"Oh ang aga niyo yatang nakagayak? May pupuntahan kayo?" takang tanong ni Luis ng makasalubong kami ni mokong.
Saktong sasagot na sana ako ng sumulpot si Sab at nagsimula na naman akong tignan ng mga mapangasar niyang mata.
"Nako, if I know itutuloy lang nila yung naudlot na laro kagabi. Kung sabagay, kahit sino naman mabibitin sa tanungan at sagutan lang." pagpaparinig niya.
I felt a sudden rush of blood towards my face upon hearing her. Umiwas na lang tuloy ako ng tingin, maging si Axel napansin kong nag-iwas din ng tingin.
Bwiset kasi na mokong, kung ano ano ang sinasagot kaya napagdiskitahan tuloy kami. Hays! Kung alam ko lang na ganon hindi na sana ako sumali sa laro niya! Ang akala ko mapapaamin ko na ang dalawa, pero kung minalasmalas ka nga naman! Buong laro puro tails na ang lumabas kaya quotang quota si Sab sa amin! Kaasar!
"M-magki-claim lang kami ng rewards sa bayan." ang mokong na ang sumagot habang hindi mapakali sa tingin ni Sab.
Buti nga! Kung ano anong sinasabi kagabi tapos ngayon awkward na? Lasing siya ganon?!
I rolled my eyes at mabilis na umalis sa harapan ng dalawa. Baka sumabog na ako sa pagkapula kung nanatili pa ako do'n!
"See you later guys!" pasigaw ko pa habang tumatakbo palabas ng barko, hanggang sa makababa ako sa sasakyan ay mabilis parin akong tumatakbo.
"Tsk. Bwiset, kung alam ko lang kasi na ako ang magigisa sa larong 'yon edi sana hindi na ako sumali pa. Siraulo kasi yung isa eh!" pagmamaktol ko sabay sipa ng mga maliliit na bato sa daan.
Nakakaasar lang talaga kasi! Masyadong pafall yung lalaking 'yon!
Hanggang sa makalabas ako ng kakahuyan ay inis na inis ako at nagmamaktol.
"Hindi ka makamove on?"
"Oo hindi! Sino ba namang makakamove on sa mga sinabi ng lalaking 'yon?! Ha! Napakapakboi magsalita!" sagot ko sa nagtanong habang mabibigat ang mga yabag ko na naglalakad.
"Ikaw naman, bakit ba ayaw mong maniwala?" bigla akong natigil sa paglalakad ng makaramdam ng isang kamay na humawak sa akin.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" mabilis ko din binawi ang kamay ko sa kaniya.
Shet! Nakakahiya! N-narinig niya ba ako?
Malawak ang mga ngiti nito na palagi niyang ginagawa. Bagay na bagay sa mahabang puting buhok nito na kagaya ng dati ay nakapusod.
"I just wanto to clarify myself, I'm not like what you think. Hindi ako pakboi okay?" umakbay ito ng sapilitan sa akin.
"Tsk. Totoo naman eh, pakboi ka!" sinubukan kong alisin sa pagkakaakbay ang kamay niya pero lalo lang niya itong hinigpitan.
"Pwedeng kalimutan na nga muna natin 'yon, tapos naman na eh." kalmado niyang suhestyon.
Inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita. Baka kung saan pa mapunta. Isa pa ayokong isipin niya na baka napakabigdeal sa akin ng mga sinabi niya.
Tahimik kaming naglakad ng magkaakbay hanggang sa bayan.
Ngayon ko kasi kukunin ang reward sa isang errand ko at sabi niya nga pati siya ay ngayon kukuha ng reward sa dalawang errand niya.
"Maiba ako, may ideya ka na ba sa kinaroroonan ng mga relics? Matagal na din nating iniimbestigahan kung nakanino 'yon." tanong ko makaraan ang ilang minuto ng katahimikan.
"Wala pa rin akong ibang leads, mukhang ang sinasabing sagot sa Orion ni lola Alba ang tanging impormasyon natin. Pero hanggang ngayon hindi ako sigurado kung anong sagot 'yon at kung nakita na ba natin." sagot nito na mas dumagdag sa frustration ko sa misyon naming ito.
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
