Prologue

27 1 0
                                    

"Buckets of whiskey and rum for my hell week."

Bumuntong hininga ako habang kumukuha ng isang whiskey. Kagaya ng nakasanayan, mag-isa ko na namang uubusin ang lahat ng ito.

Sa tantya ko'y mahigit isang taon na kong nasanay na mag-isa, wala akong kaibigan na malalapitan dito at lalong wala akong pamilya dito na maaari kong sabihan ng mga rants ko sa buhay.


Kahit madami akong nakamit ngayon ay hindi pa din ako nakukuntento sa mga iyon. Parang may something na gustong-gusto ko makamit at mangyari dito sa Italy.

Tatlong  bote ng whiskey at dalawang bote ng rum ang naubos ko ngunit parang hindi pa din ako tinatablan nito.

Bagamat nakakaramdam na ko ng kaunting hilo pero hindi pa din umiikot ang paningin ko.

Tumunog ang cellphone ko at alam ko agad kung sino iyon dahil iisa lang naman ang tumatawag sa akin.

"Hello?"

"Anak may gusto daw kumausap sa'yo, umuwi ka na muna sa Pinas."

Nagpanting ang tenga ko nang marinig ang salitang "anak".

Mahigit isang taon ko ng hindi naririnig sa kanya iyon.

Pero ang mas lalong pinagtaka ko ay ang biglaang pagtawag nya na mahigit isang taon ko na ding iniintay.

Ang boses ni Mama na matagal ko ng iniintay.

Inakala kong secretary ko ang tumawag kaya gulat din ako na hindi boses ng secretary ko ang narinig ko.

"Anak?"

"Ah opo, sino daw po 'yung, y-yung naghahanap sa akin?" Nangangapa pa ako ng salita.

Matagal na panahon akong nagsasaulo ng mga linyang sasabihin ko sa sarili kong ina, pero hanggang ngayon nangangapa pa din ako ng salita.

"Danilo."

Huling TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon