventeen: Representative

☜☆° ♬ °☆ °♬ °☆☞

Kuya Vali did fulfilled his promise, he didn't really leave the country and stay by my side. Araw-araw niya akong hinahatid-sundo sa school, though, he's not attending class because he's managing our company's branch here in the Philippines.

Hindi na din muna ako tumutuloy sa apartment ni Tita Jelai dahil nga ayaw ni Kuya Vali. Sinabihan niya na rin kasi si Daddy na nandito na siya sa Pilipinas. At gaya ng napagkasunduan namin ni Daddy, dito na ako sa bahay umuuwi. Kahit na bayad na ang renta ko sa apartment ni Tita Jelai para sa isang taon, inabisuhan ko siya na parentahan muna sa iba dahil sayang naman ang kita kung hindi magagamit, atsaka hindi na muna din naman ako tumutuloy doon.

Maayos naman ang mga nagdaang araw at linggo ko sa school. Who would have thought that I can survive my first month here in Burgeon High without dropping out? Well, ayos na sa'kin ang mga nangyayari ngayon, hindi man payapa pero maayos parin. Madalas na naming nakakasabay ni Hara ang SG Baps lalo na kapag nagla-lunch. Mediyo nagiging komportable na ako sa kanila, lalo na dahil kaibigan sila ni Kuya Vali. At siyempre, nagkakilala na kami ni Andrix Rey noon, o baka maging sina Ram at Renz ay nakilala na din ako, 'yun nga lang ay hindi na ako matandaan dahil siguro sa mga pagbabago.

Hindi na ako ginugulo ni Kisses simula noong nagbalik siya, maging ang iba ay nananahimik na. Though, her and the other students' death glares are always there, hinahayaan ko nalang sila.

Tusukin ko pa mga mata nila isa-isa eh! Sorry Lord!

( > . < )

"Al, hindi ka ba magre-review sa library ngayon? "

Napalingon ako kay Hara na nasa gilid ko. Kakatapos lang ng last subject namin para sa buong linggo'ng ito at uwian na. Pero ngayon palang ay nararamdaman ko na, pipigain ko ang utak ko bukas at sa linggo para sa nalalapit na Exam Week.

Mapapa-aga kasi ang exam week ngayong first quarter dahil malapit na ang Foundation day ng school. Though, hindi pa naman masiyadong inaasikaso ang mga activities para sa mga event sa Foundation Day pero sinigurado na nila na maagang matatapos ang exam week.

"Hmm, hindi. May sundo ako eh, baka maghintay. "Pagtanggi ko sa kaniya at ngumiti ng bahagya.

Tumango-tango naman siya sa'kin. "Si K-Kristoffer ba ang s-susundo sa'yo? "Takha at medyo alanganin niyang tanong.

Alam ko ang nasa isip ni Hara. Alam kong iniisip niya na may namamagitan sa'min ni Kuya Vali. Actually, halos lahat ng mga students naniniwala na boyfriend ko si Kuya Vali. Hindi lang siguro talaga nila ma-ulit 'yung ginawa ni Kisses sa'kin noon, kahit na sobrang galit na sila sa'kin, dahil napapalapit na ako sa mga SG Baps at dahil boyfriend ko (daw) si Kristoffer Vali Wu. Takot nalang siguro nila kapag may ginawa sila sa'kin at malaman iyon ni Gēgē. Pero kahit ganon, pinapatay naman nila ako sa mga masasamang tingin nila, na hindi ko naman pinapansin madalas.

Alam kong gwapo si Kuya Vali, kaya nga nai-inggit o nagagalit sa'kin ang mga fans niya, pero kahit hindi naman totoo 'yung mga iniisip nila nakakadiri paring isipin na boyfriend ko siya!

Incest!

( > ︹ < )

"Oo. "Simple kong sagot sa kaniya habang pababa kami ng hagdan papuntang first floor. "Ikaw? "Tanong ko.

"Oo eh, hihintayin ko pa kasi sila Ram na matapos sa mga subject nila. "Nakasimangot niyang sagot na parang wala siyang ibang choice.

Tumango-tango naman ako sa kaniya hanggang sa makababa kami sa harap ng building. Tumigil ako sa paglalakad at bumaling kay Hara, na nakasimangot parin, para magpaalam na sa kaniya. Bumaling din naman siya sa'kin at nagtaas ng kilay na parang nagtatakha.

The Nerd's SecretWhere stories live. Discover now