Chapter One ☪

125 17 2
                                    


"Rem! Ikaw ang naghagis ng bola! Ikaw ang kumuha!"


Tinatagan ko ang loob ko kahit takot. Badtrip naman. Di ko naman sinasadya e. Ba't ba kasi sa lahat ng pagbabagsakan ng bola, doon pa sa sinasabing haunted house?


"Kunin mo na Rem!" Sigaw pa ng iba. 


Bumuntong hininga ako dahil sa inis.


"Oo na!"


Tinatagan ko ang loob ko. Umakyat ako sa mataas na gate na kinakalawang pa. 


Kailangan ko rin ang bola na yun. Pinahiram lang samin yun ni Kuya Jack.


Nakapasok ako sa bakuran ng nakakatakot na mansyon. Hinanap ko ang bola at nagpaikot ikot ako sa bakuran. Wala naman sigurong tao dito kaya hindi dapat ako matakot.


Sa katagal tagal ko na paghahanap. Nakita ko na rin ang bola malapit sa entrance ng bahay. Mabilis ko itong dinampot at tatakbo na sana palabas pero nang tumingin ako sa malaking pintuang gawa sa kahoy ng mansyon, parang hinahatak ang paa ko na makapasok.


Naglakad ako ng isa at dalawang hakbang sa baitang ng hagdan saka lumapit sa door knob ng pintuan.


Namulat ang mata ko nang maintindihan ko na hindi ito nakasara at walang lock. Wala sa sariling pumasok ako. Pero napaubo ubo ako sa alikabok.


Nilibot ko ng tingin ang mansyon. Maraming puting tela na nakabalot ata sa mga gamit sa loob.


 Wala namang nakakatakot. Hindi dapa---


"Ahhhhh!!!"


Biglang nanlaki ang mata ko at napatalon sa gulat dahil sa sigaw na narinig ko na nasabayan pa ng parang pagkabasag ng kung ano. Boses iyon ng babae, sigurado ako. Pero kung multo, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bahala na.


Mabilis akong tumakbo, sobrang laki ng mansyon at antaas ng hagdan, hindi ko alam kung saan ko matatagpuan ang sumigaw pero nang may makita akong bukas na pinto sa isa sa mga tagong silid dito ay pumasok ako. Parang ito ata ang kusina sa unang palapag.


Pero nailaglag ko ang bola na hawak ko nang makita ko ang nasa loob. May isang baso ang basag at basa ang sahig habang nakahandusay ang isang batang babae, na sa tingin ko ay kaedaran ko lang.


"T-tubig....." nanghihinang sambit nito.




Until Lala Falls AsleepDove le storie prendono vita. Scoprilo ora