"Whatever! Get in!"

Sinadya kong umupo sa likod, bahala siya sa buhay niya. Nakikita ko siya sa salamin, kulang nalang maglabas siya ng apoy sa ilong niya. Ano bang problema ng lalaking to?

Sa lumipas na mga araw, naging okay na din yung kundisyon ni Papa dahil sa everyday treatment niya ay nkakatayo na siya. Doon ako ngayon sa bahay tumutuloy, dala ko naman yung gamit ko noong umalis ako

"Sit there, kukunin ko lang yung damit mo"

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Mabuti naman at walang nagbago, pero yung aura masyadong malungkot, halatang isang tao lang ang nakatira

"Ayan na" inabot niya sa akin yung puting box na medyo mahaba "sukatin mo yan ngayon, dito"

"Eh?"

"May angal?"

"Ito na! Doon na muna ako sa dating kwarto ko"

Pagkapasok ko umupo agad ako sa kama, pinagmasdan ko pa muna yung box

Ano kaya kulay nito? Babagay ba sa akin? Hindi ba ako magmumukhang tanga? Magugustuhan kaya to ni Stephen?

Natigilan ako sa iniisip ko, bakit siya pumasok sa iniisip ko? Ano bang paki ko kung magugustuhan niya o hindi?
Tss...weird

Pagkabukas ko sa box, tumambad sa akin ang makinang na kulay red na damit, hindi lang siya basta kulay pula...fire red ang color non! Kumikinang dahil sa glitters na nakapaligid doon. Tinanggal ko iyon at mas lalo akong namangha sa disenyo! fitted iyon, may slit sa gilid, natuwa ako sa likod dahil back less iyon, masyadong daring at manipis lang yung lace niyon, yung bandang dibdib naman ay medyo may foam sa loob flat chested kasi ako...pero hindi naman as in flat meron naman pero hindi katulad ng iba

Sinukat ko iyon at sakto lang sa katawan ko, kitang kita ang kurba ng katawan ko, hindi sa pagmamayabang pero ang dress na ito ay bagay sa akin. Tumalikod ako at kitang kita naman yung likod ko, hindi ba ako ginawin sa ganitong suot?

"Ano? Tapos kana ba? Ang tagal mo naman? Patingin!"

Kahit kailan talaga panira ng moment! Lumabas ako at nandoon siya sa gilid halatang naghihintay sa akin. Tumingin siya, nakita ko pang lumunok siya gusto kong matawa pero baka magbangayan pa kami. Tiningnan niya ang kabuuan ko, inuusisa ang bawat anggulo

"Turn around" utos niya na agad ko naman sinunod "komportable ka ba diyan?" tanong niya

"O-Oo, bagay ba sa akin?"

Tinitigan mo siya at nakatingin din siya sa akin, ngayon ko lang napansin na medyo may pagka brown pala yung mata niya!

"You...you...look gorgeous" nahihiya niyang sambit

Ewan ko ba pero parang natuwa ako bahagya, akala ko kasi hindi niya magugustuhan. Ay teka? Ano ba tong iniisip ko?!

"Magpalit kana, nandiyan na gamit mo. Kinuha ko kanina kaya nauna akong umalis, sabay na tayo mamaya. Sa business class tayo, may mga kasabay na tayong mga investors at ibang board of directors"

Sinunod ko naman ang sinabi niya at naghintay ng oras ng pag alis namin

--

"Ako nga ho pala yung mangangalaga sa mga bagahe ninyo. Ako si Manoy" bati ng matandang lalaking magdadala ng maleta namin sa hotel

Hindi na kami doon sa pinagtuluyan namin nung nakaraan dahil invited ang pamilya nila Clinton, magkatabi lang kami ng hotel ni Aki. Room 502 ako at Room 503 naman siya

"I'll go first, I need to rest. Excuse me"

Pagbukas ng elevator nakita ko yung mga babae nakatingin sa akin. Magaganda at may turista pa, kaso wala ako sa mood makipagharutan ngayon dahil bukas na yung event paniguradong mapapagod ako kakangiti sa mga plastik na tao bukas

Boss Series 1: Playboy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon