Kabanata 19

468 52 2
                                    

“Yiiee! Sana all!"sigaw ni Clyde. Hinatak naman siya ni Kryssha palapit sa tabi niya at saka tinakpan ang bibig.

"Hindi ka ba tatahimik? Kanina ka pa nagsa-sana all! Naririndi na ako sayo."saway sa kaniya. Humaba naman ang nguso ni Clyde nang parang bata. Bigla ay tumingin siya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay,"ano? tingin ka?"tanong ko. wala siyang magawa kundi lumapit kay Trixie.

Inis na huminga ng malim si Trixie habang may sinusulat sa notebook niya. "Wala kang mainis kaya sa akin ka lalapit? Lumayo ka nga sa akin!"inis na sabi nito kay Clyde.

Kawawang Clyde.

Sumipol ako at saka ini-nguso si Zariah. Mabilis na umiling sa akin si Clyde. Nagtataka man ay patuloy ko paring ini-ngunguso ang pwesto Zariah. Alam ko  namang ayaw magpa-istorbo ni Zariah pero siya nalang ang makakaunawa dito sa isip-batang Clyde na 'to. Mahaba din ang pasensya niya dito kaya madalas talaga ay siya ang ipina-pares namin kay Clyde.

"Jairus!? Gustong magpahlik sa akin ni Jiyeon. Wala naman akong magawa dahil mapilit siya kaya hinalikan ko siya pero sa gilid lang ng labi niy---"

"How dare you, Kuya!?"sabay suntok ni Jairus sa kapatid. "How dare you to kiss my Jiyeon!?"muli niyang sigaw.

"Gago, itinuturo ko sayo kung nasaan si Zariah. Hindi ako nagpapahalik,"at tinignan ko si Jairus, "at hindi niya ako hinalikan."sabi ko. Kita ko ang paggbabago ng ekspresyon sa mukha ni Jairus. Lumapit siya sa akin.

"Hindi ka niya hinalikan?"tumango naman ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo. "Good, Ako dapat first kiss mo."

"Paano kung 'di ikaw ang first kiss ko? Paano kung nahalikan na ako ng ibang lalaki?"kunot noo kong tanong.

"I trust you."mahina niyang sabi sa tenga ko. Naka-yapos ang dalawang braso niya sa bewang ko at inilapit lalo ang katawan sa akin. "I will be your first and last."

Too bad, i'm not your first love, first kiss and first girlfriend.

Marahan ko siyang itinulak palayo at saka tumabi kay Trixie. At ang pagtabi kay Trixie ay isang malaking pagkakaamali. Nakatingin siya sa akin nang may paghuhusga habang naka-ngisi. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at agad ko naman siyang binnatukan.

"Huwag mo nga 'kong tignan ng ganyan. Sasampalin kita dyan, eh."naniningkit ang mga mata ko habang sinasabi 'yon.

Bumalik siya sa sinusulat niya. "Alam mo, ang swerte mo na d'yan kay Jairus. Bakit 'di niyo pa lagyan ng label 'yang kalandian niyo?"tanong niya at ngumisi, "sabagay, Si Liam nga din mas gustong mag-college muna ako bago ako ligawan, eh. Baka ganun din si Jairus. Hays."

"Hindi ko nga alam kung totoo ba 'yang pinapakita niya... Kase, paano kung... Paano kung---"

"Paano kung pinagseselos niya lang ang ex-girlfriend niya?"ibinaba ni Trixie ang ballpen na hawak niya at hinarap ako. "Buong school na nga ata ang alam nila ay kayo na ni Jairus. Si Jairus ay naka-move on na sa past relationship niya tapos ikaw nalang ang di nakakalimot? Ano ka? Ikaw ba ang ex?"sabi niya.

Huminga ako nang malalim, "masisisi mo ba ako? Paano kung naghahanap lang siya ng pampalipas oras niya? Tapos ako una niyang nakita?"tanong ko. Malakas na hinampas ni Trixie ang lamesa.

"Malamang, haharapin niya ang kamatayan!"sigaw ni Trixie. Alam kong si Kuya Liam ang tinutukoy niya.

"Ano 'yng pinaguusapan niyo?"biglang tanong ni Kuya Liam. Tinignan naman ni Kuya si Trixie. "Tapos mo na ba yan?"tanong niya. Mabilis na umiling si Trixie.

"Hindi pa, pero patapos na ako."sagot niya. Tumango lang si Kuya at saka muling tumingin sa akin. "Kung noon palang ay nakinig ka na sakin hindi ka na sana nag-iisip ng mga ganyan ngayon. Sinabihan na kita noon pero matigas ang ulo mo."sabay talikod na sa amin. Nakanguso akong tumingin kay Trixie. Natatawa sa amin.

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon