Kabanata 14

902 78 7
                                    

(A/N: Stay safe. Happy Easter Everyone)

KABANATA 14

"Saan ka galing? Sabi ni Kryssha sa akin nagmamadali ka daw umalis. Akala ko pa naman maaga kang dumeretso dito pero pagdating ko maabutan kong wala ka pa pala! At tignan mo nga kung anong oras na! Uwi pa ba yan ng matinong babae?"walang emosyon pero ramdam kong galit na galit na tanong sa akin ni Kuya Liam. Halos mangisay ako sa sahig sa takot. Ang dami kasing pinakain sa akin ni Jairus na akala mo naman bibitayin na kami sa dami.

"A-ano kuya... Kase si Jairus—"

"So, si Jairus pala kasama mo? Ni hindi man lang naisipang ipaalam sa akin na magkasama kayo?! Anong ginawa niyo at ala una y media kana non inuwi!?"parang may malakas na kulog dito sa salas namin dahil sa galit ni Kuya Liam.

"Kumain lang naman kam—"

"Kumain lang ba!? O, baka naman iba na ang kinakain!?"pulang pula na ang tenga niya sa galit. Mariin akong umiling.

"Kuya! Kumain lang naman kami! Ang halay mo kuya! Kung ano ano yang pumapasok sa utak ko. Wala kaming ginagawang masama!"inis na sagot ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim.

"Walang ginawang masama pero madaling araw na inuwi. Tsk"mahinang wika nito.

"Liam, bukas na kayo mag-usap ng kapatid mo. Ikaw, Jiyeon. Wag mo nang uulitin yun dahil nag-aalala kaming lahat sa 'yo. Umakyat na kayo at matulog. Maaga pa kayo bukas. I mean, mamaya pala hehe"sabi ni Mama. Tumango ako saka naka-yukong naglakad sa harap ni kuya. Nailagay ko sa ulo ko ang dalawa kong braso nang i-angat niya ang kamay niya. Nang tignan ko, kakamot lang pala ng ulo.

Gusto ako n'yan batukan eh. Magre-ready ako!

Pero alam kong galit talaga si Kuya. Kahit pa araw-araw galit yan, ngayon ay masasabi kong galit talaga siya! Mamaya nalang ako magso-sorry. Pumasok agad ako sa Cr para makapag-palit at maligo. Habang nasa ilalim ng shower di ko makalimutan ang ginawa namin kanina...

      

                    (=flashback=)

"Jiyeon..."tawag sa akin ni Jairus.

Hindi ko siya nilingon at naglaro ng ML.

"Psstt! Jiyeon!"

"Yes! Triple kill!"sigaw ko. At saka tumawa "Hindi niyo ako mapapatay! Hindi niyo ako kaya! Ako lang ang pinaka malakas mag-ml sa buong balat ng lupa! Mga kalaban ko mukang lupa!"dagdag ko pa. Maglalaro pa sana ako nang may umagaw ng cellphone.

"This is just a game. Bakit hindi mo ako mapansin? Ha?"inis tanong nito sa akin.

"Huh? Sorry. Ano kase... Nawili kase ako sa laro. Sorry"nakatungo kong sabi. Dahan dahan kong kinuha pabalik yung cellphone pero agad naman niya 'yon itinaas. Aabutin ko pa sana nang pigilan niya ako gamit ang isang kamay na naka-hawak sa ulo ko. Napabusangot ako sa kanya

"Can you please pay attention on me? Sa school, mga kaibigan mo ang palagi mong kasama. Hindi kita makasama ng matagal bukod dito. Kase alam mo bang?..."mahina niyang sabi. Umalon ang adam's apple niya at saka dahan dahang lumapit sa tenga ko. Napa-atras naman ako sa kanya pero hinapit niya ang bewang ko para mas lalong magdikit kami "Kase ang tagal kitang hinintay."

Nanlalaki ang mga mata ko na halos ihampas ko na sa kanya ang eyeballs ko sa kabaliwang sinasabi niya. Anong matagal na hinintay?

Hinila niya ako paalis sa pwesto namin. Natanaw ko ang dalawang bike doon kung saan ako dinadala ni Jairus.

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Where stories live. Discover now