***
"Darrel, bumalik ka dito!" sigaw ko sa makulit kong pamangkin na patakbo-takbo sa hardin ng kastilyo. Hinahabol nito ang mga lumilipad na paru-paro at mga garden pixies.
"Binabati kita bunso, isa ka nang ganap na incubus." napatingin ako sa likod nang may magsalita at naroon si kuya Darius kasama ang maganda nitong asawa. Sa likod naman nila ay natanaw ko ang parating na dalawa ko pang mga kapatid. Family reunion eh?
"Binabati rin kita bunso, nakakatuwa at natapos mo ang tradition natin." nakangiting bati sakin ni ate Meritt, ang asawa ni kuya Darius. Napakaganda niyang nilalang. Kagaya namin nina kuya ay isa rin siyang pure-blooded succubus. Mahahalata mo yon sa maputi nitong kulay at kakaibang ganda na parang sa mga bampira.
"Salamat kuya, ate. Hindi naman siya naging mahirap sakin kaya nagawa ko kaagad." medyo nahihiya pa akong nagku-kwento dahil nakakahiya naman talaga ang pinili kong paraan para maging incubus. Nakakahiya!
Pagdating naman ng dalawa ay kaagad ni-lock ni kuya Julius ang braso nito sa leeg ko sabay gulo naman ni kuya Dillan sa buhok ko.
Tumawa silang lima habang wala akong magawa sa dalawang siraulong 'to. Tuwang tuwa pa eh!
Nakailang hampas pa ako bago nila ako binitawan na parang mga timang. Halos maubo pa ako sa pananakal ni kuya Julius.
Mga siraulo!
"Alam mo ba, kuya Darius? Itong bunso natin pang malakasan nung tradition!" napairap na lang ako. Ito na naman.
Sinuportahan naman ni kuya Julius ang isa. Like duh! Magkapatid talaga sila!
"Itong bunso natin, white elf ang unang nabiktima!" sabay tawanan pa nila. Ang kukulit, paano namang white elf white elf?
"Talaga ba? Kung ganon hindi ka na basta-bastang incubus bunso?" Ani kuya Darius sabay pat sa ulo ko.
Nagtawanan pa silang apat, yeah yeah yeah. Nakakatawa. Alam ko namang imposibleng white elf ang unang life force na makukuha ko, napakababa ng posibilidad. Bukod sa ako lang ang patpatin sa aming magkakapatid ay paanong may puting elven sa bayan ng mga tao? Pinagti-tripan na naman ako.
Kinuha ni kuya Dillan ang pamangkin ko na kanina pa takbo ng takbo sa hardin. "Ang laki na ng pamangkin namin ah." sabay halik sa noo ng bata.
Inaya na kaming pumasok sa loob ni kuya Darius. Naunang naglakad palayo si kuya Julius dala ang bata kasama si ate Merit, kaming tatlo nina kuya Darius at Dillan ngayon ang nahuli sa paglalakad.
"Nasan si mama?" tanong ko sa dalawa na biglang naging seryoso ang mga mukha.
"Kasama si tita Elise na naghahanda sa kaarawan ni tito." simula nang dumating sila kahapon ay dalawang beses ko pa lang nakita ang parents ko: nung pagkauwi ko galing sa bayan at nung nag-dinner kami.
"Nabalitaan namin ang nangyari sa inyo ni Travis habang papunta dito ah." biglang puna ni kuya Dillan na may seryosong ekspresyon.
Napabuntong hininga na lang ako. Sinasabi ko na nga ba.
Oo, makukulit sila at grabe nila ako pagkaisahan pero kung kaligtasan ko na ang usapan ay daig ko pa ang isang hari kung protektahan nila. Pero alam ko na kung saan pupunta 'to, mamaya pangangaralan lang nila ako.
"Sumali na kaming tatlo ng mga kuya mo sa imbestigasyon kung bakit kayo tinambangan ng mga puting elven. Julius even asked the authorities of Borge to tighten their defense and be vigilant in the border. For sure, mom and dad are now currently discussing this issue with the councils of St. Helen. " kuya Darius said while also maintaining his serious expression. Daig ko pa ang babae sa inaasta nila pag ganitong bagay, mga over protective. Anong tingin nila sakin? Weak?!
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
