CHAPTER 4

9 1 0
                                    


Kalahating buwan na lamang ay makakauwi na ako sa Pilipinas.

Last month ay naipadala ko na ang gustong laruan ni Lily nagpapadala din ako ng pera buwan-buwan kina mama at papa.

'Yung perang ipinadala ko kahapon ay para sa pambayad sa bahay na binili namin, hindi na namin kailangang hulog-hulugan ang bahay dahil babayadan na ni mama mamaya ang natitirang bayarin sa bahay.

Nasa harap ako ng computer ngayon habang inaasikaso ang mga darating na meetings ni sir Daniel.

Araw-araw busy kami dito, araw-araw din may meetings. Ganoon pala talaga kapag malaki ang kumpanya. Pero kaunti lang ang gawain tuwing sabado  at linggo dahil half day lang kami.

Tuwing Lunes at Biyernes ay wala ang president namin na si Sir Daniel, ang humahalili naman sa kanya sa pag-attend ng meetings ay ang senior vice president ng kumpanya.

Naalala ko 'yung puting panyo, si Sir Daniel pala ang may-ari nung panyo.

-

"Giselle, come with me, I need you to bring the organized files and documents we made last night. We have to meet the CEO of a large company, we have to present these documents for our new launched products."

"Uhmm sir, sorry to ask but why do we need to present these documents to other companies for our own products? It's ours not theirs."

Napangiti siya na lagi niyang ginagawa kahit pa wala namang nakakatuwa sa sinasabi ko.

"Just like what I've said last Monday, we have a group, with 5 presidents and 2 CEOs members." Tumingin siya sa akin habang nag-eexplain.

"We consider each other as partners, we called our companies as brother companies, every special events or big events, the price of the products of one company is also the price of the others, that's how we do our business, so we have to decide well everytime we give discounts. We always show documents and files that will be signed by our partners, all the members need to sign it. We have to organize well the documents and files so that everyone will agree, we need the agreement to prevent failing our business.  If one mistake has done or if an illegal thing has done in one of our companies, everyone will be involved because our companies were all known as brother companies by many people. But if you leave your partnership or the group of companies before the issue happened, you will never be involved in that issue."

Napanganga na lang ako dahil ganoon pala kapag kasali ka sa grupo ng mga kumpanya. Sobrang hassle pala, kapag ako ay nakapagtayo ng business hindi na ako sasali sa grupo ng mga kumpanya, maghahanap na lang ako ng isang pwedeng kasosyo pero hindi naman malaki ang tiwala ko sa mga tao. Siguro mag-isa ko na lang itatayo ang business ko.

"Uhmm sorry sir, but one more question, why are the 5 members are presidents and not the CEOs? "

"Because our CEO or the owners give us the permission to do anything for our company. We're the presidents and we are second in charge of the company so they give us the permission but not all the owners give the permission to the presidents. "

Nakasakay kami sa van ngayon, anim kami sa van, dalawa lang kaming babae at apat ang lalaki, isang driver, dalawang bodyguards, at si sir ang lalaki, tapos ako at ang senior vice president ang babae. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko nang biglang tumigil ang pag-andar ng van.

"What's wrong?"

Bumaba na kami ng van dahil nasira ang makina nito. Saktong umulan at wala kaming masilungan kaya kinuha ko agad ang payong ko, papayungan ko na dapat si sir Daniel kaso tumanggi siya, kami na lang daw ng senior vice president ang magpayong, madaming bumubusina sa likod namin na mga sasakyan, dahil nasa kalagitnaan kami ng kalye nang masiraan kami.

Niyaya kami ni sir Daniel na pumunta sa isang coffee shop para sumilong muna at uminom ng kape. May dalang raincoat ang bodyguards ni sir Daniel, dalawa lang iyon kaya ibinigay na lang niya sa bodyguards na magtutulak ng van papunta sa may parking sa kabila, habang ang driver ang nagcocontrol ng manibela, sa kabilang parking nila ilalagay ang van dahil mapapalayo at magkakagulo ang mga sasakyan kung dito pa sa parking ng coffee shop sila nag-park. Basang-basa si sir samantalang kami ng senior vice president ay hindi ganoon kabasa.

Maya-maya pa'y kinakabahang tumingin sa amin ang Snr. Vice Pres. na nasa  tabi ko. "I-I'm sorry sir, there's an emergency , I need to go to the hospital."

May tinawagan siya sa cellphone, pinakalma namin siya habang iniintay ang taxi na tinawagan niya. After 2 minutes dumating na ang taxi at inabot ko sa kanya ang payong at mabilis siyang sumakay, sinundan pa namin siya ni sir sa labas. Mabilis din na pinatakbo ng driver ang taxi kaya natalsikan si sir ng putik. Hindi ako natalsikan dahil medyo malayo ako doon sa putikan.

"Hala sir!" Hinila ko si sir papasok sa coffee shop. Ngumiti siya sa akin. Hala nakakaintindi ba siya ng tagalog?

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng damit ko.

Puti pa naman ang panyo ko, puro puti lang kasi ang panyo ko na dinala dito sa France. Kahit nag-aalinlangang madumihan ang panyo ko ay ipinunas ko pa din ito sa damit ni sir Daniel na namantsahan. Tinulungan ko siyang punasan ang kanyang damit , puti din ang panyo niya , pareho kami.

"Ako na."

"Ako na s-" Owemji! Nagsasalita pala ng tagalog si sir! Hala!

Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang panyo, kinuha agad ito ni sir at pinagpagan. Napangiti siya lalo nang makita ang panyo.

"Nasa iyo pa din pala ang panyo ko." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Pinakita niya sa akin ang pangalang nakalagay sa panyo niyang dala at sa panyo kong dala.

'Daniel'

Si sir Daniel ang may-ari ng panyong iyon? Paano nangyari?

Nagulat din ako dahil panyo niya pala ang nadala ko, napasama siguro iyon sa mga panyo ko pagkatapos kong labhan at patuyuin ang mga iyon, kaya siguro ito ang nadampot ko kanina.

Nagpasalamat ako kay sir dahil doon sa panyo, hindi ko na naitanong kung bakit siya ang nagserve ng pagkain nung araw na iyon dahil gulat pa din ako sa pangyayari. Sadyang kay liit ng mundo.

-

Ipinatawag ako ni sir sa kanyang office.

"Kailangan ko na umalis sa grupo namin." Seryoso niyang sabi.




Huling TulaWhere stories live. Discover now