CHAPTER 5

13 0 0
                                    


Mabilis lang ang mga pangyayari.

Nakauwi na ako sa pilipinas dahil tapos na ang isang taong kontrata ko sa ibang bansa.

Pinaplano kong manatili muna ng kalahating taon sa Pilipinas para sa pag-iisip ng business na pwede kong simulan na sa Italy. Nagpatayo ako ng sari-sari store sa may tabi ng aming bahay para kahit papaano ay may magawa din sina mama at papa dito sa bahay.

Pinatigil ko na sa pagtatrabaho si papa dahil malaki na din ang sinahod ko sa ibang bansa.

Si Lily naman ay tuwang-tuwa sa madaming laruan na binili ko sa kaniya.

Binilhan ko naman sina mama at papa ng bag at mga damit pati na den mga alahas at relo.

Hindi ko akalain na ganoong kalaking kita pala ang aking matatanggap , kung sabagay hindi na dapat ako nagulat pa dahil nagtatrabaho ako sa sikat na brewing company.

Naalala ko ang mapait na pangyayari sa kumpanyang iyon, pitong buwan na ang nakalipas.

-

"Kailangan ko na umalis sa grupo namin."

"Sir?" Tanong ko dahil baka nagkamali ako ng naintindihan.

"Magreresign na ako, kailangan na kailangan na talaga ako sa kumpanya ko sa Italy." Bumuntong hininga siya.

"I don't want to fail my own company there while fixing the company that isn't mine."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. May problema ba ang kumpanyang ito? Ano bang kailangang i-fix dito? Hindi ko ma-gets. Ang gets ko lang ay sadyang kailangan na kailangan si sir sa kumpanya niya sa Italy dahil tuwing Lunes at Biyernes ay napunta siya doon, naiintindihan ko 'yung part na iyon. Ang hindi ko magets ay kung anong problemang meron sa kumpanyang ito at bakit may kailangang ayusin dito? Sa itsura ni sir ay halatang malaking problema ang kakaharapin o kinakaharap ng kumpanyang ito.

Nagulat na lang ako isang araw nang ibalita sa T.V. na kumalas na sa grupo ang presidente ng Le pommier Brewing Company. Hindi ko akalain na ganoon talaga kasikat sa buong France ang grupo nila kaya nabigla ako nang ipalabas ito sa television at madaming nagbibigay ng feedbacks tungkol sa ginawa ng president namin.

Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga. Nakita kong inayos ni sir ang mga lamesa at upuan doon, kakaunti na din ang mga gamit niya doon, kung dati ay nakakaliyo tignan ang dami ng mga papel , folders, at brown envelopes sa palibot ng opisina, ngayon ay hindi na ganon kadami. Wala na ding nakapatong na pangalan ni sir sa table, malinis na malinis ang table , wala talagang kahit anong nakapatong.

"This is a final goodbye, thank you for 6 months." Ngumiti siya at inabot ang kanang kamay niya.

Kinuha ko iyon at nakipag-kamay sa kanya.

"See you when I see you." Iyon na ang huling sandali na nakita ko siyang ngumiti. Umalis na si Sir at hindi na siya babalik. Nag-resign na talaga siya at hindi na mababago iyon.

Sinundan ko si sir hanggang sa makalabas. Nakapalibot lahat ng employees malapit sa entrance. Madaming umiiyak at meron din namang hindi pero makikita ang bakas ng lungkot sa kanilang mga mata.

Masakit silang nagpaalam sa presidente at unti-unting tinatanggap na hindi na talaga siya babalik dito. Matagal na din palang naging presidente si sir Daniel dito. Ang kanyang business naman sa Italy ay hindi kapareho ng tagal nung ipinatayo ito at nung naging presidente siya.

Nakakapanibago ang lahat, ang senior vice president noon ang ginawang president ngayon. Madaming nabago sa mga position sa kumpanya. Ginawa akong Finance Manager ng bagong president. Binigyan ako ng uniform na may nakalagay na LPBC sa bandang kaliwa ng uniform na ang ibig sabihin ay "Le pommier Brewing Company."

Nagkaroon ang lahat ng ganong uniform simula nung naging president ang aming former senior vice president.

Maayos naman ang nangyayari sa kumpanya sa loob ng ilang araw matapos lumisan si sir Daniel sa kumpanyang ito. Maayos ang lahat, walang mga sablay sa pagtatrabaho kahit una pa lang, kahit nung nandito pa si sir Daniel, alam kong maayos lahat. Kaya nagulat na lang kami nang biglang may kumakalat na issue sa grupo ng mga kumpanya na dati ding sinalihan ng company namin at nadamay ang kumpanya namin.

Kasalukuyan akong nakikinig sa balita ngayon. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa takot na madamay ako sa gulong ito, natatakot din ako para sa lahat ng nagtatrabaho dito, at lalong lalo na kay sir, natatakot ako kay sir dahil alam kong madadamay siya dahil sa dati siyang myembro sa BBC.

"They found an illegal drug trade or drug trafficking in Brewing Brother Companies , the investigators said that the 3 of the members of the BBC (Brewing Brother Companies) were drug dealers, they found an evidence that will show that they did the crime. They mixed the drugs with their products and sell it to drug addicts."

Makalipas ang isang araw pagkatapos ipalabas ang balita ay may nareceive ako na message mula sa presidente namin.

"Miss Giselle, you're the closest one to me and you're also close to our former president. The policemen came here yesterday, they were looking for the former president. I know that Mr. Rodríguez is innocent from doing the crime. They brought warrant of arrest for Mr. Rodríguez when they arrived here."

Ramdam ko ang malakas na dagundong sa puso ko.  Damang-dama ko ang kaba, nakarinig ako ng sari-saring tunog sa isipan ko na naging dahilan kung bakit sumakit ng sobra ang ulo ko, pakiramdam ko ay may nakapatong na mabibigat na libro sa ulo ko.

Nakaka-stress, kailangan kong tumulong agad upang iurong ang kaso laban kay Sir Daniel, alam kong mabuti siyang tao, bantay ko ang bawat kilos niya dahil lagi niya akong kasama, ako din nag-aayos lahat ng mga files at documents. Lahat ng mga papel na nasa opisina niya dati ay nabasa ko na kaya imposible na kasabwat siya ng dalawa pang myembro ng BBC. Palagi din siyang busy at kasama ako sa bawat kumpanyang pinupuntahan niya. Lahat ng pinipirmahan ng ibang members ng BBC na mula sa binigay naming files/letters ay kasama sa mga inoorganize ko.

Kinabukasan nabanggit sa balita ang nakita ng mga investigators na magpapatunay na sila ang gumawa ng krimen. Pinakita sa balita ang brown envelope at ang laman nito. Naglalaman ito ng kasunduan at may tatlong pirma sa baba.

Nahuli na ang dalawang myembro ng BBC na sangkot sa pagbebenta ng droga samantalang pinaghahanap nila si sir Daniel. Ilang araw nang hindi nawala ang kaba ko.

Madaming tao din ang binabastos kami sa tuwing nakikita kami. Dahil alam nilang sa LPBC kami nagtatrabaho dahil sa nakasulat sa kaliwang bahagi ng aming uniporme ang pangalan ng aming kumpanya. Kaya iniutos na din sa amin ng presidente na tanggalin ang pangalan ng kumpanya sa aming uniporme.

Sobrang hirap lahat, humina ang negosyo ng kumpanya.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at naka-receive ng text, hindi familiar sa akin ang numero pero tinignan ko pa din iyon.

" I'll be there in 5 minutes."

Mabilis akong bumaba upang salubungin si sir. May mga nakabantay na pulis sa may entrance namin kaya kinabahan ako.

Hindi ko na binilang kung ilang minuto pa siya bago dumating pero nakita kong dumating siya. Nakita kong hinarang siya ng mga pulis. Pinalibutan naman siya ng kaniyang mga bodyguards, may kasama pa siyang isa na pinalibutan din ng bodyguards nagtataka ako kung sino siya. Lumapit ako sa kanila.

"Move." Utos ni Sir Daniel sa bodyguards.

Ngumiti siya ng malaki na siyang lagi niyang ginagawa.

"Let them arrest me."

Tanga ba siya? O bobo lang sadya ako dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari?

Huling TulaWhere stories live. Discover now