Kabanata 3

1.5K 95 6
                                    

KABANATA 3
JIYEON'S POV

"Pamangkin kong pretty? Gising kana dadalo tayo ng Mass ngayon. Napaka'tulog mantika mo talaga. PAMANGKIN KONG PRETTY! WAKE UP WAKE UP NA!! "Sigaw ni Tita Leonila. Kaya naman napa'balikwas ako ng bangon.

"T-tita? Ano pong ginagawa niyo dito? "tanong ko. Hinawakan ko muka ko at may napunasan pa akong laway sa may bandang labi ko. Shet nakaka'hiya tas ang Oilness pa ng muka ko.

"Nako pamangks Bumangon kana. Sisimba tayo ngayon mag'suot ka ng maayos ah. By the way, bago pa kayo bumalik dito binilhan na kita ng mga dress at damit pang-alis nandoon na sa Drawer mo"sabi ni Tita saka umalis.

"Sige po"sagot ko. Kaya naman agad agad ay dumeretso na ako sa Cr.

"Aba Girl! Ang nice nice ng pormahan natin ah. We will go lang naman sa church why so bongga mo naman? "tanong ni trixie. Minsan nakaka'dugo ng ilong toh kausap. Pero sanay na ako dyan eh

"Di mauubusan ng ka'artehan mga kaibigan ko dire ah. Taray mo diyan day. Sobrang bagay sayo Jusmeyoo marimar"sabi ni Zariah. Tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Tumigil ka nga Zariah! "saway ko dito

"Aba baka naman kapag nakita ka ng pari sa simbahan day eh bumitaw na yun at ligawan ka. "asar nito saken

"Oh my ghad! Zariah! So lawak naman ng imagination mo. But half joke half real yun. I think let's go na baka maiwan tayo here"sabi ni trixie saka naunang bumaba.

"Jiyeon day! Aba eh kunware pa ire tong babaitang si trixie. Nais lang naman maka'tabi kuya mo. Dumada'moves na oh"bulong sa akin mi Zaniah.

"Hayaan mo na! Minsan lang naman tumabi yan eh. Pagbigyan na natin"sabi ko at saka ngumiti ng malawak.

At totoo nga. Magkatabi sila kuya at Trixie. Nasa gitna si kuya habang nasa kaliwa naman si trixie. Nasa kanan si Tita Leonila.

"Omg!! Ang pretty pretty mo anak! Lindon! Tignan mo ang anak mo dalaga na. Baka sa susunod nito may pumunta na sa bahay at umakyat ng ligaw dyan sa anak natin"naiiyak na sabi ni Mama. Nabigla ako sa sinabi ni mama

Ligaw? Kung may manliligaw man yun ay yung naliligaw sa lugar naten mama

"Anak, Mag-aral ka muna ah pero pwede ka naman magpa'ligaw wag lang marami at baka mahirapan kang pumili haha"natatawang usal ni Papa.

"Papa naman eh! Sinasabayan mo pa si Mama. Di ko pa alam yang mga sinasabi niyo Mama at Papa. Di pa nga ako Graduate eh "naka-ngusong sabi ko.

"Nako anak! Sinisigurado lang naman namin na hindi ka magagaya sa ate Leonila ko. "sabi ni Mama at humarap pa sa amin

"Hoy Criyeon! Ginayuma mo nga lang yang asawa mo eh. Saka marami akong manliligaw dati"depensa ni Tita sa likod

Hays, nakakamiss mga awayan nila Mama at Tita Leonila puro asaran lang kahit may mga edad na. Maya maya pa ay nakarating na kami sa Simbahan. Bumaba kaming lahat pero nahagip ng mata ko ang isang maliit na tindahan sa tapat ng simbahan. Ang tindahan ng mga Kwintas na pwede mong lagyan ng ukit.

"Mama, Papa may pupuntahan po ako"pagpapa'alam ko

"Huh? Saan anak? Magsisimula na ang Misa"sabi ni Mama

"Saglit lang po ako Ma"sabi ko at umalis

"Sige ingat ka"rinig ko kay Mama.

Malapit lang naman at tanaw na tanaw sa gawi namin ang tindahan na ito.

"Aray!"
"Fuck!"parehas naming daing. May naka'bangga kase sa akin.

Pader ba yung nabangga ko? Ang sakit sa balikat men

"Tsk di kase tumi'tingin sa dinadaanan eh"rinig kong bulong ng naka'bangga sa akin.

Kasalanan ko pa?

Tinignan ko ang muka niya. Makinis ang muka pero may sugat sa gilid ng labi niya. Matangos ang ilong pero may band aid sa gitna nito. Nakipag-away ba ito? Sabagay mukang masama ugali nito.

"Anong tini-tingin tingin mo dyan? Hindi kaba magso-sorry? "usal niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw kaya yung naka-bangga dapat ikaw ang magsorry. Nasa simbahan tayo kaya tigilan mo ako baka maka'gawa ako ng kasalanan agad"sabi ko sabay alis. Iniwan ko na siya doon baka kung saan pa umabot ang gulo.

Pagkatapos kong bumili ay agad ko nang hinanap sila Mama. Nandoon sila sa may bandang gitna sa loob ng Simbahan. Habang naglalakad may naka-bangga na namam ako. Pagtingin ko

"Ikaw na naman?! "sabay naming sabi. Napalakas ang pagkakasabi naming parehas kaya naman agad kaming pinagtinginan ng mga tao sa loob. Nagpeace sign nalang ako

"Nanadya ka ata eh. Kanina ka pa ah"sabi ko dito

"Hindi naman kita kilala kaya bakit ko gagawin yun? Ikaw lang talaga dito yung hindi tumitingin sa dinadaanan"sabi nito at lumakad palayo.

PMS ata siya

"Bakit ang tagal mo pamangkin kong pretty? Kanina ka pa namin hinihintay. "sabi ni Tita Leonila

"Sorry natagalan ako. Ang dami kasing bumi'bili kanina"sabi ko.

              Pagkatapos ng misa ay agad na kaming umuwi sa bahay at pinagka-busy'han ang mga bagay bagay. Ako naman ay walang magawa kanina pa ako nagtitingin dito sa newsfeed ko at halos in a relationship status ang laman.

Even we still away from each other. The day will come that will we bumped into each other and that's the love story will begin.

We don't know what's destiny is. It can play you're feelings but one day, destiny will gave you a man who will love you.

As if naman Totoo yang mga pinagpo-post ng mga ito. Kapag malayo na siya sayo malamang hahanap na yan na mas malapit sa kanya. Itinuon ako ang aking kamay sa aking kama at gulat ako nang may maramdamang may papel dito. Agad kong kinuha at binuksan ito saka binasa.

Dear Yeon miloves,

          I know that you will read this letter. But i hope makatanggap ako ng 'happy birthday' sayo. Sana makasagot kana din sa mga binibigay kong letter sayo. Miss na miss na miss na miss na kita Yeon miloves ko.

          And now, Again and again. Hindi ako magsasawang ipaalala at sabihin sayo na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Pagbalik mo dito papakasalan na kita agad para di na kita namimiss nang ganito.

                                            Nagmamahal,
                                              Jairus Pogi

Eto na namang Jairus pogi na ito. Kung saan saan ko na nakikita mga sulat nito ah. Teka...

May dati pa bang nakatira dito?

Baka naman sinulat niya ito matagal na panahon na at baka para sa lola ko. Pero hindi naman Yeon ang pangalan ni lola. Saka di rin naman ganito magsulat si lolo.

Baka naman may dating manliligaw si lola?

Saka bakit Jairus Pogi? Nakaka-stress ng anit tong mga papel at sulat nitong Jairus Pogi na ito.

"Jiyeon? Gising ka pa ba? Jiyeon? Jiyeon buksan mo tong pinto may sasabihin ako!"malakas na sabi ni Kuya sa labas ng kwarto ko.

"Oo teka lang! "sigaw ko at inayos ang mga kalat.

"Bukas na ang pasukan mo eto ang mga gamit mo. Binilhan kana nang bagong bag wag ka nang mag-inarte kila mama ah. K bye"sabi niya. Nilapag niya ang bag na may lamang gamit at saka umalis papasok sa kwarto niya. Kinuha ko ang bag at saka pumasok

Huminga ako ng malalim saka pumikit. Bukas na ang pasukan at bago na din ang papasukan ko. Magiging okay kaya ako doon?

Sana madami akong maging friends doon. Haysstt

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon