Chapter Three ☪

71 16 3
                                    


"Pagkatapos niyong maipasa yan, pwede na kayong umuwi." 


Mabilis kong tinapos ang drawing ko at binigay sa teacher


"Very good Remuel. Pwede ka nang umuwi."


Imbes na dumeretso sa bahay ay tumungo ako sa abandonadong mansyon.


"Lala! Lala!"


Winawasiwas ko ang papel na dala ko.


"R-Rem..." 


Kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya sa gulat. Hindi ko yun inintindi.


Inilapag ko ang bag ko sa may mesa sa tabi niya.


"Lala! Perfect ako sa exam namin nung nakaraan!"


Palibhasa nagmamayabang, iwinasiwas ko iyon sa mismong mukha niya. Rinig ko ang pagtawa niya na napalitan din ng ubo.


Pakinggan mo palang ang ubo niya parang ang sakit sakit na.


Natataranta ako kung paano pahintuin ang ubo niya nang may maalala ako, inilabas ko ang tinapay na nasa bag ko at tubig.


Pinainom ko ang tubig sa kanya nang dahan dahan at napangiti ako nang tumigil siya sa pag ubo at ngumiti na siya kalaunan.


Ilang sandali pa ang lumipas at umikot ikot na ang paningin ko sa kwarto niya. Ang kabuuan ng kwarto niya ay mas malaki pa sa bahay namin. Wala pa ata sa kalahati ang lawak na meron sa barong barong na bahay na bahay namin.


"Lala, mayaman ka naman? Bakit ang payat mo?" Wala sa sariling tanong ko.


Totoo naman. Ang laki ng bahay niya. Pero ang payat niya, siguro dahil may sakit siya. Pero nakakapagtaka kase, siya lang ang mag isang nakatira dito at wala siyang kasama. Walang nagpapakain sa kanya. Ano yun? Mayaman siya pero wala nagpapakain sa kanya?


"Iniwan kasi nila ako...."


Mabilis na napalingon ako sa mukha niya. Kita ko ngayon ang lungkot sa mata niya at parang unti nalang iiyak na siya.


"S-sinong nang iwan sayo?"


"Sila mama at papa."


Nangunot ang noo ko.


"Bakit daw?"


Bigla siyang lumingon sakin na may seryosong mga mata. Kahit nakahiga siya sa kama at natatapalan ng ilang hibla ng buhok niya ang mukha niya, ay kitang kita ko kung gaano kalalim ang mga di mapangalanang emosyon na pilit niyang itinatago.


"Pasunog na daw kase ang papel ko sa mundo. Malapit na akong bumalik sa pagiging abo."



Until Lala Falls AsleepWhere stories live. Discover now