CHAPTER 7

9 0 0
                                    

WARNING (SENSITIBONG PARTE NG KWENTO)

Isinugod nina mama at papa si Lily sa ospital. Sinabi kong susunod na lang din ako at kailangan kong asikasuhin ang mga gamit na dadalhin sa ospital, sinabi kong iadmit na lang siya sa ospital para mapabilis ang paggaling niya.

Nasa jeep ako ngayon at dala-dala ang dalawang malaki at mabigat na bag na naglalaman ng unan, kumot, mga damit, toothbrush, at iba pang gamit na panglinis ng katawan, nagtagal ako sa pag-aayos dahil ang mga gamit naming apat ang inimpake ko upang doon na din sa ospital matulog. Wala akong sariling sasakyan kaya sumasakay lang ako sa jeep. Matindi ang traffic kaya hindi agad ako makapunta sa ospital. Inabot pa ako ng dalawang oras bago ko mapuntahan sina Lily.

Pagkarating ko ay nakita ko si mama na balisa , lumapit agad siya at yumakap sa akin.

"Giselle!" Bumitaw siya sa pagkakayakap at nanginginig ang kaniyang kamay habang hinahaplos ang aking mukha.

"Mabuti at ligtas ka, n-nasan si Papa?" Nagtatanong ang mukhang ipinakita ko sa kanya.

"Hindi po ba kasama niyo si Papa na umalis kanina?"

"ANO?! BAKIT ? HINDI MO BA ALAM ANG NANGYAYARI? NASAAN ANG PAPA MO?!" Hindi siya matigil sa pagsigaw kaya marahan ko siyang hinila palabas sa ospital bago pa magising si Lily.

"NASAAN ANG PAPA MO?! NASAAN??!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata. "NASUNOG ANG BAHAY NATIN , ISANG ORAS NA ANG LUMIPAS! IBINALITA KANINA! PINUNTAHAN KA NG PAPA MO! NAKITA KO PA SA BALITA NA NAGPUMILIT SIYANG PUMASOK SA NASUSUNOG NATING BAHAY DAHIL-" Tuluyan na siyang umiyak at patuloy pa din niyang hinahabol ang kaniyang paghinga.

"Dahil a-akala niya nandoon ka." Tuluyan na siyang napaupo sa lupa, maging ako ay nanghihina na din ang tuhod at hindi nakayanang pigilan ang mga luhang sunod-sunod na tumulo.

"Ma, bantayan mo si Lily, pupuntahan ko si Papa."

Pinuntahan ko si papa.

Pero masakit ang nadatnan ko. Parang naulit lang ang nangyari kay Aira.

Sa tuwing pinupuntahan ko ang taong mahal ko na nasa alanganin ang buhay, nadadatnan ko na lang na huli na.

"Wala na si papa." Humagulhol ako at lumapit sa sunog na bangkay ng aking ama.

Hinaharangan ako ng mga bumbero at pinipigilang lumapit sa bangkay niya.

Isang buwan na akong hindi kinakausap ni mama matapos ang nangyari. Nailibing na si papa, masakit at sariwa pa sa amin ang mga nangyari. Ako ang sinisisi ni mama sa nangyari.

Umupa na lang muna kami ng bahay. Mabuti na lang dala ko ang mga atm cards ko at ilang mga pera papunta sa ospital noon kaya hindi ito nakasama sa sunog. Kaunting pera lang ang nakasama sa sunog. Ang pinapangamba namin ay ang mga certificates namin na hindi naisalba. Naasikaso ko na nung nakaraang linggo ang paghingi ng mga bagong records ng birth certificates namin ni Mama at Lily.

At ang mas lalong pinangangamba ko pa ay paano kakayanin ng pamilya namin ang pagkawala ni papa. Masakit at hindi namin kayang tanggapin lalo na si mama. Si Lily ay hindi na din masigla, tamlayin na lagi si Lily magmula noong nabalitaan niya ang nangyari kay papa. Kaya kahit pinalabas na siya sa ospital ay nangangamba pa din ako dahil bawat araw ay patamlay siya ng patamlay.

Naghanap ako ng part time job malapit sa bahay na inuupahan namin ngayon. Kailangan ko 'yun pambili ng vitamins para kay Lily at mga gamot para sa depression ni mama, kailangan ko ng trabaho ngayon upang hindi ko magalaw ang pinag-ipunan kong pera para sa itatayo kong business sa Italy.

Gusto ko ding manirahan kaming tatlo nina Mama at Lily sa Italy kapag naging successful ako sa plano kong business. Nalungkot tuloy ako lalo sa isiping iyon, dahil hindi na kasama si papa ngayon sa plano ko, mananatili na lang si papa sa puso at isip ko pero hindi na siya makakasama sa mga plano ko sa buhay.

Huling TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon