16. Orders from the Principal

30.3K 1.7K 159
                                    

Sinalubong kami ng pang-aasar ni Zeldrick nang makarating kami sa guild. Matapos ang pagyayabang ni Law na kami ang maauna ay kami ang pinakahuling nakabalik sa guild.

"Ha? Ano ulit 'yong sinabi mo Law? Ah, hindi ka namin kayang unahan." Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Zeldrick na kinairita ni Law.

Hindi lang si Law ang naiirita, kung hindi kahit si August na partner nito ay bakas rin ang pagkaiirita sa pagkaisip bata ng partner niya.

"Grabe Law, nahirapan ka ba?" Walang tigil ang pang-aasar ni Zeldrick.

"Folle," nakasimangot na bulong ni Lemon sa gilid ko. Nilalaro nito ang alagang pusa niya.

Tulad ni Law ay naiirita rin ito kay Zeldrick. Pangalawa silang nakarating matapos din niyang magyabang kaya iritado rin siya sa pagyayabang ni Zeldrick.

"Oh? Miss Lemon, our great senior! Kumusta ka na? Kumusta 'yong mission? Mahirap ba?"

Hindi pa rin tumitigil si Zeldrick sa pang-aasar niya. Mukhang hindi niya pa rin mabasa 'yong sitwasyon niya ngayon.

"Okay lang 'yan. May susunod-"

August's eyes changed. The next thing we knew, tumilapon na sa gilid si Zeldrick. Mukhang si August ang unang napuno sa kanila.

"Asshole." Rinig kong sambit ni Law.

"Tsk. Nasaan na ba si Gin?" pag-iiba na tanong ni August.

No'ng kumpleto na kaming nakabalik sa guild ay sinabihan kami ni Gin na magtipon-tipon sa guild at hintayin siya.

Bakit kaya? Anong meron?

"Tsk, mas gusto ko pang kumain ng cakes kasama si Chelsea kaysa tumambay rito," sambit ni Lemon.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Chelsea?"

"Oh, hindi ko pa ba nababanggit sa'yo?" Hinarap sa akin ni Lemon ang puting pusa niya. "Her name is Chelsea!" pagpapakilala niya.

I looked at her, dumbfounded. Come to think of it. Kayang kontrolin ni Lemon ang kahit anong hayop na hawakan niya. Pero bakit laging si Chelsea lang ang kasama niya? Ito rin ang sinama niya sa misyon.

"Tsk. Ang tagal ni Gin," pagrereklamo ni Law.

"Bakit niya-"

"Yosh! I'm back!"

Biglang bumukas ang pintuan ng guild. Napunta ang lahat ng atensyon namin sa lalaking kanina pa namin hinihintay.

"Oi, oi. Bakit ang tagal-"

Natigilan si Law sa pagsasalita nang makita ang taong kasunod ni Gin. Kusa kaming napatayo nang makita rin ito.

Suddenly, we all felt intimidated with just her mere presence.

The freaking Principal is here. Anong kailangan sa amin ni Helena?

"P-Principal Helena," hindi makapaniwalang sambit ni August. Hindi namin inaasahan na pupunta siya rito.

"W-What brings you here, Miss?" dagdag niya.

Nilibot ni Helena ang tingin niya para makita kung kumpleto kami. Nang makitang nandito kaming lahat ay dere-deretso itong pumunta sa harap namin.

Hindi ko mapigilang kabahan dahil tila seryoso ang ekspresyon niya. Kahit na rin sila August ay bakas rin sa mukha ang pagkakaba.

Pare-pareho na lamang kaming napapikit nang biglang tinaas ni Helena ang kamay niya.

Hinintay kong may sumakit sa katawan ko pero walang nangyari. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nabigla na lamang ako nang makitang isang poster ito.

"E-Eh?" pagtataka ko.

Lunar Academy: School For The HuntersKde žijí příběhy. Začni objevovat