***
Nakaharap ako ngayon sa bonfire na ginawa kanina nina Travis. Tapos na rin kaming kumain, nakakatuwa lang at para lang kaming nagka-camping sa nangyayari.
"Ang tahimik ng gabi no?" inabutan niya ako ng maiinom bago tumabi sa akin. Yung mga sundalong kasama rin namin ay may mga inumin. Camping feels na talaga 'to.
"Oo nga, pakiramdam ko tuloy nagka-camping tayo ngayon." sagot ko habang iniinom ang inabot niya. Root beer eh? Hindi ako mahilig sa mga alak pero alam ko kung ano ang masarap sa hindi.
Marahan namang tumawa ang kasama ko. "Galing yan sa kastilyo, pinadala ni mommy sakin."
Ohhh, I see. Kaya naman pala iba ang lasa kumpara sa ibang alak na natikman ko. Guess the Earlins really have a lot of good wines in their possessions.
"How is your life these past months? Wala rin tayong balita sa isa't isa sa buong nakaraang taon." I smiled to his question. Ngayon niya lang ako tinanong ng tungkol sa buhay ko habang wala siya. Ang sarap lang sa pakiramdam na parang kahit paano may pakealam siya sa nangyari sa akin.
"Wala namang masyadong nangyari sakin. Kagaya parin ng dati ang routine ko bago ka umalis, pumapasok parin sa klase, sina-satisfy ang expectations at standards nina mommy... The only difference was that... you weren't there anymore when I'm doing those things."
Bago siya umalis sa Ward noon ay palagi kaming magkasama. We went to the same school, ahead siya sa akin ng dalawang baitang pero parang pareho naman kami dahil halos hindi kami naghihiwalay.
"Simula nang ikasal si Kuya Darius ay madalang na lang siyang dumalaw sa mansion. Abala na siya sa pamumuno sa nasasakupan niya at sa pagiging haligi ng kanyang pamilya. Si Kuya Dillan naman ay kaliwa't kanan ang mga pinupuntahang meetings and events. Sineseryoso rin niya ng mabuti ang pagiging taga-pagmana ng Ward. Habang si kuya Julius naman ay pumasok na sa Royal Army... everything had changed in a span of a year you know?" nakatingin lang siya sa akin habang nagku-kwento. For sure ramdam niya na hindi madali ang nakaraang taon sa akin. Kilalang-kilala niya ako, alam niyang takot akong mag-isa.
"Eh sina tita? Kamusta sila habang wala ako? Siguro binibigyan mo na naman sila ng sakit ng ulo ano?" tumawa pa ito sa sinabi.
"Nah! Behaved ako buong taon no! Hindi nga ako sumasama sa mga lakad nilang dalawa. They used to leave me in the mansion whenever they need to go somewhere." naramdaman ko na lang ang kanyang kamay nang pahirin nito ang likidong tumulo mula sa mga mata ko.
I laughed a bit.
"Siguro nga naging mabigat sayo ang buong taon. Pero wag kang magalala, hindi na ako aalis sa tabi mo." ang bestfriend ko... mabuti at may kagaya niya sa buhay ko. My kind of comfort... my confidant.
I tightly hugged him.
"Hmm. Naamoy mo yon? napahiwalay ako sa kaniya.
Yung amoy honey na ewan." I tried to search for some flowers in the area, naamoy ko na naman bigla eh.
Umiling naman ito at tinuloy ang iniinom niya. "Guni-guni mo lang yan, baka lasing ka na." sabay tawa nito, inirapan ko tuloy.
"Argh!" naputol ang usapan naming dalawa ng sumigaw ang isa sa mga kawal.
May nakabaon na palaso sa balikat nito!
"May kalaban!" mabilis na kinuha ni Travis ang espada nito at inalerto ang sarili!
"Everyone! Gather around!" mabilis na dumikit sa amin ang mga sundalo.
Magkatalikod ang bawat isa sa amin ngayon. Nalilito man ako ay kumuha ako ng espada sa mga dala ng mga kawal. Good thing I learned how to use swords. Pero mukhang dehado kami, madilim ang paligid at mukhang napaghandaan ng kung sino ang oras na ito.
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
