Chapter Thirteen

162 39 8
                                    

Chapter Thirteen: Welcomeback

☜☆° ♬ °☆ °♬ °☆☞

Alanisse's POV

Naisip ko na dumaan muna ng Cafeteria at bumili ng bottled water bago dumiretso sa Gymnasium. Baka kasi isipin ni Hara na nag-dahilan lang ako sa kaniya kaninang tumawag siya, kahit na nag-dahilan lang naman talaga ako.

Hindi mawala sa isip ko, habang bumibili ng tubig dito sa Cafeteria, ang mga nangyari kanina sa Garden House at ang pangamba sa dibdib ko na baka magsumbong si Xavier sa Admission.

Lutang akong lumabas ng Cafeteria at naglakad papunta sa Gymnasium, dala-dala sa kanang kamay ang bottled water na binili. Hindi naman ganon kalayo ang Gymnasium, pero mas malapit iyon sa Cafeteria sa Right Wing, kaya dito ako dumaan sa hallway diretso papuntang Right Wing.

Parang nagtatalo ang mabait at masamang parte ng utak ko, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa sinabi ni Xavier na hindi niya ako isusumbong o dapat ba akong magalit sa kaniya na nandoon siya o dapat ba akong magalit sa sarili ko na pumunta pa akong Garden House?

Magtiwala kalang Alanisse, hindi ka niya isusumbong—pero paano kung magsumbong siya—may laban tayo sa kaniya!—Tama! Tama!

( – _ – )

Sa sobrang lutang ko, hindi ko na napapansin ang mga tao na nakakasabay ko sa pagdaan sa hallway o ang mga taong nakakasalubong ko. Ultimo pagliko ko sa hallway papuntang Gymnasium ay hindi ko namalayan, mabuti nalang at wala akong nakabungguang mga estudyante. Maybe I should be thankful that the students are now distant to me, na wala na silang kabaliwang ginagawa sa'kin, at sila na ang kusang lumalayo kapag nakikita nila ako. Dahil kung hindi, panigurado marami na akong nabunggo sa pagiging lutang ko.

"Al! "

Bumalik ako sa reyalidad ng may biglang tumawag sa'kin. Nanlaki ang mata ko ng makita si Hara na papalapit sa akin galing sa Entrance ng Gymanasium.

Nakarating na pala ako, hindi ko man lang namalayan!

( O , O )

"Hara. "Tawag ko sa kaniya at nagsiryoso na ng mukha.

She immediately wrapped her right arm on my left arm kaya napatingin ako doon.

"Let's go. "She said happily.

Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila niya na ako papunta sa Entrance ng Gymnasium. Bumungad agad sa'min ang SG Baps na titig na titig sa aming dalawa ni Hara—mukhang sa'kin lang.

"Let's go. "Aya ni Hara sa kanila ng makalapit kami.

Walang sumagot ni-isa sa kanilang tatlo, parang gulat na gulat silang makita ako at si Hara na magkasama ngayon sa harapan nila.

I looked at the three of them and suddenly remembered that I need to thank them for helping and saving me from Kisses. But how? Kay Xavier pa nga lang ay hirap na hirap na ako, sa kanila pa kayang tatlo?Argh, Xavier!

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at bumaling sa stage, sakto naman na nagsalita si Mrs. Nikka Dela Cruz, Senior High and College teacher.

"We are very sorry for not giving you a notice about today's orientation. But we hope that you are all aware that the orientation will be held this week, right? "

She is, I think, in her early thirties. From what I heard, last year lang sila kinasal ng long time boyfriend niyang si Sir Enzo Dela Cruz, Engineering Teacher. Elementary palang ako sila na. They are both professional, speacially kapag nasa school, lowkey lang sila pareho at bagay na bagay sila sa isa't isa.

The Nerd's Secretजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें