61. A phoenix never dies

Start from the beginning
                                    

Unti-unting kumurba ang labi ko. Hindi ko mapigilang mapangiti.

Napunta ang tingin ko sa bombang malapit ng sumabog.

Looks like this is it.

Tila bumagal ang oras at bigla akong nabingi—parang may matinis na tunog ang dumaan sa dalawang tenga ko. Ang huli ko na lang nakita ay ang liwanag mula sa pagsabog ng bomba.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Naramdaman ko ang pag-init ng buo kong katawan. Dahan-dahan kong naimulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang maliwanag at magandang tanawin.

Patay... na ba 'ko?

Bumangon ako sa pagkahihiga at laking taka ko nang makita kong wala man lang akong natamong sugat.

"Are you awake?" Rinig kong sambit ng isang babae sa tabi ko.

Napalingon ako sa babaeng nagsalita at natigilan ako sa pwesto ko nang makilala ang babae.

Humarap sa akin ang batang babaeng may pulang buhok. Nagtama ang mga mata namin at kumurba ang labi niya bago magsalita.

"How are you... my future self?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung totoo ba o gawa-gawa lamang ng utak ko ang nakikita ko.

"Well, if you're here, I guess you're still doing fine huh?" natatawang sagot nito sa tanong niya.

Muling napunta ang tingin ng batang babae sa tanawin.

"Kung nandito ka ay ibig sabihin ay nasagot mo na ang mga tanong sa isipan mo hindi ba?" muling sambit ng batang babae.

"Ang layunin mo at para kanino ka lumalaban."

Nanatili akong nakatingin sa kaniya—naguguluhan pa rin. "P-Patay na ba 'ko?" marahang tanong ko.

Sobra akong naguguluhan sa nangyayari. Kung patay na 'ko ay bakit nagagawa ko siyang kausapin ngayon?

Natawa ang batang katabi ko sa tanong ko.

"I thought you said that a phoenix never dies?"

Nabigla ako sa sinabi niya. "P-Paano mo nalaman 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

She smiled as she faced me once again.

"I'm always watching you."

"Just remember that I'm proud of you. And..."

"It's not your fault."

Parang nanatili sa utak ko ang huling sinabi niya. Kumunot ang noo ko rito at nagtaka. Ngunit bago ko magawang magtanong ay unti-unting nanlabo ang paningin ko.

The last thing I saw was her smile—as she watch me.

"Good luck, Scarlet." Huling sambit sa akin ng batang babae.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Nagising akong habol-habol ang hininga. Sunod-sunod ang pagtulo ng pawis ko. Tila sumikip ang dibdib ko at bumigat ang paghinga ko.

Hindi ko mapigilan ang pagpasok ng mga alaala sa isipan ko. Nagsisimula na naman akong umiyak.

"Oi, oi. Hood, okay ka lang?" Rinig kong sambit ng isang lalaki.

Napunta ang tingin ko kay Law na hindi ko napansin na nakasilip na pala sa pintuan ng kwarto ko sa guild.

Nagbago ang ekspresyon nito nang mapagtanto ang nangyari. "Nanaginip ka na naman ba?" marahang tanong niya.

Hindi ko nagawang makasagot sa sinabi niya at nanatili akong tahimik. Pero alam kong alam na ni Law ang sagot.

He went closer to me. "We've already told you, right? It's not your fault." I felt his warm hands touching mine.

"Just rest, okay? Everything is going to be okay."

Hinalikan ni Law ang noo ko bago ako iwan sa silid.

Hindi man lang ako nakaimik nang umalis siya. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang panaginip ko.

Lalo na ang nangyari noong gabing 'yon.

It has already been a year.

Isang taon na ang lumipas mula mangyari ang gabing 'yon.

But every night, it still hunts me.

Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano ang mangyayari kung may nagawa ako noong gabing 'yon.

Kung sumama ba'ko kay Helena sa hinaharap ay may nagawa kaya ako?

Lagi kong napapaniginipan ang mga posibleng nangyari kung sumama ako kay Helena.

Pero alam kong hindi na mangyayari 'yon dahil hindi ko iyon nagawa. No'ng gabing 'yon ay pinanood ko lang si Helena na maglaho ng parang bula kasama sina Sir Cael at Papa.

Isang taon na ang lumipas ngunit ni anino nila ay hindi namin nakita. Ang alam ko lang ay napunta sila sa hinaharap. Matapos magkaroon ng isang malaking orasan sa tinatapakan nila ay bigla na lamang silang nawala.


Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now