* Mahal Ko *(Edited)

5.8K 98 1
                                    

(A/N: SORRY! SORRY! MASYADONG NATAGALAN SA PAG UPDATE ANG CUTE NYONG AUTHOR 😂 ... MAHIRAP KASI.... MAHIRAP MAG HANAP NG LIBRENG WIFI HAHAHAHA CHAROT! )

*
*

Nagising ako bago kami makarating sa pupuntahan namin.
Sa Tagaytay kami ngayon , specifically we're at Skyranch. Matagal ko ng naririnig ang tungkol dito pero ngayon lamang ako nakarating dito.

Crazy but since my Mom died, hindi na kami nakakalabas ni Dad at nag gagala. Naging busy sya sa negosyo kaya ako ay no choice kung hindi i'ubos ang oras ko sa pag aaral at Pag te-training. Kaya ang ending, hindi din alam ni Dad ang totoong pinag kakaabalahan ko.

"Ella." Napatingin ako sa katabi ko.

"What?"

"Are you okay?" may bakas ng pag aalala sa kanyang boses. Napakunot ako sa kanyang tanong. "Nakabusangot ka kasi."

Yon lang pala. Akala ko ay nagiging Visible na ako sa aking emosyon. Mabuti at hindi nya mapapansin kung ano talaga nasa isip ko.

"Nag tanong ka pa! Look! I'm just wearing a thin Shirt and Skirt!" Pag dadahilan ko.

Ganito lamang ang aking sinusuot sa tuwing may trabaho ako sa opisina. Simple but Fashionable. Tumawa ito ng bahagya at pinatay na ang engine ng sasakyan. "What? You looked perfect whatever you're wearing." Bigla akong namula sa puri nya.

I didn't expect that! Omg!

"Not that!-- I mean alam ko na yan pero ikaw kaya lumabas dyan na ganto lang ang suot? Sa tingin mo makakatagal ako sa lamig?"

"Satingin mo hahayaan kitang mangatal sa lamig ng ganon ganon lang?" Nakangisi at mababahidan mo ng malisya ang ngisi nya.

"Anong ibig mong sabihin aber?" My eyebrows met.

"Wait." Saad nito bago may kinuha sa likod , napatingin din ako don at di ko sinasadyang mag kalapit ang mukha namin lalo na ng mapatingin sya sakin.

Napatitig pa ako sa kanya. Agad akong nag iwas ng tingin at umayos ng upo. Pilit kong inalis saking sistema ang kaba at kumunot na lamang ng noo. "Bilisan mo dyan."

"Here." Hindi ko sya tinignan at mabilis na Hinablot ang binigay nya.

Hindi ko inaasahan ang Hoodie jacket na itim ang ibinigay nya. Teka? Mukhang pamilyar to....

Napatingin ako sa kanya at sa kanyang suot. At hindi nga ako nag kakamali. "Plinano mo to no?" Pang aakusa ko.

Nag kibit balikat lang to tsaka lumabas na ng kotse.

Tignan mo 'to , kinakausap pa nilayasan ako!

Umirap ako sa ere at mabilis na sinuot na lang ito. Kesa naman manginig ako sa lamig sa labas diba. Pinag buksan nya ako ng pintuan at nilahad ang kamay nya.

'Ano bang nakain nito at ganto ka sweet? Kinikilig tuloy ako hihihi.

Bumaba ako na hawak ang kamay nya hanggang sa sinarado na nya ito. Napatingin ako saming kamay ng maramdaman na hindi lang ako ang mahigpit ang kapit.... pati sya...

Gusto kong mangiti ngayon ngunit pinigilan ko. Baka isipin nyang kinikilig na ako sa maliit na bagay na hindi naman dapat ka kiligan. Dahil para sa kanya normal lang to. Hayy. I know this is just a show.

Nag simula na kaming mag lakad. Walang nag atubiling mag salita at awkward yon para sakin. Mag kahawak kamay padin kami at pakiramdam ko ay pinag papawisan ako kahit na malamig!

Me & My Husband is a Mafia BossOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz