Kabanata 23

373 28 19
                                    

KABANATA 23

5 years later

Dere-deretso akong naglalakad papasok sa kompanya ni King. Bitbit ko ang mga papeles na binigay sa akin ni Nico---dating secretary ni King. Kita ko ang matang nakatingin sa akin pagpasok sa loob ng kumpanya. Ikaw ba naman makakita ng empleyadong secretary agad ang posisyon ng walang inter-interview at kakatapos lang ng college a month ago. At oo, tinupad ni King ang sinabi niya. Akala ko pa nga noong una ay gagawin niya akong yaya sa pagkalaki-laking mansyon niya o kaya naman ay pinagti-trip-an lang at walang magawa sa buhay. Pero nang makarating kami sa mansyon niya... pinalipat niya kami ng school ni kuya. Tumanggi pa si Kuya Liam pero mukhang namiss niya rin si King kaya pumayag na din or... dahil bagong sports car na binigay ni King sa kanya. Well, alam naman nila Mama at Papa ko na nandito kami. Naging magbusiness partner pa nga sila eh. 

"Jiyeon, 'yan na ba lahat ng naiwang trabaho ni Nico?"tanong ni Kyle. Tumango ako bago magsalita.

"Oo, ito na lahat 'yon. Tatapusin ko 'yong pinakahuli bago ko ibigay sayo lahat."sabi ko. Inilagay ko ang lahat ng gamit ko sa aking opisina bago umupo at buksan ang sariling laptop. Katapat ko lang ang opisina ni King. 

"Uy, sama ka sa amin mamaya? Kakain kami d'yan sa may malapit na---"hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Marami akong trabaho..."tangi ko. "Sa susunod nalang."sabi ko. Napansin kong nagkatinginan ang ilan dahil sa sinabi ko. Napakunot ang noo ko dahil totoo namang may presentation akong tatapusin. "Bakit?"tanong ko. 

Umiling ang iba umalis na. Pero may isang nanatili at muling nagsalita.

"Sigurado ka ba? Baka mamaya hindi ka na makakain at makabili sa labas dahil sarado na. Or baka hindi mo mapansin ang oras---"aniya pero hinarap ko siya. Medyo nagulat pa siya pero hinintay niya an kung anong sasabihin ko.

"Medyo madami dami din kase 'to... So, gusto ko nang matapos ng mabilis. Kaya sa susunod nalang."sagot ko. Napapahiyang tumango nalang siya at saka tumalikod. Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko nagulat ako nang may biglang may kamay na tumapat sa mukha ko.

"Ako si Helena. Uhm, gusto ka sana naming mas makilala pa kaya niyaya ka namin kanina. 5 years na ako dito sa kumpanya ni King."nakangiti niyang sabi. Tinanggap ko 'yon at agad ding binitawan. "Balik na doon baka nakakaistorbo na ako masyado. Next time, okay?"sabi niya habang nakataas an g dalawang kilay. I nodded and she smiled. 

Kinuha ko ang earphone at I play some music habang tinatapos ko ang trabaho ko. 

"And I know it's long gone, and there was nothing else I could do. And I forget about you long enough to forget why I needed to..."sabay ko sa kanta.

MAYA-MAYA pa ay biglang nag-ring ang telepono na nasa harap ko. Sa gulat ko ay halos malaglag ako sa kinauupuan ko. Agad ko 'yon sinagot at bumungad sa akin ang bagong gising na boses ni King. 

"May meeting tayo, diba? Ngayon ba yon or bukas pa? Saan si Keros? Si Terry ba sumagot na sa tawag? Nagreply?"sunod sunod niyang tanong. Napahawak ako sa ulo ko at parang biglang nahilo sa mga tanong niya.

Ano bang una kong sasagutin?

"Hindi pa nagrereply si Terrence. Nasa bahay mo naman si Keros. Bakit? Tatawagan ko if may kailangan ka. At ang meeting natin ay may 30 minutes pa bago magstart. So, if okay ka na sa mga naitulog mo, bangon bangon at mag-ayos ka na. Nakakahiya naman po sa amin."sagot ko.

Ito ang unang araw ko sa trabaho kaya sana naman wag puro tulog ang atupagin ng amo ko. Magkasama naman kami sa bahay niya at napapansin ko ngang palagi siyang wala tuwing gabi, o kaya naman madaling araw na nauwi.

"Oo na, ito naman parang mas boss pa sa akin..."mahinang sabi nito. Bumuntong hininga nalang ako habang muling nagpatuloy sa ginagawa. "Sige ka, hindi ko sasabihin sayo bago kong nalaman tungkol kay Jairus."banta nito. Sa isip ko ay sinipa ko na siya a mukha at sinuntok sa dibdib, siniko sa tadyang sabay upper cut tapos kapag bagsak na... Bwelo sabay dagan. Pero habang iniisip ko ang masamang plano para sa pagpapatumba sa kanya at binabaan niya ako at lumabas sa opisina niya.

The Seven Badboys and Me (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon