kabanata 24

283 19 15
                                    

KABANATA 24

"Anong naramdaman mo? Bumalik ba lahat? Nagflashback ba lahat? Parang nagslow motion ang paligid mo? Ano? Jiyeon, magsalita ka!"pangungulit ni Hermes sa akin. Hinihintay ko sila Trixie at Zariah. At mukhang isasama nila si Clyde. Inayos ko ang mga papeles na hanggang ngayon ay tinatrabaho ko habang ang aking boss ay panay kulit sa akin. "Parang shunga. Hindi ako pinapansin."rinig kong sabi niya.

"Ano ba ang magpa-flashback? Bakit may pa-slow motion?"taka kong tanong. Minsan talaga hindi ko ma-imagine na 27 na 'tong si Hermes dahil masyadong makulit, hyper, at akala mong teenager pa rin. Well, hindi rin naman halatang 27 siya dahil mukha siyang 28 pero ayos na rin.

"Alam mo 'yun? 'Yung parang may nagsabugang mga bulaklak at paro paro sa paligid mo habang naglalakad siya papalapit sayo?"tapos nag-ipinatong niya ang baba niya sa likod ng palad niya habang parang ini-imagine talaga 'yun. Ang sarap niya batukan. Mukha siyang baliw.

"Nababaliw na...?"bigla kong rinig galing kay Clyde. Bigla akong napatayo at napatalon sa sobrang gulat at excited!

"Clyde! Omg, Zariah! Hala, ang ganda ganda mo!"bati ko. "Aba! Lalo ka na Trixie! Ikaw ba talaga 'yan, Kryssha? Angas niyo naman may pa-glow up."sabi ko sa kanila. Agad kong inakbayan si Trixie. "So, kamusta? Nagkita kayo?"tanong ko kay Trixie. Si Kuya Liam ang tinutukoy ko dahil alam kong nasa baba o nasa labas lang siya ng kumpanya. Nakiki-inom ng libreng kape at nakikikain sa libreng cake.

"Syempre naman. Hindi pa kasal, sakal na. Charot."biro niya. "Para ngang iniiwasan ako, eh!"sagot nita.

"Eh, ikaw? Nagkita na kayo?"tanong naman ni Kryssha.

Saglit akong hindi nakaimik.

"Oo. Kahapon lang..."sagot ko.

"At hindi na siya natulog pagkatapos no'n."singit ni Hermes. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag kang fake news. Fake ka na nga, pati ba naman 'yang mga sinasabi mo."at inirapan ko siya. Inilabas niya ang dila niya at saka umirap din.

"Hoy, wag kang magaslaw d'yan!"saway ni Hermes kay Clyde.

"Ganda dito. Parang nasa New York lang."sabi ni Clyde.

"Nagbakasyon lang sa New York naging bukambibig na."mahinang sabi ni Kryssha.

"Kaya nga. Tapos 'yung isa lang 'yung sinama. Palusot pang inaya daw tayo pero ayaw lang talaga tayo kasama."si Trixie. "Mang-aagaw ng friend. Inaagaw na niya saten si Zariah, Kryssha."

May dumating na anim na cups ng kape sa floor namin. At may cake din.

"Ba't ngayon ka lang? Kanina ko pa tinawag 'yan, e."reklamo ni Hermes.

"E, Sir si Sir Liam kase sabi niya mamaya na daw."sagot naman nitong nagdala ng mga pagkain.

"Tsk! Papansin talaga. Nagtatampo lang 'yun sakin. Hindi ko kase 'yun natabihan sa pagtulog."usal niya. Gulat na napatingin si Trixie sa sinabi niya.

"Wag mo pansinin 'yan. Isa din 'yang papansin."sabi ko. "Ano pala meron sa New York?"usisa ko habang sumipsip ng kape.

"Zariah, alis ka nga muna. Ang hirap magchismis kapag nandito yung pinagchichismisan."sabi ni Kryssha. Binatukan naman siya ni Zariah.

"Nandito man o wala, kayang kaya niyo akong pag-usapan ng harapan."sumubo siya ng cake.

"Taray! Pinag-uusapan! Daig ka, Jiyeon."si Kryssha.

"Like, Omg nalang! So balik tayo sa topic,"si Trixie. Habang ngumunguya ay nagsalita siya. "So, ang dalawang 'yan ay nagbakasyon sa New York ng hindi kami kasama! As in, silang dalawa lang!"kwento niya.

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें