22. Opponents

30K 1.8K 742
                                    

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lemon. That woman is a portugal?!

"Oi, oi. It's none of our business kung nandito siya. Si Principal Helena ang nagpapunta sa atin dito."

Pare-pareho silang natauhan sa sinabi ni Law.

"Yosh, tama na 'yan. Marami na tayong oras na nasayang. Elroy, samahan mo 'ko, magpapa-register na tayo," sambit ni Gin.

"Yey! Sama ako!" dagdag ni Lemon.

Naunang umalis sina Gin, Elroy, at Lemon para magpa-register. "Diyan muna kayo. Babalikan namin kayo," pahabol na sabi ni Gin.

Naiwan kami nina Zeldrick, Law, at August dito.

"Hood, magiikot-ikot muna kami," ani ni Law.

Kasama si Zeldrick ay iniwan din nila kaming dalawa ni August dito. Wala kaming choice ni August kung hindi maghintay rito para sa kanila.

Habang nakatayo at naghihintay ay bigla na lang may sumangga sa akin na lalaki.

"Oy, bulag ka ba? Bakit ka nanangga?"

Napasinghap na lamang ako sa sinabi ng lalaki sa akin. His face is full of piercings and he also have a weird hairstyle. Hindi naman siya mukhang galing sa isang dark guild dahil nakauniporme siya.

"Sorry," sambit ko na lamang sa kaniya. Hangga't maari ay ayoko ng gulo. Kahit obvious naman na siya ang sumangga sa akin.

"Anong sorry? Hindi mo ba 'ko kilala? Hindi mo ba alam kung saang guild ako galing?"

Patuloy akong pinagsalitaan ng lalaki. Nagsisimula na rin kaming pagtinginan ng mga tao.

"Punch him or I will do it," bulong ni August. Ramdam ko ang matalim na tingin niya sa lalaki na manhid.

"Ha! Kami ang magiging S class guild ngayong taon, kaya umayos-"

Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin niya nang may sumuntok sa kaniyang babae. Both August and I flinched when we heard the loud punch.

"Shut the fuck up, Zeke!"

A girl with a long green hair appeared in front of us. Sa likod nito ay meron ding babaeng nakasalamin at maikli ang buhok.

Pareho kaming hindi nakaimik ng kasama ko dahil sa pagkabigla, parehong namimilog ang mga matang nakatingin sa kanila.

"Argh, I'm really sorry," ani ng babae. Mariin siyang napahawak sa noo niya. "As his Guild's Master, ako na ang humihingi ng tawad."

"O-Oh it's okay," sagot ko sa kaniya.

"I'm really sorry. This bastard is always full of himself. Hindi na siya nahiya. Porket nalaman niya na hindi sasali ngayon ang mga Avelites ay akala niya mananalo na kami," muling ani ng babae.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Avelites? Parang narinig ko na 'yon.

Oh, right. Nabanggit sa amin 'yon ni Helena. Sila ang S class guild at ang laging nananalo rito kada taon. Anong sinasabi niyang hindi sila sasali?

"As if we'll have a chance. Kahit wala ang mga Avelites, sasali naman sila ngayong taon," dagdag ng babaeng nakasalamin.

My forehead furrowed. Sila? Sinong sila?

"Anyways, again, I'm really sorry. By the way, we're the Coders, guild from the Solar Academy. I'm Eslin, the Guild's Master. This girl with glasses is Nickle, and that bastard is Zeke," pagpapakilala ng babaeng kaharap namin at nilahad nito ang kamay niya.

"A-Ah, Scarlet. We're from the Lunar Academy. The Grim Reapers," sagot ko at kinamayan ko siya.

"Oh, mga bago lang kayo hindi ba? Good luck sa mga guild natin."

Lunar Academy: School For The HuntersUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum