CHAPTER 1

25 1 0
                                    

WARNING! (maselang bahagi ng kwento)

"HOY HAHAHAHAHA TUNGUNU NANDINE KA PALA!"

Nagkalat sa ibat-ibang sulok ng classroom ang mga kaklase ko.

Lunch time na kaya maiingay at naglalabasan na ng sari-sariling gadgets.

Lumapit si Aira na nag-iisa kong kaibigan.

"Bakit?"

"Napakahinhin mo talaga kahit kailan duhh 2010 na bes hindi na uso ang mahinhin ngayon, wala tayo sa 1800s, wild na ang uso ngayon!" Wika nya habang tinataas ng tatlong ulit ang kanyang kilay, magkahalong ngiti at pang aasar naman ang sumilay sa kanyang labi.

Hindi na lang ako sumagot at nginitian ko na lang sya, inintay ko na lang na matapos ang lunch. May tatlong oras pa kami na klase.

Puro quizzes lang ang naganap ngayon at walang discussion. Pagkatapos ng klase ay lumapit na naman siya sa'kin.

"HOY GISELLE TARA NA! TAYO'Y MAGPAPAKABUSOG SA BERTDEYHAN!"

Napatingin ako sa kanya, lagi talaga syang present pagdating sa handaan.

Nakakatuwang isipin na kahit tatlong buwan pa lang ako dito sa bago kong school ay masaya akong pinapakisamahan ni Aira.

Palipat-lipat ako ng school dahil wala kaming permanenteng tirahan at palipat-lipat din si papa ng trabahong pinapasukan. Kung saan malapit ang pinagtatrabahuhan ng aking ama ay doon din kami naninirahan.

Gaya ng inaasahan ko, kumakanta na ngayon ng 'The climb' si Aira, na syang paborito nyang kantahin kahit pa pumipiyok sya sa tuwing inaabot nya ang mataas na tono ng liriko ng kanta. Madalas ay madaming napapatingin sa kanya  sa tuwing kumakanta sya sa mga handaan dahil maganda ang boses nya ngunit napapatingin din sila sa kanya dahil madalas syang pumiyok kapag mataas na ang tono.

Minsan nauuwi na lang sa tawanan ang mga bisita sa handaan na syang gusto din ni Aira, gusto nyang laging masigla ang mga taong nasa paligid nya, gusto nyang laging may mga ngiti na nakaukit sa labi ang mga taong nasa paligid nya kahit hindi nya kilala.

Nakakatuwa dahil may ganon pala talagang tao.

"Ikaw naman Giselle! Kumanta ka din, try mo bilis!"

"Wala akong alam na kanta, puro pambata lang dahil kinakanta ko iyon sa aking bunsong kapatid." Pabulong kong sabi sa kanya.

"Hayaan mo na, ano bang alam mo na meron dito?" Pabulong nyang tanong.

"P-part of your world, 'yung kinanta ni Ariel? pwede na siguro y-yon?" Nahihiya kong sabi, kakanta ako dahil gusto ni Aira yon at alam kong matutuwa sya pag ganon, kung gusto nyang matuwa ang mga kaibigan o ang mga taong nasa paligid nya, gusto ko ding ganon din ang mangyari sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at tumingin sa harap ng mga tao.

"Okay guys, kaibigan ko naman kakanta ngayon ISANG MALAKAS NA 'GO GISELLE' NAMAN JAN!"

"GO GISELLE WOOOOH!"

Sa tingin ko ay namumula na ako na parang kamatis dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko.

Natapos ko ang kanta at sa tingin ko'y maayos ko namang naabot ang mataas na tono sa lyrics ng 'Part of your world' dahil narinig kong madaming nagpalakpakan sa akin at ang ilan ding kumakain ay napatigil din at sumabay sa palakpakan ng mga tao.

"Oemjiii gir! BUTI NA LANG PINAKANTA KITA!ANG GALING!"

"T-thank you."

Nung araw na iyon ang naging dahilan kung bakit tumaas ang self-confidence ko.

Huling TulaWhere stories live. Discover now