Chapter Eleven

194 44 11
                                    

Chapter Eleven: Voice

☜☆° ♬ °☆ °♬ °☆☞


The rest of the week in school ended just like that. Hindi ako pinapasok ni Tita Jelai sa school matapos makita ang mga gasgas at sugat ko sa paa. Nagtataka pa siya kung paano ko iyon nakuha ngunit gumawa nalang ako ng dahilan para hindi na siya mag-alala pa, at baka maka-abot pa ito kay Daddy.

"Ano bang nangyari sa iyo, Alanisse? Bakit punong-puno ng mga sugat 'yang mga paa mo? "Nagtataka ngunit may halong pag-aalalang tanong ni Tita Jelai.

Hindi ko inaasahan na tatawagan siya ng school kaya laking gulat ko nalang ng salubungin niya ako sa gate, ng na-ihatid na ako ng school van sa'min.

"N-Nadapa po ako sa E-Entrance ng school. M-Madami po k-kasing pumapasok no'n, k-kaya hindi ko n-napansin ang dinadaanan. "Na-uutal kong pagsisinungaling sa kaniya.

Napasapo naman ng sariling noo si Tita Jelai dahil sa sinabi ko. Para bang hindi siya makapaniwala sa katangahang sinabi ko sa kaniya.

Sino ba naman kasi ang nadapang ganito kadami ang sugat na natamo?

(  ≥ . ≤  )

"Nako! Sa susunod mag-iingat ka na. Tingnan mo nga iyang paa mo, sobrang daming sugat. "Sabi ni Tita Jelai sabay turo sa mga sugat sa paa ko. Napatingin naman ako doon at napasimangot. Kawawa nga ang mga paa ko!

"Kapag nakarating 'to sa Daddy mo—"

"Tita, please don't tell Dad. "I immediately said as I heard her mentioning Daddy.

Napataas naman ng kilay si Tita Jelai dahil sa pag-apila ko.

"Tita, sigurado po kasi na mag-aalala si Daddy at baka mapa-uwi po siya ng biglaan. "I reasoned out to her, ng mapansin ang kaniyang pagtataka. "I don't want that to happen, so please Tita. "I pleasingly said.

Napabuntong-hininga si Tita Jelai at umiling-iling ng bahagya.

"Osiya, hindi ko sasabihin. "Sabi niya at napangiti ako dahil doon. "Pero hindi ka muna papasok bukas. "Siryoso niyang dugtong na nagpa-laglag ng panga ko.

"Pero Tita—"She cut me.

"Nako Alanisse, wala ng pero-pero. Nakikita mo ba 'yang mga sugat mo na 'yan? Tingna mo nga 'yung iba ay dumudugo pa. Kaya hindi ka muna papasok, pagalingin mo muna iyan. "Nakapamay-wang at siryosong sabi ni Tita Jelai, ngunit dama kong may halo iyong pag-aalala.

Napatango nalang ako sa kaniya at wala ng nagawa pa. Kaya sa mga nag-daang araw, kundi hindi naka-higa at natutulog, nakaupo lang ako sa sofa at nanonood ng TV.

It was relaxing, though. Parang nawala lahat ng stress na natanggap ko sa loob ng tatlong araw ko sa school. But being here in the apartment was kind of boring, pero hindi siya katulad ng pagka-bagot ko noong nagho-home school pa ako. It's boring here, yes, but atleast here I can still go outside and roam around the street, noon kasi bawal talaga akong lumabas.

*Twee~ Twee~ Tweet~
Someone's calling~*

Napatingin ako sa basag kong phone na nasa side table ng kama ko.

Sa sobrang dami ng basag ng phone ko, laking pasalamat ko pa din na gumagana pa. The only problem is, nahihirapan na akong pindutin 'yung screen. Hay!

Hara's calling...

Since Wednesday, ina-update niya na ako sa mga nangyayari sa school. Siya ang nagsasabi sa akin kung may assignment ba or kung nagkaroon ba sila ng quiz. I don't know how did she gets my number, but it's no big deal for me. Atleast, I have someone who'll update me for the things that's happening around the room.

The Nerd's SecretWhere stories live. Discover now