* Nervous *(Edited )

5K 89 0
                                    


Mga alas-sais ay umalis na ako kila Jb. Hindi na ako nakapag paalam kila Jm at Jp pero kay Jb at Tita ay maayos akong nakapag paalam.

Kinuha lang nila ako ng Taxi dahil wala naman akong Kotseng dala. Ayaw ko namang mag pahatid pa dahil sobra-sobra na iyon.

"Good morning Ma'am! " tumango lamang ako sa katulong. "Naku. Kakatawag lang ng Papa nyo Ma'am. Nasa mansion na daw sya. "

ANO!?

"Ano sinabi mo? Tinanong ba nya kung nasan ako?!" Shit! Paano kung nalaman nya ang nang yari kahapon!

"O-Opo. Sabi ko po ay hindi ka umuwi at ganon din si Sir Shin. Sabi ko po may away mag asawa kayo." Napasabunot na lamang ako sa aking sarili.

Jusko po!!! Ano na lang iisipin ni Dad!? Eh malamang ay Natawagan na nya si Mae kung sa kanila ako natulog!

Umakyat ako sa aking kwarto at nag kulong. Nadatnan ko na lang ang aking sarili na tinatawagan ang number ni shin na agad ikina'taranta ko!

"Oh shit!" Mabilis kong inend ang tawag. Mabilis ang aking pag hinga bago nag isip.

Bwiset naman oh! Sana naman kahit isang araw lang naisipan ni Yaya na mag sinungaling!

Si Mae. Tatawagan ko sya.

Mabilis kong dinial ang number ni Mae at narinig kong nag ring agad.

" Hello Mae! " Halos pasigaw kong sagot.

" hmmm..bakit Ella? " halatang bagong gising palang sya at nakaabala ako pero wala akong Pake!

" Si Daddy pauwi na! "

" Oh? " inosenteng sambit nya. "Nga pala tumawag pala si Tito kahapin ng gabi. San ka ba nag punta? Hindi ka daw umuwi."

Ugh! That's why I call you!

"Kila Jb ako natulog. " naiinis kong tugon.

"W-what!? Anong sabi mo!?" Alam ko ng ganto magiging reaksyon nya.

"Easy ka nga lang! I have reason and I don't think I need to explain it to you."

"Anong Hindi!? Mag paliwanag ka sakin dahil ako ang Naiipit sa inyo mag ama! Sabi ay Ako ang bestfriend mo pero di ko alam kung nasan ka!"

What the heck!? Sinabi yon ni Papa!?

"Aish! Bilisan mo! Inaantok pa ako . I want to hear it now." Akala mo ay galit na galit nyang sabi.

'Kung hindi ka lang sinabihan ni Dad ng ganoon ay Mamamatay kang walang naririnig sakin tsk. '

Wala akong nagawa at sinabi lahat sa kanya. Wala akong narinigsa kanya kundi puro singhap. Wala akong natanggap na masasakit na salita at subukan lang nya, mapuputulan ko sya ng Dila HAHAHA!

"OH? Anong plano mo?"

" Ewan ko. Eh pati si Shin hindi umuwe."

"Hindi? Oh my . Nasan sya? Baka may babaeng kasama yon!"

Babae? Tss. I don't care! Kahit na mag ka HIV pa sya! Basta wag lang nya susubukang mag uwi ng babae dito..

"Uy Joke lang! Ito naman ha ha ha" rinig kong sabi pa nya.

Inismid ako sa kawalan at pinatay na lang ang tawag. Sakto namang namatay din ito sa pag ka low bat kaya chinarge ko muna pero diko padin Ini-On.

Habang nag iisip ay naligo muli ako . Binabad ko ang aking sarili sa Bathtub at nag isip ng maaaring makaresulba sa Problema ko.

Panigurado ay galit sakin si Papa dahil don. Ayaw nyang may nalalamang hindi maganda samin ni Shin. Lalo na't alam nyang hindi kami umuwi parehas.

Nang matapos akong maligo ay nag bihis na ako. Wala padin akong maisip at na i-stress na ako!

Me & My Husband is a Mafia BossWhere stories live. Discover now