CHAPTER 51

71 3 2
                                    

'The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later..~'

Kahapon ko lang dinadial ang numero ni Exo at kahapon lang din hindi siya sumasagot sa akin.

Marahas ang aking paghugot ng hininga habang sinusubukan pa rin na tawagan siya pero katulad kahapon, hindi pa rin ito macontact.

“Ms. Kathy, in 3 minutes kayo na po ang magpe-perform”, napatingin ako sa aking likuran ng makita si Madie, ang stage organizer. Tumango ako sa kanya at ngumiti, tinanguhan naman niya ako bago siya may inasikaso na namang ibang mga staff.

Sinilid ko na lang sa bag ang cellphone at napatitig sa salamin na nasa aking harapan. Tapos na akong ayusan kanina ng make-up artist ko. Napatitig ako sa aking repleksyon, pinilit kong ngumiti na parang ayos lang. Kung ano man ang personal kong problema ay hindi ko na dapat pang isipin muna sa ngayon dahil baka maapektuhan ang aking performance.

Ngayong gabi ay live concert ng lahat ng mga banda at mga solo performers ng Proxima Entertainment. Anniversary ng Entertainment kaya napagdesisyonan ng mga Producers na magkaroon ng concert, para na din makita at mapansin ang ilang uprising na grupo.

Nabalik na naman ang malungkot kong mukha. Walong buwan na kaming magkasintahan ni Exo. Maayos naman ang relasyon, hindi nga lang maiiwasan ang mga away at tampuhan minsan. Kagaya ngayon, wala naman akong maalala na sagutan at away na naganap sa amin, hindi ko alam bakit bigla-bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Pareha kaming abala sa trabaho, pero kahit papano naman ay sinasagot niya naman ang mga tawag ko. Nitong nakaraan lang, hindi na niya ako sinusundo galing sa trabaho at hindi na rin kami madalas mag-usap. Pinapabayaan ko lang noong una dahil abala rin siya sa negosyo, na kasalukuyang nagtatayo ng bagong branch, binibisita niya ang site. Pero ngayon ay gusto ko sanang nandito siya sa big event ngayong gabi, dahil ngayon i-aanunsyo ang bago kong album. Hindi ko siya makausap kaya marahil hindi siya makakadalo ngayon.

I drew a breath again. Liz's with him now probably. She's indeed had a big contribution and share in their company. Main stockholder si Liz, kahit pa sa murang edad niya.  I smiled bitterly thinking her. I know we're now cool, but the thought of him being with him can still make me hurt. Pano ba naman? Alam kong nagkaayos na kami ni Liz at nagkalinawan, pero hindi ko mapigilang mangamba. I know she's done with Exo, she cleared that thing to me personally and she even asked for apology, lalo na ng sa panahong hinalikan niya si Exo at nagmukha siyang desperada. Umiyak nga siya sa pagkakataong iyon sa harapan ko, it must be hard for her to let him go but she said she already in the stage 2 of moving on and still looking forward to the entire process. I know also Exo love me, but there's still this possibility that maybe one day it'll fade, that maybe one day he's gonna wake up realising I'm not good enough. I know he already proved me thousand times and I saw it myself, pero iba pa rin pag nandiyan iyong takot, iyong takot na alam mong babagyohin kayo, hindi mo alam kailan, hindi mo alam sa anong paraan.

It's just.. I can't stop myself from overthinking.

Kagaya nga sa nangyayari ngayon sa amin, I think there's a riff. I know myself that I can afford to be hurt again, kasi ganoon naman talaga, hindi mo iyon maiiwasan. Pero hindi ko kakayanin maiwan na naman, hindi ko kakayanin ipagpalit sa iba. Hindi lang dalawang araw siyang walang paramdam, kundi halos dalawang linggo na. Nakakausap ko naman siya, pero nandiyan iyong alam mong nagmamadali siya, na ikaw na lang ang magkukusang bumaba ng linya para hindi siya maabala.

It feared me. A lot. Kasi ganito din ang nangyari dati, hindi siya nagparamdam, kalaunan nakita ko na lang ang sarili kong nasasaktan at naiwan.

I gently wiped my tears. Hindi pwedeng masira ang make-up ko dahil malapit na ako kumanta. I know he's up to something, hindi niya lang sinasabi sa akin. I don't even have a clue what the fuck is that 'something'.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon