18. Payback

29.7K 1.5K 41
                                    

My talk with Gin had a huge impact in me. I guess I was just really being selfish. Akala ko mabigat na ang problemang dinadala ko. Not knowing what they've already experienced, is much worse than mine.

Hindi mawala ang kinuwento sa akin ni Gin kahapon. Dahil sa mga sinabi nila ni Law ay hindi ko mapigilang mag-isip.

Tama nga ba ang desisyon ko? Tama ba na kalabanin ko si Helena?-

"Oi, oi. Akala ko ba magte-training ka, hood? Bakit nakatunganga ka lang diyan?"

Natauhan ako nang magsalita sa gilid ko si Law. Nandito kami sa open grounds ngayon. Nandito rin sina August at Zeldrick upang mag-ensayo. Bukas na kami aalis para sa event.

"Shut up, lunatic," sagot ko rito.

"Argh! Ayoko na makipag-train sa'yo. Sa mission nga kasama kita tapos sa training din."

Narinig ko ang pagrereklamo ni Zeldrick kay August. Sa pagkakaalala ko ay siya ang nag-aya kay August na mag-training tapos siya ang nag-iinarte ngayon.

"I'll happily take the job if the target was you, jerk." August gave him a deadly look.

Ginaya ni Zeldrick ang pagsasalita ni August at inasar pa ito lalo. Nahinto siya nang magtama ang tingin namin. Kasunod n'on ay ang pagkurba ng isang nakaiiritang ngisi sa labi niya. Mukhang alam ko na kung saan papunta ito.

"Yoh apple head! Wanna train with me?"

I rolled my eyes. Napaismid ako nang lumapit na siya sa akin. But come to think of it, I'm also training right now. Mukhang okay lang din naman kung makipag-training ako sa kaniya.

"Suit yourself," sagot ko.

Isang malawak na ngiti ang pinakita ni Zeldrick sa sagot ko.

"Nice, makababawi na rin ako sa ginawa mo sa akin."

Doon ko naalala na nakalaban ko na pala rati si Zeldrick. He lost that time because of his stupidity.

Masyadong mataas ang confidence niya. Not knowing my ability.

But to be honest. His fucking ability is also troublesome. Kung tumagal ang laban namin no'n ay paniguradong matatalo niya 'ko.

I can only regenerate 3 times every time I use my gift. Kung patuloy niya lang na ginamit ang gift niya ay paniguradong talo ako. Buti na lang ay sa sobrang pagkabigla niya sa gift ko ay natigilan siya. Kaya ginamit ko na ang chansang 'yon para talunin siya.

Unlike when I'm fighting ordinary people, I can use my gift and stop using it anytime. Ang ibig sabihin n'on ay hindi ko mauubos kaagad ang lakas ko.

But fighting against a gifted is a different topic. Kailangan kong gamitin ang gift ko sa lahat ng oras at wala akong pagkakataon para hindi ito gamitin. Ibig sabihin ay mabilis mauubos ang lakas ko at hindi ko na magagawa pang mag-regenerate.

That is why I need to use my ability wisely. Kung kaya kong maiwasan ang mga atake niya ay dapat ko itong gawin. Hindi ko pwedeng saluhin lahat ng atake niya sa akin dahil lang kaya kong gumaling.

"Just to tell you, apple head. Hindi mo pa nakikita lahat ng kapangyarihan ko," nakangising sambit ni Zeldrick.

"Just shut up and let's start this. Unang bumagsak ay talo." I scoffed.

Kailangan kong tapusin 'to kaagad. Kagaya ng ginawa ko no'ng una. Pero alam kong mahihirapan ako lalo na't alam na ni Zeldrick ang kakayahan ko. So I need him to loosen his defense then I'll strike.

We went to opposite directions, facing each other.

His eyes changed and so as mine.

Within 0.4 seconds, nagsimula ng maglutangan sa harap ni Zeldrick ang iba't ibang klase ng metal. Hindi hamak na mas mabilis ito kaysa sa huli naming laban.

