Sabrina's POV
"Glacies carcerem!" I threw another frosty spell as counter attack to the light casters guarding the entrance of an old temple.
Tumango sa akin si Luis mula sa kabilang dako ng pinagtataguan ko at mabilis na tumakbo pasugod sa tatlong casters na nasa pinto ng templo.
I quickly casted a spell to him, "lux justorum, protegere te!" nabalot siya kaagad sa puting liwanag at puting barrier mula sa salamangka ko.
Sinubukan pa siyang pigilan ng tatlo gamit ang mga salamangka nila ngunit hindi man lang nila nasira ang harang na bumabalot sa lalaki hanggang sa nakalapit sa kanila si Luis.
Lumabas na din ako sa pinagtataguan ko at pinalutang sa ere ang isa gamit ang salamangka ko. Nagbigkas akong muli ng mga mahiwagang salita at bigla na lang naging bato ang kalaban.
"Let's go!" sigaw ni Luis sa akin ng mapatumba niya ang dalawa.
Mabilis kaming tumakbo patungo sa pintuan ng templo at sinalubong ang mga parating na casters. Sinalag ko ang mga parating na atake gamit ang mga salamangkang nalalaman ko. Napakabigat ng atake nila kapag nagsama-sama kaya medyo nahihirapan akong panatilihin ang aming dipensa.
Luis and I didn't thought that we will need to fight a herd of casters as early as this time. Hindi pa nga namin napapasok ng mabuti ang lumang gusali pero napakarami na nila, I guess my uncle is really here.
"Maghiwalay tayo, do'n ka sa kabila!" Luis commanded before running to my opposite direction but before he could ran away I quickly covered him in a barrier.
May mga namataan akong mga bolang liwanag ang paparating sa akin kaya maagap akong nagpalabas ng mga baging mula sa sahig para salagin ang mga ito.
Sunod sunod na mga pagsabog ang yumanig sa buong gusali at kahit may kalabuan ang paligid dahil sa pagabi na at natural na madilim dito sa Orion, nagagawa ko parin maaninag ng mabuti ang mga parte ng gusaling nahuhulog dala ng mga pagsabog.
I don't know how much time were left before the eclipse starts and that makes it even more terrifying for me. Baka hindi namin mamalayan at bigla na lang mabuksan ang kahon.
I exchanged spells to our enemies while Luis are taking them with his bare sword and with the help of my spells to him.
"Sabrina! There he is!" napalingon ako bigla sa gawi na tinuro ng kasama ko.
Mula dito sa harapang bahagi ng napakalaking templo ay nakita ko sa dulo ang apat na casters na pumapalibot sa isang pamilyar na lalaki.
Balot siya ng mamahaling kasuotan at kahit mula dito ay kita ko ang pagkinang ng mga mamahaling batong suot niya sa bawat pagtama ng mga ilaw dito.
"Tiyo."
He's holding a golden box. The Pandora's box!
May tatlong casters ang humarang sa akin na binabalot ng pinaghalong puti at itim na liwanag ang mga kamay. Those magics with them are embedded with corrupted magic.
"Pruina ignis "
My hands were suddenly covered with a a mixture of bluish and red flames, I swayed my hands to the three and a strong wind blew up when a bluish-red flames escaped from my hands and travelled to them. Nagliyab ang mga dinaanan ng kakaibang apoy patungo sa tatlo na kaagad tinupok nito. Pero bago pa man sila magliyab na tatlo ay naging yelo na sila kasama ng sahig na dinaanan ng salamangka ko.
Because of what I did, I draw the attention of the other casters towards me. Ang ilan na lumalaban kay Luis ay nagtakbuhan palapit sa akin at pinalibutan ako. Luis tried to rescue me but he was halted by the other casters.
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
