Kabanata 16

729 85 6
                                    

Isang masigabong palakpakan para kay Clyde na ngayon ang matagal na niyang ninanais gawin sa sarili niya ay ngayon ay nagawa na niya.

Para siyang sira ulong nakasabit ang binti sa kanyang batok.

Sana di niya na mabalik sa dati.

"Hindi kaya nababaliw na yang si Clyde?"bulong sa akin ni Trixie. Natawa ako sa sinabi niya

"Napagpapakitang gilas lang yan kay Zariah. Tignan mo maya maya di na n'ya mababalik yang binti niya sa dati"at sabay kaming napatawa ng malakas dahilan para tignan kami ng masama ni Clyde

"Hoy! Kayong dalawa! Alam ko namang noon pa man ay matagal na kayong inggit sa ka-gwapuhan ko. At wag na wag na wag niyo akong pagtawanan dahil dzuh! Dez iz tahlent"at matalim na umirap pa sa amin.

"Zariah, sayang saya ka sa pinaggagawa ng lalaking yan? Halika nga dito, di naman talaga yan tao. Galing yan sa ibang mundo"sabi ko. Inis na binato sa akin ni Clyde ang bote ng tubig.

"Ikaw Jiyeon,ah! Tigil tigilan mo ako!"hinila niya si Zariah papalapit sa kanya "Zari, inaapi ako nila, oh!"parang batang nagsusumbong sa jowa.

Wala pala silang label

"Muka kang tanga kase, Clyde"sabi ni Zariah kaya naman malakas kaming nagtawanan.

"Hey, anong ginagawa ni Kuya?"biglang sulpot ni Jairus sa tabi ko. Bigla akong kinabahan dahil sobrang lapit niya sa akin na halos ramdam ko na sa balat ko ang hininga niya. Dali dali akong dumistansya sa kanya.

"Nagpapakitang gilas. Di naman siya crush."sinadya kong lakasan ang sinabi ko para mas lalong mamula sa galit si Clyde

Dahan dahan niyang inalis ang binti niya sa batok niya at tumayo. Galit na galit niya ang tinignan.

"Ikaw, kung may galit ka sa akin dapat walang personalan. Di ko nga kayo sinisiraan ni Jairus na naglalandian kahit wala namang label."sabay irap. Namula ako sa sinabi niya

"Di kami naglalandian!"dipensa ko

Nilabas niya ang dila niya na parang bata "Hindi? Hindi? Hindi landian yung naghaharutan kayo sa kalye habang nagbabike?"sabi niya habang ang mga kamay ay nasa bewang niya. Bakit di pa siya nakaka-move on do'n? Pinaalala niya pa sa 'kin yun! Argh.

"Ano bang issue mo do'n? Edi, gawin niyo din ni Zariah yun!"inis na sigaw ko. Tatayo na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.

"So, now? Pwede na kitang ma-solo?"ngising tanong ni Jairus. Mas lalo akong namula... SA INIS! Sa sinabi niyang yun mas lalong lumawak ang ngisi ni Clyde na parang handa na namang mang-asar.

"Tsk, yan tayo eh. Iwan mo na kami Jiyeon. Total ramdam naman naming mas gusto mong kasama si Jairus kesa sa 'min."madrama niyang sabi pero naka-ngisi. Baliw! Shuta ka! Lumapit siya kay Jairus at tinapik ang balikat "Kapatid. Mah bradah, galingan mo okay? Di ka pinalaki ni Kuya para di paramihin ang ating lahi."

Sa sobrang inis ko kusang gumalaw ang kamay ko para batukan ng malakas si Clyde. Nanlalaki ang mata niyang tumingin sa akin at ngumuso.

"Zari, masakit. Masakit talaga sobra"naluluha niyang sabi kay Zariah.

"Tumigil na kayo. Tara sa canteen, nagutom ako bigla"aya ni Zariah. Susunod sana ako sa kanila nang hilahin ako ni Jairus.

"Tara, sa garden. May pagkain tayo do'n"sabi niya.




The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon