Kabanata 13

905 114 23
                                    

(A/N: Hello! Comment naman dyan :<

Expect the wrong grammar and typos. Patulog na kase haha.)


KABANATA 13



Mainit....



Sobrang init...



Napatingin ako sa katabi kong hanggang ngayon busy pa rin sa ginagawa niya. Habang ako tahimik na naka-upo lang sa malaking bato.


"Psstt!"

Ay, 'di ako pinansin?

"Woi!"

Ay, ayaw pa rin?

"Jairus! Ano ba!?"inis na tawag ko sa kanya. Napatigil naman siya saka ako hinarap at saglit na tinitigan.


Ang kaninang sobrang init ay mas lalo pa niyang pina-init nang makita ko ang sparling abs niya. Tumalikod siyang muli saka pinagpatuloy ang ginagawa. Sa totoo lang hindi ko na alam kung nasaan kami lalo na't hindi ko naman saulo itong lugar na 'to.


"Kilala mo ba yung nakaharap mo kanina?"bigla niyang tanong. Umiling ako


"Nakilala mo ba? Namukaan? Naalala mo ba mga panget nilang pagmumuka?"tanong niyang muli sa akin. Ay harsh!



"Hindi ko alam kung sino ang may gawa non. At wala rin akong clue kung sino."sagot ko.



                    ---flashback---


"Kryssha? Mauuna na ako sa inyo ah? Aalis na ako." paalam ko kay Kryssha dahil nasa ibang building naman sila Zariah at Trixie.


"Teka? Bat parang nagmamadali ka?"tanong niya


"May pupuntahan kase ako. May kikitain akong ano..."saglit ano nga ba? Friend ba? Kaso di ko naman ka-close kaya "Alien! May bibisitahin akong alien."sagot ko pero napangiwi nalang s 'ya.  Padabog na lumabas si Jairus. Pero binalewala ko nalang iyon. Wala naman akong care. Medyo lang.



Bago ako pumunta sa aking patutunguhan ay dumaan muna ako sa isang convenient store. Kumuha ng isang Ice cream at mga chitchirya. Dumeretso ako sa counter at binayaran na.


Pagkalabas ko saktong may umakbay na lalaki sa akin. Hindi ko naman siya kilala kaya naman nanlaban ako pero mukang alam niya ang gagawin ko kaya may binulong siya sa akin


"Subukan mong mag-ingay. Papatayin ka namin."banta niya gamit ang kalmado niyang boses. Halis manginig at hindi na maigalaw ang katawan ko pero bigla nalang bumagsak sa sahig ang lalaking umakbay sa akin.


"Tangina! Pre! Si Jairus yan!"sigaw nung kasama niya. Napatakip ako ng bibig nang makita kong duguan ang muka nung lalaki.


"J-ja... Jairus? A-anong ginagawa mo dito?"gulat kong tanong. Rinig kong nag'Tsk' siya at saka iniharap ang mga lalaking kasama nung umakbay at nagbanta sa akin.


Sunod sunod ang pagsugod niya pero wala man lang dumating na mga pulis o kahit mga tanod man lang. Malakas ang mga naging pag-atake niya at makikita mo naman yun sa mga muka ng mga sinuntok niya. Humakbang siya papalapit sa akin pero wala sa sarili akong napa-atras. Anong ginagawa ko?



Nakita kong gulat siya nang ginawa ko yun pero mas nagulat ako sa ginawa ko. Parang nangyari na ito... Parang kaseng ganitong ganito rin yung...



The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Where stories live. Discover now