Chapter Ten ☪

79 15 3
                                    


"Do you know you'll die?"


     Sa huli, ang sarili ko pa rin ang sagot sa lahat ng pagdududa ko.


     Nung oras na malaman ko kung sino nga ba talaga ako, nung panahon na humiling ako sa itaas na maghihintay ako para sa'yo. Para bantayan ka at pagmasdan, unti-unti, bumalik na rin sa akin ang lahat ng nawawalang ala-ala ko.


    Kung paano akong nasaktan, nung lumuha ka sa mismong araw ng kamatayan ko.


"I k-know."


      The thought of her being the ghost is making me laugh, now. Because she's alive. But her body is starting to be cold.


"You're body is slowly getting cold. Can I hug you to share my warmth?"


       I might not share the warmth of a human whose alive. But I'll give you the warmth from the hug of a friend.


         Umiling siya habang nakangiti. Nakatulala siya sa kisame.


"My soul is the only thing you need from me...." 


Nagtama ang mata namin, sobrang seryoso niya nung una pero kalaunan ay ngumiti siya,


"Trust me. I'll come with you once I close my eyes...."


"You can l-leave me...." dagdag niya pa pero umiling ako. 


Hinaplos ko ang pisngi niya.


     Lala, your soul isn't the only reason why I am here.


      For I am your protector, remember? I am your hero that could free your from the cage where you've been living for a long time.


          Pinigaan ko ang tela sa planggana at marahan na pinunasan ang balat niya.


"I won't leave..... Not u-until. Not until Lala falls asleep..."


     Naramdaman ko ang luha na nagmula sa parehong mata ko. Kung alam ko lang na siya pala ang rason ba't wala akong maalala. Hindi sana... Hindi sana siya ngayon palang makakawala.


      Matagal na sana siyang nakalaya.


      Kaya hindi ko siya iiwanan ngayon. Hindi ko siya iiwanan, gaya ng ginawa ko dati.


"W-Wag mong sisihin ang sarili mo."


      Ngumiti siya. Sobrang nakakahawa. Dahilan para ngumiti rin ako. Mabilis kong nilabas ang story book na nakuha ko sa shelf  na nasa ibang parte ng mansyon.

Until Lala Falls AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon