Kabanata 10

1K 95 11
                                    

KABANATA 10


"Naku, Jiyeon? Okay ka na ba? Baka naman napagod ka lang kahapon dahil sa pamimili. Bukas na ang christmass party natin baka naman mamaya di ka na makasama"nag-aalalang sabi sa akin ni Kryssha.


"Ipahinga mo nalang kaya muna yan. Dito kana muna dine para naman marelax ka. Sariwa ang hangin dine sa garden. Ala e, Kami nang bahala sa mga teacher mo"usal ni Zariah. Ngumiti naman ako sa kanila


"Thank you. Buti nalang talaga ay may mga kaibigan akong katulad niyo”masayang usal ko. Biglang dumating si Clyde


“Hey! Anong nangyari? Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kwento ni Trixie dahil medyo oa at alam kong hindi ganun si Jiyeon. Ano? Nabalik na ba sa dati ang ulo mo? Nakabit ba ng maayos? Yung utak mo? Hindi ba naalog? Ano okay ka na ba?”inalog alog niya pa ang balikat ko


“Wew, Who’s acting like a oa na kaya ngayon?”nagkibit balikat pa siya. Ginaya naman siya ni Clyde


“Wew, Who’s acting like a maarte na kaya ngayon?”he mocked Trixie


“Stop copying me! Zariah oh! Ang Clyde mo he’s annoying!”sumbong ni Trixie kay Zariah


“Ala e, bakit sa akin ka nagsusumbong hindi naman ako nanay niyan. Tumigil na nga kayo.”sabi ni Zariah


“Nanay lang nang mga magiging anak ko”sabay kindat ni Clyde kay Zariah


“Iww, wag nga kayo dito! Si Liam naman kase hindi na ako pinapansin so maarte na rin ng isang yun. Tsk you two! Go away! Ayoko ng pda here!”nandidiring usal ni Trixie


“Iww, wag ka nga dito! You’re so bitter iww”he mocked trixie again. Mas lalong nag-init ang ulo ni Trixie dito


“Kapag ako nagustuhan ni Liam! Who you ka talaga sa akin. Hinding hindi ka makaka-kain kahit isang butil ng kanin sa Wedding reception namin!”inis na sigaw sa kanya ni Trixie


Huh? Kasal agad?


“Taas ng pangarap mo, Ah! Baka nga mas kilala ko pa si Liam kesa dyan sa pagkakakilala mo sa kanya. Tara na nga Zariah. Ayoko nang dumikit sa mga bitter baka pumait din ako”sabay hila kay Zariah


“Aba e, Paano na? Maiwan ka na muna namin dito Jiyeon? Ito kaseng dalawang ito ay panay ang away. Minsan nakakarindi na. Kryssha, Tara na!”Zariah. Inayos niya na ang mga gamit niya bago lumabas ng garden.


“Iwan ka na namin dito ah? Okay lang naman dito wala masyadong natambay. Presko dito kaya makakapag-pahinga ka ng maayos. Ingat ka dito ah? Puntahan ka namin mamaya kapag break time na. Okay?”sabi ni Kryssha. Tumango ako sa kanya


“Sige. Thank you pala ulit. Babye, galingan sa klase”habol ko sa kanya. Ngumiti nalang siya sa akin at umalis na.


Naiwan na akong mag-isa. Napabugha ako ng hangin at saka nilanghap ang sariwang hangin dito sa garden. Malamig at presko dahil sa mga puno. Pumikit ako at saka sumandal sa puno. Hindi ko alam kung bakit kada matutulog ako ay may napapaniginipan akong dalawang bata. Halos araw araw ay binabalewala ko iyon. At ngayon, hindi naman ako tulog pero nakikita ko sila. Na kada sumasakit ng ulo ko pumapasok sila sa isipan ko.

Hindi kaya may kinalaman yun sa past ko?

Hindi, Imposibleng mangyari yun. Masyado akong maharot noong kabataan ko kung ako yun. Siguro kung ako nga yun ay baka baka binalatan na ako nv buhay ng mga magulang ko dahil ang harot harot ko.


“Okay ka na ba?”

Napatalon ako sa gulat “Puki ng kalabaw!”napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. “Jairus? Anong ginagawa mo dito? May klase ka  diba? Bakit nandito ka?”sunod sunod kong tanong


Napatawa siya “Isa isa lang tanong. Well, Kanina pa kita hinahanap mabuti nalang ay nakita na kita dito”sabay upo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa mga halaman at puno


“Ano bang ginagawa mo rito? Siguro naman hindi ka pupunta at hahanapin ako dito para lang kamustahin diba?”tanong ko.


