CHAPTER 8: ANG NAKARAAN

11 0 0
                                    

A/N : Ang chapter na ito hanggang sa susunod pang chapters ay tungkol sa buhay na nangyari kina Giselle at Daniel sa kanilang nakaraan around 1800s. Ang kanilang pangalan dito ay Gisela o Sela at Danilo.

Taong 1888

"Lilyana anong iyong ginagawa?"

"Ate Sela nais ko sanang gumawa ng guryon ngunit hindi ko alam kung paano." (Guryon- saranggola/kite)

"Iyong hanapin si ama, may kaalaman siya sa paggawa ng guryon. Sandali, bakit iyong naisipan ang paggawa ng guryon?"

"Nawaglit ko po sa tabing ilog ang guryon ng aking kamag-aral, nang balikan ko ito ay hindi ko na nakita, marahil ay may ibang kumuha nito." Inilabas niya ang kaniyang malalim na buntong hininga.

"Nais ko po sanang palitan ang guryon na iyon."

"At bakit ka naman naglalaro ng guryon? Hindi ba't sinabi ni ina sa iyo na dapat mas dalaga ang iyong kilos gayong nasa ikalabing dalawang taong gulang ka na ngayon?"

"Ipagpaumanhin niyo po ate, ngunit nasisiyahan po ako kapag nakakakita ng bagay na napapalipad sa langit kung kaya't nais ko din pong magpalipad ng guryon." Napakamot siya sa kaniyang noo habang nagpapaliwanag.

Napangiti ako dahil bakas sa kaniyang mukha ang kasiyahan niya habang ipinapaliwanag ang bagay na nais niyang gawin.

"Kung iyon ang nais mo, nagagalak akong sumuporta sa'yo, pero" Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Pero huwag mo lang ito ipaparating kay ina, tiyak mapapagalitan tayong dalawa."

Tumawa kami dahil sa napagkasunduan naming lihim kay ina.

"Naririnig ko ang bungisngis niyo sa labas ng hardin, ano na naman ang inyong ginagawang dalawa?" Nakangiting sabi ni ama.

"Wala po ama." Sabay na sambit namin ni Lilyana.

"O siya, kukuhanin ko na ang aking kalesa upang mangalap ng mga panindang mais. Sino sa inyong dalawa ang nais na sumama sa akin?"

Hindi kami umimik.

"Kayong dalawa, hindi niyo na nais sumama sa akin, samantalang noong bata pa kayo, paunahan pa kayo sa pagsakay sa kalesa."

Napatawa kami sa sinambit ni ama.

"Tinatawanan niyo na naman ako." Nakitawa na din si ama dahil sa mga bungisngis namin na tila naririnig na sa buong tahanan namin.

"Ama ako po ay magdidilig ng mga halaman ni ina."

"Ikaw Sela, anak, nararapat na ikaw ay makahanap ng iyong kabiyak ng puso ikaw ay nasa dalawampong taong gulang na ngunit kahit nobyo ay wala ka."

Napasimangot ako dahil sa sinambit ni ama. Umalis na si Lilyana sapagkat alam na niya na mapapahaba na naman ang usapan tungkol sa pagkakaroon ko ng magiging kabiyak.

"Ngunit ama, wala pong nais umakyat ng ligaw sa akin, marahil ang dahilan ay hindi po ako lagi lumalabas ng bahay kung kaya't walang masyadong nakakakilala sa akin."

"Sumama ka sa akin mamaya sa palengke, makikilala ka ng mga binata."

"Ngunit ama! Hindi po ako sanay lumabas, nasanay na ako na gumawa lamang ng mga gawain sa ating tahanan."

Huling TulaWhere stories live. Discover now