This jerk... when did he got this strong?

Naningkit ang mga mata ko nang makita kong may pinaglalaruan siyang mga... barya?

Habang nagsisimula ng magsilapitan ang mga metal sa kaniya ay hindi ko inaasahan na ibabato niya sa akin ang mga hinahagis-hagis niyang barya. Napasinghap ako nang makita itong gumalaw na parang bala.

Kahit nagawa kong mabasa kaagad ang atake niya ay hindi ko naman nagawang iwasan 'to lahat. May isang tumama sa binti ko at dalawa sa braso ko.

Napaismid ako nang bumaon ito sa balat at laman ko. It felt like I was shot, but with a bigger bullet.

I don't have a choice but to use my gift.

"Anong tinutunganga mo riyan, apple head?" natatawang sambit ni Zeldrick.

"I can control every single metal here. Hindi porket na pinapalipad ko ang iba ay hindi na kita maatake gamit ang mga baryang dala ko," dagdag niya.

Muli akong napaismid sa sinabi niya.

I changed my arms into wings and I started flying towards him. Kailangan kong makalapit kaagad sa kaniya. He attacks on long range. Kaya hindi niya 'ko mapipigilan kapag nakalapit na 'ko sa kaniya.

Mukha namang hindi inaasahan ni Zeldrick iyon dahil nakalutang pa rin sa ere ang mga metal na kinokontrol niya.

Huli na nang mapagtanto ni Zeldrick ang plano ko at nakalapit na 'ko kaagad sa kaniya. Using my human legs, I kicked him hard as I can.

Akala ko ay matatapos na ang laban. Pero imbis na tumalsik si Zeldrick ay naramdaman ko ang pagbali ng buto ko sa paa.

I heard and felt my bone cracked. Hindi ako makapaniwala nang magawa nitong pigilan ang sipa ko gamit ang kamay niya.

No-

Not just with hands—his fucking hands was covered in freaking metal!

"Tsk, tsk. Same tricks won't work twice, apple head."

Napaismid ako at agad na lumipad papalayo rito. My fucking leg broke because of the impact. My strong kick and his freaking hard metal.

"I told you didn't I? I can control every single metal. Hindi ko lang kayang umatake kung hindi kaya ko ring depensahan ang sarili ko," nakangising sambit ni Zeldrick.

I bit my lower lip because of frustration. Fuck. I shouldn't have had underestimated him. Bakit hindi ba 'ko matuto-tuto?

Zeldrick is a already a fucking senior. Natural lang na mas marami na siyang alam sa akin.

Tsk! Ginamit ko na ang pangalawang regeneration ko sa pag-ayos ng paa ko. At hindi lang basta-basta ang lakas na ginamit ko para roon.

Sobra akong nanghina sa pag-ayos ng baling buto. Sa tingin ko ay daplis na lamang ng bala ang kaya kong pagalingin ngayon.

What the fuck should I do?

I can't just attack him.

Neither afford to just stand here.

Zeldrick can attack and defend at the same time. At wala na 'kong lakas para tumanggap pa ng atake niya.

Itigil ko kaya ang paggamit ng gift ko? But I can't also afford to do that... it's too risky. I don't have time to cancel my gift. Kailangan ko ng tapusin 'to.

Kung kayang balutan ni Zeldrick ng metal ang katawan niya, then I'll strike his head instead. Hindi magagawang takpan ni Zeldrick ng metal ang ulo niya dahil masyadong malalaki ang metal na gamit niya. Metals can't change shape.

I only have one chance. Kapag pumalya ako ay magiging alerto na si Zeldrick sa plano ko.

Susugod ako at pagmumukhain kong sisipain ko siya sa dibdib.

Sa oras na pigilan niya ang paa ko ay gagamitin ko ang isa kong paa para sipain ang ulo niya.

"Ano na apple head?" pang-aasar ni Zeldrick.

I clicked my tongue.

Asshole. 'Wag mo 'kong sisisihin kapag natanggal ang ulo mo.


Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now