"Kayong mga light born ay hindi na nagbago!" galit na sigaw ng banshee.
"Kaya mo bang tumayo?" inalalayan ko si Axel sa pagtayo, kailangan namin umalis dito bago kami maabutan ng banshee na 'yan. She's too strong for us, maybe the souls from the villagers she took are the reason why she's this strong. The village are feeding her with energy and let her grew this powerful.
"Bilisan niyo!" sigaw ni Luis sa amin habang bumababa sa hagdan. Nakita ko pa itong kumuha ng bwelo at marahas na ibinato sa banshee ang hawak niyang punyal.
"Hangal! Lalo ka na tao!" lumutang bigla sa ere ang lalaki kasabay non ay tumilapon ito sa gilid.
Mas binilisan ko naman ang pagbaba namin. Akala ko ay mailalabas ko na si Axel sa mansyon ng hindi pa man kami nakakalapit ay sumara na ang dalawang pinto ng bahay.
Wala kaming magagawa, kailangan naming lumaban. Buong tapang akong humarap sa kanya habang inaakay parin ang lalaki.
"Alam mo ba ang ginawa ng mga tao ng huling beses na may tumulong sa kanila?" napapalunok na lang ako habang patuloy siyang naglalakad papalapit sa amin. Ang kaninang nawala nang pawis ko ay bumalik na para na namang gripo ang katawan ko.
"Binigay ko ang kailangan nila..." tinignan ko ang kasama kong lalaki na mukhang wala ng kakayahang lumaban. Ewan ko nga kung nasa katinuan pa ito, parang lutang na eh. Malamang napuruhan siya.
"Binigyan namin sila ng kabutihan..." gamit ang isang malayang kamay ko ay binalot ko ito ng itim na kapangyarihan, akmang ibabato ko na ito sa babae ng biglang balutin ng hamog ang kamay ko at parang pinilipit kaya nawala ako sa konsentrasyon. Maging si Axel ay nabitawan ko sa sobrang sakit ng pagpilipit sa kamay ko.
"Pero anong ginanti nila sa amin? Trinaydor nila kami..." binalot ako ng hamog at lumutang sa ere. Malaya kong nakikita ang dalawang kasama ko ngayon, maging ang babaeng diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Tignan mo ang ginawa nila..." nabalot ako ng pagtataka ng may kung anong makinang na bagay ang bumagsak sa sahig mula sa pisnge ng babae. Tama ako!
Mas tumindi pa ang hinala ko na may emosyon ang babae ng makaramdam ako ng mabigat na kalungkutan sa paligid.
Naiintindihan ko na. Bakit nga ba nakalimutan ko?
"Sa kabila ng lahat.... Ng sakripisyo namin..." patuloy siyang nagsasalita at patuloy din ang pagbagsak ng mga makinang na bagay sa sahig mula sa mukha niya. Mga luha. Alam kong luha ang mga 'yon, ramdam ko ang emosyon sa mga butil ng luhang nahuhulog sa sahig.
Ang mga banshee ay mga babaeng may mga unfinished business sa mundo. Madalas nakikita sila sa mga guho, mga hindi makatawid sa kabilang ibayo dahil sa may kinakapitan pa silang bagay sa mundo ng mga buhay. Ang isang ito, marahil ay may hindi siya nagawa kaya narito pa siya. Naiintindihan ko na.
"D-darys... K-kunin mo..." napatingin ako sa gawi ni Axel ng magsalita ito. May hawak siyang kung ano sa kanang kamay nito at pilit niyang inaabot sa akin.
Buong lakas ko namang binalot ng itim na mahika ang bagay na hawak niya at pinalutang ito papunta sa akin.
Papel?
"M-mukhang yan... ang dahilan kung bakit... narito pa siya... isang liham.." buong lakas ding paliwanag ng nanghihinang lalaki.
Liham?
"Tignan mo ako Darys! Tignan mo ang ginawa nila!" halos mabitawan ko pa ang hawak kong lukot na sulat sa gulat dahil sa pag sigaw ng babae. Umiiyak na ito. Sinasakop na ng lungkot ang buong bahay. May mga naririnig na din akong ibang boses, mga umiiyak, humihingi ng saklolo sa lahat ng parte ng bahay.
BINABASA MO ANG
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