“Nandito ako kase gusto kitang kamustahin. At saka… gusto kitang makasama”mahina niyang banggit.


Sa sinabi niya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit may nagkakarera sa dibdib ko pero isa lang ang alam ko…


KINIKILIG AKO!!!


Teka, Erase erase erase. Sinabi ni kuya na lumayo ako kanya pero bakit parang okay na sa kanyang magkasama kami? Baka naman magka-away lang sila non kaya ganun


“Ahh, hehehe”I lost my words. Hindi ko na alam kung anong isasagot o sasabihin ko sa kanya. Ganito ba siya sa lahat ng babae? Kumunot ang noo niya.


“Wala ka bang sasabihin? Magkatabi tayo pero parang ang layo mo naman sa akin para kausapin”mahina na halos bulong nalang niyang sabi. Napatitig ako sa itsura niya. Napaka-perpekto. Yun lang masasabi ko para ihanlintulad yun sa kanya


“Ikaw naman kase ang kusang lumapit. Saka, hindi ko alam kung anong sasabihin ko”sagot ko dito.


“Noong mga nagdaang araw, bakit mo ako iniiwasan? Sinabi ba iyon ng kuya mo?”tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko dito


“Ah haha hindi ah! Wala lang trip trip ko lang hehe”I lied. Humarap sa bigla sa akin. Napalunok ako kahit parang wala nang mailunok dahil nanuyo ang lalamunan ko.


“I know the truth. Tell me, gusto ko marinig mismo sa iyon yun”sabi niya at mas lalong lumapit sa akin


Alam niya? Eh bat pa siya nagtatanong?

Eh kase nga gusto niyang marinig yun mismo sa iyo! Awts gaga naman eh!

Napa-ilig ko ang ulo ko sa mga pinagsasabi ko sa utak ko.

“Wala nga yun, trip ko lang talaga. Promise!”sabi ko


“Another lie, I will kiss you here”banta niya. Muli akong napalunok. Alam ba talaga niya? O baka hinuhuli niya lang ako? Shit!


“Bakit ba ganyan ka magbanta?! Huh!? Sabi mo alam mo na naman ang totoo kaya bakit inaalam mo pa sa akin? Ang dami mong arte sa katawan. Tigilan mo nga ako!”sigaw ko dito. Lumipat ako sa kabilang puno pero sumunod naman siya. Lumakad ulit ako papunta sa kabilang puno pero nakasunod pa rin siya. “Saka pwede rin ba!? Wag mo akong susundan!! Hanap ka ng puno mo! Gagawin kitang puno dyan eh! Kainis toh”saka umupo sa isang puno. Siya naman ay umupo doon sa isang bench sa may malapit sa punong kinauupuan ko.


Huminga siya ng malalim “Fine. Then, how are you now? Bakit sumakit ang ulo mo kahapon? Nagpacheck up kana ba?”tanong niya


“Medyo okay na ako ngayon kung hindi ka makulit. Uminom lang ako ng gamot pero hindi naman ako pinacheck up nila Mama. Nagpahinga lang ako”sagot ko.


“Gusto mo dalhin kita sa clinic? Or ospital para malaman natin ang reason?”suwestyon niya. Umiling ako


“Okay na naman ang pakiramdam ko”ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis. Umiwas naman siya ng tingin. Napanguso nalang ako doon


Panget ba ako tuwing nangiti?


“Why you don’t want to know the truth? Pupunta lang naman tayong ospital”bulong niya.


“Wag na, sayang ang punta kung okay na naman ako. Kada check up may bayad. Baka magbigay pa sila ng gamot. Ayoko”usal ko. Nilaro ko ang mga daliri ko. Ramdam kong tumabi na naman sa akin ni Jairus. Kinuha niya ang kamay ko at saka hinawakan yun. Holding hands kami ngayon!!


Nanigas ang katawan ko sa ginawa niya. Halos hindi ko maigalaw ang leeg ko dahil parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kamay ko. Feeling ko maiihi ako


“Sabi ko, kung paano ka kiligin dati dapat ganun pa rin kiligin ngayon”ngisi niyang sabi “Pero mukang walang nagbago. Ako pa rin”ngising usal niya


"kapag dalaga kana dapat ganyan ka pa rin kiligin!!"

Ang katagang yun… hindi kaya… hindi hindi hindi. Imposible lahat ng yun.


____________________________________________________________________________
:)

Pers taym mag daily update :)

VOTE. COMMENT. FOLLOW


The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Where stories live. Discover now